VAL 5 First Periodical Test Reviewer (MS Matatag)

 

UNANG MARKAHAN sa

EDUKASYONG PAGPAKATAO 5

 

PANGALAN: _____________________________________________         MARKA: _______________________

BAITANG AT SEKSYON: ____________________________________      PETSA: ________________________

 

PANUTO: Basahin ng mabuti ang bawat tanong, at piliin ang tamang sagot.

 

1. Bakit mahalaga ang pag-iingat sa sarili tulad ng pagkain ng masustansyang pagkain?
A. Para hindi na magtrabaho                           B. Para lumakas at mapanatili ang kalusugan
C. Para makaiwas sa mga gawaing bahay         D. Para mapasaya ang iba

2. Ang pagtanggi sa paninigarilyo at pag-inom ng alak ay isang paraan ng:
A. Pagpapakita ng takot                                   B. Paggalang sa ibang tao
C. Pagpapahalaga sa sariling buhay                 D. Pagkakaroon ng bisyo

3. Ano ang ibig sabihin ng pagpapahalaga sa sariling buhay?
A. Ang paggawa ng gusto kahit masama
B. Ang pagsunod sa utos ng kaibigan
C. Ang pag-abandona sa sariling pangarap
D. Ang pag-iwas sa mga bagay na makapipinsala sa sarili

4. Paano mo mapapakita ang pagkilala sa iyong dignidad bilang tao?
A. Sa pagsali sa mga labanang kalsada
B. Sa pagtanggap ng masasamang bisyo
C. Sa pag-aalaga sa sarili at pagpili ng mabubuting gawain
D. Sa pagsuway sa magulang

5. Nakita mong napupuyat ang iyong kaibigan sa paglalaro ng cellphone gabi-gabi. Ano ang dapat mong gawin upang matulungan siyang mapahalagahan ang kaniyang kalusugan?
A. Sabihan siyang huwag na lang mag-aral
B. Pabayaan lang siya dahil hindi mo problema
C. Hikayatin siyang matulog ng maaga at iwasan ang labis na paggamit ng cellphone
D. Sabihan siyang maglaro pa lalo para masanay

6. May inaalok sa iyong softdrinks at junk food araw-araw. Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa iyong kalusugan?
A. Tatanggapin para hindi mapahiya
B. Ipapalit sa masustansyang pagkain tulad ng prutas
C. Kakainin kahit alam mong hindi ito mabuti
D. Ibebenta ito sa iba

7. May proyekto kayong physical fitness sa paaralan. Anong kilos ang dapat mong gawin upang mapanatili ang mabuting kalusugan?
A. Mag-absent sa araw ng aktibidad
B. Makiisa at aktibong lumahok sa mga gawaing pisikal
C. Magkunwaring may sakit para hindi sumali
D. Umalis nang maaga para hindi mapagod

8. Naramdaman mong ikaw ay palaging pagod at malungkot. Ano ang pinakaangkop mong gawin bilang pagpapahalaga sa sariling buhay?
A. Kumain ng marami kahit hindi gutom
B. Itago ang nararamdaman sa lahat
C. Humingi ng tulong sa magulang o guro upang maalagaan ang iyong sarili
D. Pumunta sa galaan para makalimot

9. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pisikal na pagbabago sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata?
A. Pagkakaroon ng mas malalim na boses
B. Pagkakaroon ng mas maraming gawain sa bahay
C. Pagiging mas mapagkaibigan
D. Pagiging matulungin sa kapwa

10. Ano ang unang dapat gawin kapag may pagbabago kang nararanasan sa iyong sarili na hindi mo naiintindihan?
A. Itago ito at mag-alala
B. Sabihin agad sa kaibigan
C. Isangguni ito sa magulang o taong pinagkakatiwalaan
D. Huwag na lang pansinin

11. Bakit mahalagang maintindihan ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata?
A. Para mapaghandaan ang mga susunod na pagsusulit
B. Para makaiwas sa pag-uusap sa magulang
C. Para hindi mapansin ng iba ang pagbabago
D. Para matutong pangalagaan ang sarili at tanggapin ang pagbabago

12. Ano ang ipinahihiwatig ng pagkakaroon ng mas malalim na boses o pagtubo ng buhok sa kilikili?
A. May sakit ka na at dapat magpatingin
B. Isa itong senyales na ikaw ay papasok na sa mas mataas na baitang
C. Isa itong natural na bahagi ng pag-unlad bilang tao
D. Palatandaan na dapat kang mahiya sa sarili

13. Kapag ang isang bata ay nakararanas ng pagbabago sa damdamin tulad ng pagiging iritable, ano ang maaaring dahilan nito?
A. Hindi siya nag-aaral nang mabuti
B. Bahagi ito ng pisikal at emosyonal na pagbabago sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata
C. Gusto lamang niyang magalit
D. Wala siyang kaibigan

14. Paano makatutulong ang magulang o tagapangalaga sa panahon ng pagbabagong nararanasan ng isang bata?
A. Sa pamamagitan ng pagdisiplina sa lahat ng bagay
B. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng aliw at wastong gabay
C. Sa pag-iwas na kausapin ang bata tungkol sa kanyang nararamdaman
D. Sa pagbibigay ng maraming gawaing-bahay

15. Ano ang ibig sabihin ng pag-iimpok?
A. Paggasta ng lahat ng pera
B. Paggamit ng pera para sa luho
C. Pag-iipon ng pera o gamit para sa kinabukasan
D. Pagbibigay ng lahat ng pera sa kaibigan

16. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pag-iimpok?
A. Paggastos ng baon sa junk food araw-araw
B. Pagtatabi ng bahagi ng baon sa alkansiya
C. Paglalaro sa computer shop
D. Pagbili ng bagong cellphone buwan-buwan

17. Ano ang gamit ng alkansiya sa pag-iimpok?
A. Lalagyan ng mga basura                                        B. Lalagyan ng mga gamit sa eskwela
C. Lalagyan ng ipon upang magamit sa hinaharap      D. Laruan lamang ng bata

18. Ano ang dapat mong gawin sa natirang pera mula sa iyong baon?
A. Itapon                                               B. Ibigay sa kaklase
C. Bilhin ng maraming kendi                 D. Itabi bilang ipon

19. Bakit mahalaga ang pag-iimpok para sa sariling kinabukasan?
A. Para makabili ng hindi kailangan
B. Para may magamit sa mga mahalagang pangangailangan sa hinaharap
C. Para makipagkumpetensya sa ibang tao
D. Para lang masabing may pera

20. May 100 baon si Anna kada linggo. Sa halip na bilhin ang paborito niyang mamahaling tsokolate araw-araw, nagpasya siyang magtabi ng 20 kada araw sa kaniyang alkansiya. Ano ang ipinapakita ng kilos ni Anna?
A. Hindi niya alam kung paano gumastos
B. Mas inuuna niya ang pansariling luho kaysa kinabukasan
C. Marunong siyang magplano at magsakripisyo para sa kinabukasan
D. Pinagkakaitan niya ang sarili ng kasiyahan

21. Si Carlo ay nakatanggap ng 500 bilang gantimpala mula sa kanyang lolo. Nais niyang bumili ng laruan, pero alam niyang may field trip sa susunod na buwan. Ano ang pinakamainam niyang gawin batay sa kahalagahan ng pag-iimpok?
A. Bilhin agad ang laruan at humingi na lang ulit ng pera
B. Gamitin ang pera para sa meryenda araw-araw
C. Ilaan ang pera sa field trip at ipagpaliban ang pagbili ng laruan
D. Iregalo ang pera sa kaklase

22. Ano ang ibig sabihin ng pananampalataya?
A. Pagtitiwala sa sarili lamang               B. Paniniwala at pagtitiwala sa Diyos
C. Pagsunod sa utos ng kaibigan           D. Paggalang sa mga kaklase

23. Alin sa mga sumusunod ang hindi pagpapakita ng pananampalataya?
A. Pananalangin araw-araw                   B. Pagbabasa ng Banal na Aklat
C. Pag-aaway sa kapwa                         D. Pagpunta sa mga gawaing pansimbahan

24. Bakit mahalaga ang pananampalataya sa buhay ng isang tao?
A. Upang makaiwas sa paggawa ng takdang-aralin
B. Upang makilala at mapalapit sa Diyos
C. Upang hindi mapagalitan ng magulang
D. Upang matuto ng maraming salita

25. Isa sa mga gawain upang mapatatag ang pananampalataya ay:
A. Pagsigaw sa magulang                       B. Panonood ng maraming palabas sa TV
C. Paglaan ng oras sa panalangin           D. Paglalakad nang mag-isa sa gabi

26. Ang isang batang may matatag na pananampalataya ay:
A. Palaging nagrereklamo
B. Tinutulungan ang kapwa at marunong magdasal
C. Laging natutulog sa klase
D. Hindi nagpapakilala sa kanyang paniniwala

27. May proyekto si Alyssa sa paaralan tungkol sa kanyang pananampalataya. Alin sa mga sumusunod ang pinakamabuting paraan upang maipakita ang kahalagahan nito?
A. Gumawa ng magarang poster na may mas maraming palamuti kaysa nilalaman
B. Kopyahin ang gawa ng kaklase upang matapos agad
C. Gumawa ng repleksiyong nagpapakita ng kanyang tunay na karanasan sa panalangin at pagbabasa ng Banal na Aklat
D. Gumawa ng maikling tula kahit hindi niya naiintindihan ang kahulugan nito

28. Sinabi ng kaibigan mo na wala nang silbi ang panalangin. Bilang isang mag-aaral na may matatag na pananampalataya, ano ang dapat mong gawin?
A. Sumang-ayon sa kanya para hindi na humaba ang usapan
B. Ipagwalang-bahala ang kanyang sinabi at umiwas na lang
C. Magalit at sigawan siya para ipagtanggol ang iyong paniniwala
D. Maayos na ipaliwanag kung paano ka natutulungan ng panalangin sa iyong buhay

29. Kung pipili ka ng isang aktibidad upang linangin ang iyong pananampalataya sa araw-araw, alin sa mga ito ang pinakamakabuluhan?
A. Manood ng palabas sa TV buong hapon
B. Gumamit ng cellphone habang nananalangin
C. Maglaan ng oras sa panalangin bago at pagkatapos ng klase
D. Magdasal lamang kapag may kailangan o problema

30. Ano ang ibig sabihin ng "Banal na Aklat"?
A. Aklat na naglalaman ng kwento ng buhay ng mga tao
B. Aklat na ginagamit para sa mga takdang-aralin
C. Aklat na may mga aral at gabay mula sa Diyos o mga diyos ng relihiyon
D. Aklat na ginagamit sa klase at may mga halimbawa ng aralin

31. Bakit mahalaga ang pagbabasa ng Banal na Aklat sa ating pananampalataya?
A. Upang magkaalaman ng maraming alamat
B. Para matutunan kung paano maging magaling sa sports
C. Upang mapalalim ang ating pag-unawa sa mga aral ng relihiyon at mapalakas ang ating pananampalataya
D. Para lamang magsaya at magka-kaalaman ng iba’t ibang kwento

32. Ano ang tamang pag-iingat sa Banal na Aklat?
A. Pag-iwan ng Banal na Aklat sa sahig o kung saan-saan
B. Paglalagay nito sa isang maayos na lugar at paggamit ng malinis na kamay kapag binabasa
C. Pagpapahiram ng Banal na Aklat sa kahit na sinong tao
D. Pagtatapon ng Banal na Aklat kapag hindi na ginagamit

33. Paano natin maipapakita ang pagpapahalaga sa Banal na Aklat?
A. Pagbabasa at pagninilay sa mga aral nito araw-araw
B. Pagtatago ng Banal na Aklat sa isang kahon upang hindi magamit
C. Pagpapakita ng Banal na Aklat sa iba upang ipagmalaki
D. Pag-aalis ng mga pahina upang hindi magdulot ng pagka-boring

34. Kung ikaw ay gagawa ng isang proyekto para ipakita ang kahalagahan ng Banal na Aklat sa iyong pananampalataya, paano mo ito ipapakita sa iba?
A. Gumawa ng poster na may mga larawan ng mga Banal na Aklat at isama ang mga paborito mong aral mula rito
B. Gumawa ng mahabang tula na wala namang koneksyon sa pananampalataya
C. Magdala ng Banal na Aklat at ipakita ito sa klase ngunit hindi na magsalita
D. Magbigay ng mga kwento mula sa mga pelikula na walang kinalaman sa Banal na Aklat

35. Paano mo magagamit ang iyong natutunan mula sa Banal na Aklat sa iyong pang-araw-araw na buhay?
A. Magiging mapagpakumbaba at maayos sa lahat ng aking pakikisalamuha sa iba
B. Magiging masaya lamang kapag may mga kaibigan sa paligid
C. Maghahanap ng mga pagkakamali sa iba at ituturo ito
D. Magpapakita ng galit kapag hindi ko nakukuha ang gusto ko

36. Ano ang tamang paraan upang magtapon ng mga patapong gamit-teknolohikal tulad ng sirang cell phone?
A. I-tapon sa basurahan kasama ng mga ibang basura
B. Ibigay sa mga pabrika para ma-recycle o ma-repair
C. Itapon sa ilog o karagatang malapit
D. Itago sa bahay at huwag pagtuunan ng pansin

37. Bakit mahalaga ang tamang pamamahala ng mga patapong gamit-teknolohikal?
A. Upang makatulong sa pagpapaganda ng mga bagay-bagay
B. Upang mapabilis ang pagkuha ng bagong gamit
C. Upang maiwasan ang pagkakaroon ng sakit at polusyon sa kalikasan
D. Upang magamit muli ang mga patapong gamit-teknolohikal nang mabilis

38. Ano ang maaring mangyari kung hindi tama ang pagdispose ng mga patapong gamit-teknolohikal?
A. Magiging sanhi ito ng polusyon at panganib sa kalusugan ng tao at kalikasan
B. Walang magiging epekto sa kalikasan at kalusugan
C. Magiging mas magaan ang mga gamit at madali silang dalhin
D. Magiging sanhi ito ng mas maraming trabaho sa mga pabrika

39. Paano mo maipapakita ang pagiging masinop sa pamamahala ng mga patapong gamit-teknolohikal?
A. Magbigay ng mga gamit sa mga hindi gumagamit upang maging magaan ang buhay
B. Siguraduhing ang mga gamit ay ligtas na itinatapon o nare-recycle upang hindi makasama sa kalikasan
C. Itapon ang mga gamit sa isang lugar nang hindi iniintindi ang kanilang epekto
D. Itago ang mga patapong gamit upang maging handa kung kailanganin muli

40. Kung may sirang cellphone ka, anong tamang hakbang ang dapat mong gawin para matiyak ang kaligtasan ng kalikasan?
A. Itapon ito sa basurahan nang walang pag-iingat
B. Ibigay ito sa mga tindahan na may recycling program para sa mga gamit-teknolohikal
C. Itago ito sa iyong kwarto at huwag pansinin
D. I-flush ito sa toilet upang mawala agad

41. Bakit mahalaga ang pagreresiklo ng mga gamit-teknolohikal?
A. Upang magamit muli ang mga gamit at maiwasan ang pag-aaksaya
B. Upang mapabilis ang paggawa ng bagong teknolohiya
C. Upang matutunan kung paano masira ang mga gamit
D. Upang hindi na gamitin ang mga gamit at bumili ng mga bago

42. Ano ang tamang paraan ng pagtatapon ng patapong baterya ng cellphone?
A. Ibalik ito sa mga tindahan na may programa para sa pagpapagawa
B. Itapon ito sa basurahan kasama ng ibang basura
C. Ibalik ito sa tamang lugar ng pag-recycle na may tamang sistema ng disposisyon
D. I-flush ito sa toilet upang mawala agad

43. Paano mo maipapakita ang pagiging masinop sa pamamahala ng mga patapong gamit-teknolohikal sa iyong komunidad?
A. Magtapon ng mga gamit-teknolohikal nang hindi iniisip ang kaligtasan ng kalikasan
B. Mag-organisa ng mga pagtitipon para sa tamang pagtatapon at pagreresiklo ng mga gamit-teknolohikal
C. Magtago ng mga gamit-teknolohikal sa bahay at hindi na gamitin
D. Pagsamahin ang mga gamit-teknolohikal at mga gamit bahay sa isang malaking basurahan

44. Ano ang pangunahing layunin ng batas trapiko sa pamayanan?
A. Magbigay ng karapatan sa lahat ng tao na maglakbay saan man nila nais
B. Magturo ng mga bagong batas sa mga drayber
C. Tiyakin ang kaligtasan ng lahat ng tao sa kalsada
D. Magbigay ng lisensya sa lahat ng motorista

45. Ano ang iyong tungkulin bilang isang pedestrian upang sundin ang batas trapiko?
A. Maglakad kung saan-saan sa kalsada kahit walang tawiran
B. Dumaan sa mga designated na tawiran at sundin ang mga babala sa daan
C. Maghintay lamang sa kanto ng kalsada para maglakad
D. Tumakbo sa kalsada kung kinakailangan

46. Sa sitwasyong ikaw ay naglalakad sa kalsada at may pedestrian lane na malapit sa iyo, ano ang dapat mong gawin upang sundin ang batas trapiko?
A. Maglakad pa rin sa kalsada kahit may pedestrian lane
B. Tumawid sa kalsada kahit walang pedestrian lane
C. Tumawid sa pedestrian lane at sundin ang mga traffic signals
D. Maghintay na lang sa gilid ng kalsada hanggang wala nang dumadaang sasakyan

47. Kung ikaw ay isang motorista at may nakalagay na "Stop" sign sa kalsada, ano ang iyong gagawin upang sundin ang batas trapiko?
A. Magpatuloy lang sa pagmamaneho nang hindi humihinto
B. Tumigil at maghintay ng ilang segundo bago magpatuloy
C. Huwag na lang pansinin ang "Stop" sign
D. Magpatuloy na mabilis upang hindi mahuli sa oras

48. Kung ikaw ay naglalakad sa kalsada at nakita mong may pedestrian lane, ngunit mas malapit ang kalsadang tatawirin mo na walang pedestrian lane, ano ang tamang hakbang na dapat mong gawin?
A. Tumawid ka na lang sa kalsada kahit wala ng pedestrian lane
B. Pumunta ka sa pedestrian lane at sundin ang mga traffic signals upang maging ligtas
C. Maglakad ka sa kalsadang walang pedestrian lane para makaiwas sa traffic
D. Maghintay ka na lang sa gilid ng kalsada at huwag tumawid

49. Kung ikaw ay isang motorista at nakakita ka ng "Pedestrian Crossing" sign, ano ang dapat mong gawin?
A. Magpatuloy na magmaneho at hindi tumigil
B. Magpatuloy na magmaneho, ngunit mag-ingat sa mga naglalakad
C. Huminto at magbigay daan sa mga pedestrian bago magpatuloy
D. Iwasan ang pedestrian crossing at maghanap ng ibang daan

50. Kung ikaw ay isang motorista at nakatagpo ng isang "One Way" sign sa isang kalsada, ano ang tamang hakbang na dapat mong gawin?
A. Magpatuloy na magmaneho kahit na ito ay isang One Way street
B. Maghanap ng ibang ruta at sundin ang tamang daan
C. Magmaneho pabalik sa One Way street
D. Maghintay at umalis na lang kapag wala nang sasakyan


<<<AnswerKey>>>


TABLE OF SPECIFICATIONS

(TALAAN NG ISPESIPIKASYON)

FIRST QUARTER IN

(UNANG MARKAHAN SA)

SUBJECT

VALUES EDUCATION

(EDUKASYONG PAGPAKATAO)

 

MATATAG CURRICULUM

 

ACADEMIC YEAR

2025-2026

GRADE

5

1ST PERIODICAL TEST

QUARTER 1
ACADEMIC YEAR 2025-2026

CODES

LEARNING COMPETENCIES

(INCLUDE CODES IF AVAILABLE)

ACTUAL INSTRUCTIONS (DAYS)

WEIGHT (%)

REVISED BLOOM’S TAXONOMY LEVEL OF COGNITIVE DIMENSION

 

TOTAL NUMBER OF TEST ITEMS

REMEMBERING

UNDERSTANDING

APPLYING

ANALYZING

EVALUATING

CREATING

NOI

POI

NOI

POI

NOI

POI

NOI

POI

NOI

POI

NOI

POI

ACTUAL

ADJUSTED

NC

1. Nakapagsasanay sa paggalang sa buhay sa pamamagitan ng pag-iingat at pagpapabuti ng sariling buhay

 a. Naiisa-isa ang mga kilos na nagpapahalaga sa sariling buhay

b. Naipaliliwanag na ang mga kilos na nagpapahalaga sa sariling buhay ay paraan upang kilalanin ang sariling dignidad bilang tao at ang mga salik na nakaaapekto sa pagtataguyod nito

c. Nailalapat ang mga kilos na nagpapahalaga sa sariling buhay bilang pagkilala sa kaniyang dignidad

4

16%

 

 

4

1,2,3,4

4

5,6,7,8

 

 

 

 

 

 

8

8

 

2. Nakapagsasanay sa pagpapahalaga sa sarili sa pamamagitan ng pagsunod batay sa mga isinangguni sa mga magulang, nakatatanda, tagapangalaga o taong pinagkakatiwalaan a. Natutukoy ang mga pagbabagong nararanasan sa sarili b. Nasusuri na ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili ay bahagi ng kanilang pag-unlad bilang tao at paghahanda para sa mga susunod na yugto ng buhay c. Nailalapat ang mga paraan ng pangangalaga sa sarili habang nararanasan ang mga pagbabago sa tulong ng pamilya

4

12%

2

9,10

4

11,12,13,14

 

 

 

 

 

 

 

 

6

6

 

3. Nakapagsasanay sa pagiging maagap sa pamamagitan ng pagtupad ng plano ng pagkonsumo o paggastos sa loob ng isang linggo nang may pagsasaalang-alang sa mga bagay na iipunin ayon sa sariling kakayahan

a. Nailalarawan ang mga gawain ng pag-iimpok para sa sariling kinabukasan

b. Naipaliliwanag na ang pag-iimpok bilang paghahanda sa sariling kinabukasan ay kailangang malinang upang matugunan ang mga kakaharaping pangangailangan sa iba’t ibang situwasyon

c. Nakapaglalapat ng mga gawaing pag-iimpok para sa sariling kinabukasan

4

14%

5

15,16,17,18,19

 

 

 

 

2

20,21

 

 

 

 

7

7

 

4. Naisasabuhay ang pananampalataya sa pamamagitan ng paglalaan ng oras ng pananalangin at pagbabasa ng mga Banal na Aklat

a. Naiisa-isa ang mga kahalagahan ng sariling pananampalataya

b. Nahihinuha na ang kahalagahan ng sariling pananampalataya ay nagpapatatag ng kalooban na pinanggagalingan ng wastong asal at pag-alam ng mabuti at masama

c. Nakabubuo ng repleksiyon o mga paraan ng pagbibigay-halaga sa sariling pananampalataya

4

16%

5

22,23,24,25,26

 

 

 

 

 

 

3

27,28,29

 

 

8

8

 

5. Nakapagsasanay sa pananampalataya sa pamamagitan ng paglalaan ng regular na panahon sa pagbabasa o pagninilay sa nilalaman ng Banal na Aklat, babasahin o katumbas nito ng sariling pananampalataya o paniniwala

a. Naiisa-isa ang mga kahalagahan ng Banal na Aklat, babasahin o katumbas nito sa sariling pananampalataya o paniniwala

b. Naipaliliwanag na ang kahalagahan ng Banal na Aklat, babasahin o katumbas nito sa sariling pananampalataya o paniniwala ay mahalagang paraan upang maingatan at mapalalim ang kaniyang pag-unawa sa mga mahalagang aral ng kinabibilangang relihiyon

c. Naisasakilos ang wastong paggamit at pag-iingat ng Banal na Aklat, babasahin o katumbas nito ng sariling pananampalataya o paniniwala

4

12%

 

 

4

30,31,32,33

 

 

 

 

 

 

2

34,35

6

6

 

6. Naipakikita ang pagiging masinop sa pamamagitan ng paggugol ng sapat na panahon at lakas sa pagtatapon o pagreresiklo ng mga gamit-teknolohikal nang may pagsasaalang-alang sa kaligtasan at kakayahan

a. Nakapaghahayag ng mga wastong paraan ng sariling pamamahala sa mga patapong gamit- teknolohikal

b. Nahihinuha na ang sariling pamamahala sa mga patapong gamit- teknolohikal ay pagtitiyak ng kaligtasan at kalusugan ng kalikasan at tao

 c. Nailalapat ang mga wastong paraan ng sariling pamamahala sa mga patapong gamit-teknolohikal

4

16%

 

 

4

36,37,38,39

4

40,41,42,43

 

 

 

 

 

 

8

8

 

7. Nakapagsasanay ng pagiging masunurin sa pamamagitan ng wastong pagtugon sa mga paalala at babala sa daan (road sign)

a. Nakakikilala ng mga sariling tungkulin sa batas trapiko sa pamayanan

b. Nasusuri na ang mga sariling tungkulin sa batas trapiko sa pamayanan ay paraan upang tiyakin ang kaligtasan ng lahat at malinang ang pagiging mabuting mamamayan

c. Naisasakilos ang mga wastong paraan ng pagsunod sa batas trapiko

4

14%

2

44,45

 

 

2

46,47

3

48,49,50

 

 

 

 

7

7

 

TOTAL

28

100%

14

16

10

5

3

2

50

50

 

 

_______________

Prepared by

 

 

______________________________

Initial Content Validation

 

 

____________________________

Final Validation

 

No comments:

Post a Comment

Thank you for your feedback.

System of the Human Body