Second Periodical Examination(ESP
6)
SY 2024-2025
Pangalan:
Petsa: Pangkat:
Panuto:Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang bago ang bawat bilang.
1. Ito ay tumutukoy sa sinabi, ginawa,
o anumang bagay na hindi pinananagutan, o walang
pagsasaalang-alang sa kapuwa.
A. matapat C. responsable
B. iresponsable D. pagsisinungaling
2. Ito ay tumutukoy sa lahat ng tao sa paligid.
A. kapuwa C. kapitbahay
B. kaibigan D. pamayanan
3. Ito ay pahayag na tumitiyak sa pagtupad o hindi pagtupad
sa isang bagay. Ito rin ay tumutukoy sa anumang ginagamit
bilang garantiya.
A. kilos C. pangako
B. sumpa D. katapatan
4. Sa mga pagkakataon na ikaw ay hindi
nakakatupad sa isang kasunduan o sa
iyong mga ipinangako, ano ang dapat mong gawin?
A. Huwag
na lamang ito pag-usapan at hayaan na ito ay
makalimutan ng taong iyong pinangakuan.
B.
Iwasan ang taong pinangakuan upang makaiwas sa pagtatalo o paninisi na hindi kinakailangan.
C. Humingi
ng paumanhin at ipaliwanag ang dahilan kung bakit hindi ka nakatupad sa pangako o kasunduan.
D.
Hintayin na
lumapit o komprontahin ka ng taong iyong pinangakuan upang malaman kung masama
ba ang loob niya sa iyo o hindi.
5. May kasabihan na pagdating
sa pangako, “huwag mong yakapin
ang puno kung alam mong hindi mag-aabot ang iyong mga kamay”. Ano ang
ibig sabihin nito?
A.
Ang pangako ay palaging
may kaakibat na pananagutan.
B.
Huwag kang magbibitaw ng pangakong hindi mo kayang tuparin.
C. Simple o mahirap man ang iyong binitiwang pangako
ay dapat mo ito tuparin.
D. Kailanman
ay huwag kang mangangako upang ikaw ay makaiwas na makasakit ng damdamin ng
iyong kapuwa.
6. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng
pagpapahalaga sa pagiging responsable sa kapuwa MALIBAN sa:
A. Pangangako kahit mahirap itong gawin.
B. Pagtupad sa mga pangako
o kasunduan.
C. Pagiging matapat
sa anumang sitwasyon.
D.
Pagpapanatili ng mabuting ugnayan sa kapuwa.
7. Nakita mong umiiyak ang kaibigan mo dahil may problema siya. Ano ang gagawin mo?
A. Pabayaan ko siyang umiyak.
B.
Awayin ko siya para lalong umiyak.
C. Tanungin ko siya kung ano problema
at kung ano maitutulong ko.
D.
Ipagsabi ko sa mga kamag-aral ko na may problema siya.
8. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa kaibigan?
A. Pabayaan siya mag-isa kung may suliranin
siya.
B.
Magtutulungan kami upang pareho kaming umunlad.
C. Iiwasan
ko siya kapag nakakuha siya ng mas mataas na marka kaysa sa akin.
D. Hindi
ako makikipagkaibigan sa iba dahil
kaya ko naman ang sarili ko.
9. Sa pagpapanatili ng pagkakaibigan, ano ang nararapat
isaalang-alang?
A.
Mapagmataas sa isa’t isa.
B. Tumitingin sa estado ng buhay.
C. Mapaglihim sa isa’t isa.
D. May paggalang
at pagbibigayan ang bawat isa.
10. Alin sa mga sumusunod
ang nagpapakita ng pagiging responsable?
A. Si
Jaypee na isinasauli ang mga gamit na kaniyang hinihiram sa takdang-oras.
B. Si
Janine na pinasasagutan ang mga gawain sa module sa kaniyang mga
magulang.
C. Si
Louie na nililibre ang kaniyang mga kaibigan gamit ang perang ibinibigay ng
kaniyang mga magulang.
D.
Si Mico na
ipinakokopya ang sagot niya sa module sa kaniyang mga kaklase upang sila ay
hindi na mahirapang pumasa.
11. Si John ay isang trabahador sa araw at mag-aaral naman sa gabi. Malapit
na ang kanilang huling pasulit at maraming proyektong dapat isumite kaya’t hindi siya masyadong
nakatulog dahil tinapos
niya ang proyekto.
Kinabukasan, sa kanyang pinagtratrabahuan ay nakatulog siya sa oras ng
trabaho, nagkataong nakita pa naman siya ng kanyang amo.
A. Hindi pansinin
ang kanyang amo na nakakita
sa kanya.
B.
Hihingi ng
paumanhin at sabihin ang totoong dahilan sa kanyang Pagkapagod.
C. Antayin na ipatawag at pagsasabihan siya sa opisina.
D. Huminto sa pag-aaral upang hindi na makatulog sa oras ng trabaho.
12. Inutusan ka ng Nanay mong bumili sa
tindahan. Napansin mong sobra ang sukling ibinigay ng tindera at nagkataong
nagugutom ka pa naman.
A.
Bumalik sa tindahan at ibili ang pera ng pagkain.
B. Itago ang sobrang pera at humingi sa nanay ng pambili ng pagkain.
C. Iimpok ang pera at ilagay sa alkansiya.
D. Isauli ang sukli sa tindera at sabihing sobra ang naibigay
nito.
13. Pinalinis nang inyong guro ang kanyang
mesa. Nakalagay pa naman
ang kanyang bag at nakita mong bukas ito at may laman na maraming pera.
A. Isarado ang bag at ibigay ito sa guro at sabihing
bukas itong nakalatad sa mesa.
B. Kunan ng kaunti ang pera na tama lang na hindi mapansin ng guro.
C.
Isantabi lang ang bag upang malinis ang mesa ng mabuti.
D. Bantayan ang bag
at utusan ang kaklase na siyang maglinis ng mesa.
14. May proyekto kayong kailangang tapusin
sa paaralan, ngunit ayaw ng magulang mo na makitulog ka sa bahay ng iyong
kamag-aral.
A. Hindi na lang gagawa ng proyekto
kapag hindi ka pinayagan.
B. Ililihim sa magulang ang gagawing pagpunta
sa bahay ng kamag-aral
at hihingi na lang ng paumanhin pagkatapos.
C. Sasabihin
mo sa magulang mo na kung pwede ay sa bahay ninyo na lang kayo gumawa ng inyong
proyekto.
D. Hindi na kakausapin ang mga magulang
kailanman.
15. Habang nahirapan ka sa pagsagot sa pasulit na ibinigay ng iyong guro,
kinalabit ka ng iyong kaklase at ibinigay sa iyo ang susi sa pagwawasto ng
inyong sinagutang pasulit.
A.
Magpasalamat sa kaklase sa natanggap at kopyahin ang lahat na sagot.
B. Ibigay ito sa katabi upang makakuha siya ng tamang sagot.
C.
Hindi ito
tanggapin at sabihan ang guro sa
nagawang pandadaya ng kamag-aral.
D.
Tanggapin ang kodigo ng walang nakapansin
na kamag-aral.
16. Nagpasya kayo ng mga kaibigan mong manood ng sine sa mall. Nakatakda kayong magkita- kita sa hintayan
ng sasakyan malapit sa simbahan ng ika-3 ng hapon. Pero hindi dumating ang mga
kaibigan mo. Nalaman mo na nauna na pala sila sa mall. Ano ang magiging
reaksyon mo?
A. Hindi ko sila papansinin.
B. Aawayin ko sila at hindi na makipagkaibigan.
C. Uuwi nalang ako dahil hindi sila tumupad sa usapan.
D.
Kakausapin sila ng mahinahon tungkol sa nangyari at pagsasabihan na hindi tama ang ginawa nila.
17. Magkakaroon ng paligsahan sa pagguhit ang inyong paaralan.
Gustong-gusto sanang sumali ng kaibigan mo ngunit wala siyang gamit.
Pinahiraman mo siya ng gamit. Nangako siya na ibabalik niya agad ito pagkatapos
ng paligsahan. Lumipas ang ilang araw at natapos na ang paligsahan ngunit hindi pa rin niya ibinabalik ang kanyang
hiniram. Ano ang magiging reaksiyon mo rito?
A. Hindi ko siya papansinin.
B. Iiyak at hindi na papahiramin ng gamit.
C. Kakausapin at sabihin ang totong naramdaman sa nangyari.
D.
Papagalitan ko
siya dahil hindi pa niya binalik sa takdang oras ang gamit mo.
18. Si Sarah at Pat ay nagkasundong magsisimba tuwing Linggo. Sa di
inaasahang pangyayari hindi nakasimba si Pat, ano ang mararamdaman ni Sarah sa
pagkakataong ito?
A. Magagalit kay Pat dahil hindi siya nagsimba.
B. Aalamin ang dahilan kung bakit hindi nakasimba si Pat.
C. Matutuwa si Sarah dahil hindi niya makakasama si Pat sa pagsimba.
D. Kakalimutan
na niya si Pat dahil sa hindi pagtupad sa napagkasunduang pagsisimba.
19. Pinayagan ka ng iyong nanay na dumalo sa kaarawan
ng kaibigan mo at nangakong
uuwi sa takdang oras. Ngunit pinipilit ka ng mga kaibigan mo na huwag munang
umuwi. Ano ang gagawin mo?
A. Mag-eenjoy ako hanggat gusto ko.
B. Hindi ko nalang pansinin
ang nanay kapag magalit sa akin.
C. Hindi ako uuwi sa takdang oras kahit mapagalitan ng nanay.
D.
Ipapaliwanag ko
sa mga kaibigan ko na nangako ako sa aking nanay na dapat ko itong tuparin at
upang hindi ako mapagalitan.
20. Kasalukuyang nanonood ka ng paborito mong palabas sa telebisyon nang may tumawag na matandang babae na
humihingi ng tubig na maiinom. Hindi mo siya kilala. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi mo siya papansinin.
B.
Itatanong mo muna kay nanay kung maari mo siyang bigyan
ng tubig.
C. Bibigyan mo siya ng maiinom na tubig.
D.
Hayaan lang siya hanggang
sa umalis.
II. Panuto:
Basahin at suriin
ang sitwasyon sa ibaba at isulat sa patlang ang titik
ng tamang sagot.
Nagsimula ang pagkakaibigan nina Lolit at
Lita sa paaralang kanilang pinapasukan. Nagustuhan ni Lita ang pagkamasayahin, makwento at maalalahanin
ni Lolit. Masaya sila sa kanilang relasyon bilang magkaibigan at magkaklase. Habang tumatagal mas nakilala ng dalawa ang isa’t isa; ang
mabubuting katangian pati na rin ang ilang kapintasan. Para kay Lita, lubos at
walang kondisyon ang kanyang pagmamalasakit sa kaibigan. Subalit ng tumagal, napansin
niya na kapag natataasan niya ng iskor si Lolit sa kanilang
pagsusulit,ay naiinis ito. Kapag pinupuri
ng kanilang guro si Lita dahil sa magagandang gawaing naipasa niya, sa ibang kaklase sumasama
si Lolit. Sahuli, nasasaktan
si Lita pero wala siyang lakas ng loob sabihin ito kay Lolit. Ang lahat ng
kaniyang saloobin ay sinasarili na lamang niya.
21. Kung ikaw si Lita, ano ang
pinakamakatwirang hakbang upang maging malinaw ang katayuan ng kaniyang pakikipagkaibigan
kay Lolit?
A.
Ipakita kay
Lolit na hindi siya apektado sa negatibong kilos at asal na ipinamamalas sa kanya.
B.
Ipagpatuloy ang
pananahimik hanggang kaya pang tiisin ang ugali ng kaibigan.
C.
Makipagkaibigan sa iba at balewalain ang kaibigan na naiinggit sa kaniya.
D. Maglaan
ng sapat na panahon sa pakikipag-usap nang matapat kaugnay sa negatibong asal o
ugali ng kaibigan.
22. Ano ang pangunahing dahilan
ng hindi magandang
pakikitungo ni Lolit sa kanyang kaibigan na si Lita?
A. Hindi niya mahabol ang kanyang kaibigan.
B.
May nabubuong kumpetisyon sa kanilang dalawa.
C.
Nagsasawa na siya sa kabaitang pinapakita
ng kaibigan.
D. Isa lang sa kanila ang sumisikat
at napapansin sa klase.
23. Mula sa kwentong pagkakaibigan nina Lolit at Lita, alin sa mga
sumusunod na konsepto ang angkop
dito?
A.
Lahat ng
pagkakaibigan ay may mabuti at di mabuting naidudulot sa tao subalit ang mga ito’y maaaring dahilan ng ating paglago.
B.
Sa pagpili ng
kaibigan, kailangan nating bumuo ng pamantayan at inaasahan sa kanila na
makatutulong sa pagpapabuti ng pagkatao.
C. Ang pagkakaibigan ay pagbabahagi ng sarili
na hindi naghihintay ng anumang kapalit sa mga bagay na hatid
ng pakikipag-ugnayan sa kapwa.
D. Ang
tunay at mabuting pagkakaibigan ay bunga ng pagsisikap na pagdalisayin at
patatagin ang ugnayang namamagitan.
24. Ang mga sumusunod ay kahalagahan ng mabuting pakikipagkaibigan
MALIBAN sa isa.
A. Ang
pakikipagkaibihgan ay hindi lamang isang pakikitungo sa kapwa kundi isang
pagbabahagi ng sarili.
B.
Ang pakikipagkaibigan ay nakatutugon sa personal
na intensiyon ng tulong o pabor na makukuha sa iba.
C.
Ang
pakikipagkaibigan ay bunga ng pagsisikap na patatagin at palawakin ang ugnayan
sa pangmatagalang panahon.
D.
Ang pakikipagkaibigan
ay nararamdaman mula sa inspirasyong nagmumula sa taong naniniwala at
nagtitiwala sa atin.
25. Sa panahon ng kabataan likas na umuusbong ang pakikipagkaibigan sa
katapat na kasarian kagaya sa kaparehong kasarian. Upang maingatang hindi mabuwag ang mabuting layunin
sa pagkakaibigan sa katapat na kasarian nararapat na isaalang-alang
ang:
A. Pagsuporta sa mga mithiing nais makamit mula sa pakikipagkaibigan.
B. Paglilinaw sa kanilang mga limitasyon ng ugnayang maingat
na binuo.
C.
Paggalang sa mga katangian at
kahinaang taglay sa kanilang seksuwalidad.
D. Pagkontrol sa posibleng atraksiyon na makamit mula sa pakikipagkaibigan
III. Panuto: Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang bago ang bawat bilang.
26. Ano ang tawag sa kagandahang-asal na
nararamdaman o ipinapakita sa
pamamagitan ng mataas na pagkilala o pagtingin?
A. ideya C. pagsalungat
B. paggalang D. suhestiyon
27. Ano ang tawag sa hindi maayos
na ugnayan ng dalawa o higit pang panig?
A. ideya C. pagsalungat
B. paggalang D. suhestiyon
28. Bakit mahalaga
ang ideya o suhestiyon?
A.
Ito ay makapagbibigay ng mahalagang imbensiyon sa mundo.
B. Ito ay makatutulong sa ating kapuwa sa oras ng pangangailangan.
C.
Ito ay magbibigay ng kasiyahan at kaginhawahan sa ating kapuwa.
D. Ito
ay makakatulong na makabuo ng isang konkretong ideya na maaaring maging
kapaki-pakinabang.
29. Si Marco ay likas na matalino kung kaya’t madalas sa usapan nilang
magbabarkada ay palaging gusto na lamang ang nasusunod. Bilang isang kaibigan,
paano mo maitutuwid ang ganitong pag-uugali ni Marco?
A. Patitigilin siya kapag nagsasalita.
B. Pahiyain ito sa harap ng iyong mga kaibigan.
C.
Hintaying
matapos siya magsalita at ipaintindi na mali ang kanyang inaasal.
D. Kausapin
siya ng masinsinan at ipaliwanag ang kabutihang dulot ng pakikinig sa
suhestiyon ng iba.
30. Nagpatawag ng pulong ang kapitan ng baranggay para pag-usapan ang
isang mahalagang isyu. Gusto nitong marinig ang opinyon ng kanyang nasasakupan.
Anung pag-uugali ang ipinakikita ng kapitan?
A. pagkamahinahon C. paggalang sa suhestiyon ng iba
B. pagkamagalang D. pagkamahabagin
31. Pinagsabihan si Arman na limitahan ang
paglaro ng cellphone dahil ito ay nakasisira sa kanyang mata. Kung ikaw si
Arman ano ang gagawin mo?
A. Pakinggan ko ang kanilang
sinabi ngunit hindi ko ito susundin.
B. Pakinggan ko ang kanilang payo at susundin ko ito.
C. Pakinggan ko lamang ang kanilang sinabi.
D.
Pakinggan ko pero gagawin ko pa rin ang nais ko.
32. Pinaalalahanan mo ang iyong ate dahil laging puyat sa pagbabasa
ng
wattpad. Kung ikaw ang ate, ano ang iyong mararamdaman?
A. Magagalit ako sa kapatid ko kasi pinapakialaman niya ako.
B.
Sasabihin sa kapatid
ko na mas nakatatanda ako kaya alam ko ang ginagawa ko.
C. Maiinis ako kasi matanda ako sa kanya.
D. Magpapasalamat ako sa aking kapatid sa kanyang paalala.
33. Tinuruan mo si Kizzia maglinis ng maayos dahil hindi ito sanay sa gawaing bahay. Kung ikaw si Kizzia ano ang mararamdaman mo?
A.
Magpapasalamat ako dahil natuto akong gawin ng tama.
B. Magagalit ako dahil nagmamagaling siya sa akin.
C. Sasabihin ko sa kanya na siya na lang ang gumawa.
D. Sasabihin ko sa kanya na tulungan
niya ako.
34. Paano mo maipapakita ang paggalang sa suhestiyon ng iyong magulang hinggil sa iyong mababang marka?
A.
Balewalain ko ang kanilang
sinasabi.
B. Magalit ako dahil pinagbawalan na gumamit ng cellphone.
C. Pakinggan ko ang kanilang
suhestiyon pero di ko gagawin.
D. Papakinggan at gagawin ang kanilang suhestiyon.
35. Kalahok kayo sa isang patimpalak ni James
ngunit magkaiba kayo ng naisip. Ano ang iyong gagawin?
A. Ilihim ko nalang kay James ang ideya ko.
B. Sabihin ko kay James at pilitin
siya na ito ang aming gagawin
C.
Banggitin ko kay James ang aking konsepto ngunit hindi ko ipipilit.
D.
Lahat ng nabanggit.
36. Ang iyong nakababatang kapatid ay pinagsabihan ng iyong kapitbahay na magdahan-dahan sa paglalakad dahil ito ay
maaring makadisgrasya sa mga maliit na batang naglalaro sa kalye. Ano ang iyong
gagawin?
A.
Susugurin ko siya dahil wala siyang pakialam sa
buhay ng kapatid ko.
B.
Hahayaan kong makapinsala ang aking kapatid.
C. Tatawagin
ko ang aking kapatid at sasabihang
makinig sa sinabi ng ale.
D. Lahat ng nabanggit.
37. Isang dati mong kaibigan
ang nagkakalat ng mga di-kaaya-ayang tsismis tungkol sa iyong
nakababata kapatid. Nagkataong nasalubong mo siya sa hallway ng inyong
paaralan. Ano ang gagawin mo?
A. Magagalit at aawayin ko siya.
B. Iimbitahan
ko ang dati kong kaibigan sa isang tahimik na lugar at tatanungin nang
mahinahon kung bakit niya nasabi ang ganoong kwento.
C.
Ibabalik ko rin sa kanya kung ano ang kanyang ginawa.
D. lahat ng nabanggit.
38. Nakabasag ng plorera ang iyong kaklase
at ikaw ang kanyang iturong nakabasag. Pinagalitan ka ng iyong guro sa harap ng
iyong mga kaklase.
Napag-alaman mo na ang iyong kamag-aral ang may nakagawa. Humingi siya ng
patawad at nangakong sasabihan sa iyong guro. Ano ang gagawin mo?
A.
Aawayin ko siya at hindi na papansinin hanggang kailan.
B. Hindi ko na siya kakausapin dahil napahiya na ako sa buong klase.
C.
Pakikinggan ang paliwanag at tatanggapin ang kaniyang suhestiyon
D. lahat ng nabanggit.
39. Nagkaroon ng sunog sa inyong barangay at marami sa kanila ang nawalan ng tirahan. Magkakaroon ng
pagpupulong ang barangay na magkakaroon ng programa upang makalikom ng pera
para makatulong ito sa mga nasunugan.
A. Ipagwalang bahala ang nasabing
pagpupulong
B.
Huwag pumunta sa pagpupulong
C.
Tumulong at pumunta sa nasabing pagpupulong
D. Pupunta sa nasabing pagpupulong at huwag makinig
40. Binoto ng lahat si Marco dahil
marami siyang pera at kaya niyang bilhin ang boto ng mga tao. Kahit alam
nila na hindi nito kayang pagsilbihan ang bayan.
A. Pagsabihan
ang mga tao na tama ang kanilang gagawin na iboto si Marco
B. Kausapin
ang mga tao at sabihin ang maaring epekto ng kanilang desisyon kung sakali
C. Huwag nalang makialam
D. Igalang
ang desisyon nila at huwag makialam dahil may trabaho naman
at hindi ka maapektuhan nito.
41. Tama ba ang ginawa ni Mrs. Mel na ipinatawag
ang buong klase upang tanungin ang mga bata kung sang-ayon ba sila sa proyekto
na gagawin.
A. Tama
ito dahil kailangan din marinig ang opinyon o ideya ng buong klase
B.
Hindi dahil mas mangingibabaw
ang desisyon ng guro dahil sila ang may mas mataas na posisyon
C. Hindi
dahil nagsasayang lang ng oras ang guro. Dapat hindi na niya pinatawag ang
klase.
D.
Tama dahil ang mga bata naman ang gagawa ng proyekto
kaya sila dapat ang masunod.
42. Kandidato ang matalik na kaibigan ni Jhon na si Mike sa
pagkapangulo. Alam ni Jhon na hindi niya kaya ang mga tungkulin kung siya ang mananalo. Natatakot si Mike na Manalo
baka hindi niya kaya ang responsibilidad nito. Ang boto nalang ni Jhon ang
maaring makapagbago nito. Ngunit sa huli binoto ni Jhon si Mike dahil magkaibigan nga sila.
A. Tama
ang ginawa ni Jhon dahil magkaibigan sila baka magalit si Mike kung hindi niya
iboboto ito
B. Tama ang desisyon ni Jhon dahil siya naman ang makikinabang kung mananalo si Mike
C. Mali
ang pasya ni Jhon maaring ikasasama ito ng organisasyon kung si Mike ang
mananalo.
D. Mali ang
pasya ni Jhon dahil ilalagay niya sa alanganin ang kakayahan ng kanyang
kaibigan at maaring hindi magampanan ito ni
Mike.
43. Nakapagtapos ng kolehiyo si Ann at nais niya nang mag-sarili. Meron
siyang trabaho at ayaw niya na pakialaman siya ng kanyang mga magulang.
A. Mali ang pasya ni Ann dahil sa huli siya ang kawawa
B. Mali
ang pasya ni Ann dahil kahit papaano may naitulong ang mga magulang nito sa kanya. Dapat niyang
tulungan ito.
C. Tama
ang pasya ni Ann dapat mag-sarili siya dahil may trabaho na siya
D. Tama
ang pasya ni Ann dahil hindi niya obligasyon na tulungan ang kanyang mga
magulang.
44. Mahigpit na bilin ng iyong kapatid
na huwag mong pakialaman ang kanyang gamit. Ano ang gagawin mo?
A. Kuhanin ko ang gamit at ibalik ko na lang bago siya dumating.
B.
Hayaan ko siyang magalit
ang mahalaga ay nakuha ko ang gusto ko.
C. Antayin ko ang aking kapatid na dumating bago ito kunin.
D.
Balewalain ko dahil mga magulang naman namin ang bumili nito.
45. Nagbigay ng mga suhestiyon ang mga
kagrupo mo sa dula-dulaan sa Edukasyon sa Pagpapakatao. Bilang lider may naisip ka ngunit hindi
nila ito nagustuhan. Ano ang
gagawin mo?
A. Gagawin ko ang nais ko dahil ako ang lider.
B. Hindi ko sila susundin
at gagawin ko ang nais ko.
C.
Sasabihin ko sa
kanila na kung ayaw nila sumunod ay umalis sila sa grupo.
D.
Pakinggan ko ang kanilang
mungkahi at ito ang gagawin.
46. Pinagalitan si Menchie ng kaniyang nanay at alam niyang hindi siya
ang may kasalanan. Kalaunan ay umamin sa kaniya ang kapatid niyang si Kris na siya
talaga ang may kasalanan at nangakong sasabihin na ito sa kanilang nanay
patawarin lamang siya. Ano ang dapat gawin ni Menchie?
A. Awayin ang kaniyang kapatid upang makaganti
siya.
B. Tanggapin ang suhestiyon ng kaniyang kapatid at patawarin
siya.
C. Isumbong ang kaniyang kapatid
sa kanilang nanay upang siya ay
maturuan ng leksiyon.
D. Ipagsawalang
bahala na lamang ito dahil tapos na itong mangyari at hindi na ito mababawi pa.
47. Isang tsismis
ang ipinagkakalat ni Rosana sa kaniyang mga kaklase
tungkol kay Tim sa pamamagitan ng isang text message. Ipinaalam ito kay Tim ng
isa nilang kaklase. Sa muling pagkikita nina Rosana at Tim, ano ang dapat gawin ni Tim?
A.
Magtanim ng galit kay Rosana at huwag na itong kakausapin.
B. Pabayaan
na lamang ipagkalat ang tsismis dahil hindi naman ito totoo.
C. Komprontahin
si Rosana at awayin ito upang malaman niyang mali ang kaniyang ginawang
paninira.
D. Lapitan
si Rosana at yayaing mag-usap ng maayos at alamin kung totoo ang sumbong na natanggap.
48. Tuwing Linggo
ay nakaugalian na ni Manoy magpatugtog nang malakas ng kaniyang
mga paboritong awitin
na kung kaniyang tawagin ay Sunday’s
Best. Sumapit ang isang linggo na sa
kaniyang pagpapatugtog ay may pumunta sa kanilang bahay at nakiusap na hinaan
ang kaniyang music dahil ang kaniyang kapitbahay ay may prayer
meeting. Kung ikaw si Manoy,
ano ang gagawin mo?
A.
Pagsasabihan
ang kapitbahay na sa ibang lugar na lamang sila mag-prayer meeting.
B.
Ititigil muna ang pagpapatugtog
at maghanap ng ibang pagkakaabalahan bilang respeto sa kanilang aktibidad.
C.
Hihinaan ang pagpapatugtog at
magdadabog upang malaman ng kapitbahay na nagambala nila ang aking pakikinig.
D. Ipagpapatuloy
ang pagpapatugtog nang malakas sapagkat ito ay ginagawa naman niya sa loob ng
kanilang bahay.
49. Galit ang tatay nina Ken at Yen dahil nawawalan ito ng pera sa
kaniyang pitaka. Nalaman ni Yen na kinuha ni Ken ang pera ng kanilang tatay dahil bumili ito ng load para makapaglaro
ng mobile games gayong gipit sila at pangkain lamang ang ibinibigay sa kanila.
Ano ang dapat gawin ni Yen?
A. Isumbong
si Ken sa kanilang tatay upang mapagalitan ito a maturuan ng leksiyon.
B. Pabayaan
na lamang ang kapatid dahil masaya naman siya sa paglalaro ng mobile games.
C. Takutin ang kapatid na magsusumbong sa kanilang tatay
kundi siya hahatian sa nakuhang pera.
D. Kausapin ang kapatid na mali ang kaniyang ginawa at
imungkahi na umamin siya at humingi ng tawad sa kanilang tatay.
50. Habang nasa hapag kainan ang pamilya
Cruz, naibahagi ng panganay nansi Tracy ang kaniyang pagsali
sa isang Poster Making Contest. Humingi siya ng suhestiyon sa
kaniyang pamilya. Iminungkahi ng kaniyang kapatid na si Bea na mahusay rin sa
paglikha ng poster na lumikha ng panibagong
poster na mas maganda ang tema kesa sa kaniyang
nilikha.Kung ikaw si Tracy, ano ang gagawin mo?
A. Maiinis sa kapatid dahil mahirap gumawa ulit ng panibagong
poster.
B. Magpasalamat
sa suhestiyon at subukang gawin ang iminungkahi ni Bea.
C.
Huwag na lamang
itong pansinin at ilaban ang sariling gawa sa kompetisyon.
D.
Pakiusapan ang kapatid na siya na lamang ang gumawa ng poster na ilalaban sa kompetisyon.
Prepared
by:
ELMER LOGROΓO
Teacher III
No comments:
Post a Comment
Thank you for your feedback.