NAT Reviewer Araling Panlipunan
Quiz
- Ang Pilipinas ay isang _________.
- isla
- kapuluan
- tangoy
- tangway
- Ito ang rehiyon sa Asya kung saan kabilang ang Pilipinas.
- kanlurang Asya
- Silangang Asya
- Timog Kanlurang Asya
- Timog Silangang Asya
- Pinapalibutan ang Pilipinas ng Dagat ng Pilipinas sa silangan, Dagat Luzon sa kanluran, at Dagat ng Celebes sa timog. Matatagpuan ang bansang Indonesia sa katimugang bahagi ng bansa habang matatagpuan ang bansang Malaysia sa timog-kanluran. Sa silangan matatagpuan ang bansang sa timog-kanluran. Sa silangan matatagpuan ang bansang Palau at sa hilaga matatagpuan ang bansang Taiwan.
Batay sa iyong binasa, ang paglalarawang ito ay nagpapaliwanag ng:- Pangkalahatang topograpiya ng Pilipinas.
- Tiyak na lokasyon ng Pilipinas.
- Mga tiyak na hangganan ng Pilipinas.
- Lahat ng pamilian.
- Ang Pilipinas ay pangalang ibinigay ni __________.
- Ferdinand Magellan
- Miguel Lopez de Legazpi
- Lapu-lapu
- Ruy Lopez de Villalobos
- Ito ang unang lungsod na itinatag sa Pilipinas.
- Cebu
- Homonhon
- Limasawa
- Maynila
- Ang Pilipinas ay madalas na bayuhin ng bagyo sa kadahilanang?
- Ang bansa ay matatagpuan sa Pacific Ring of Fire.
- Ang bansa ay may kalapitan sa Karagatang Pasipiko.
- Ang lokasyon nito ay malapit sa ekwador
- Lahat ng pamimilian
- Ang mga tao sa Batanes ay mas kilala sa tawag na mga __________.
- Ibaloy
- Itawes
- Ivatan
- Mangyan
- Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa Pilipinas bilang bahagi ng Pacific Ring of Fire?
- Ang mahabang putol-putol na baybayin ng Pilipinas ay may sukat na 34, 600 kilometro.
- Ang Pilipinas ay kakikitaan ng halos 50 bulkan.
- Ang Pilipinas ay mabundok kaya't sagana ito sa mga bundok, bulubundukin at lambak.
- Lahat ng pamimilian
- Ayon sa konstitusyon ng Pilipinas, sa kabuuan, ang hangganan ng teritoryo ng Pilipinas ay binubuo ng:
- lahat ng mga isla ng arkipelago
- iba pang teritoryo kung saan may hurisdiksyon o makapangyayari ang Pilipinas
- mga panloob na karagatan
- lahat ng pamimilian
- Ang sentro ng kulturang ifugao sa Pilipinas ay matatagpuan sa ____________
- Autonomous Region of Muslim Mindanao
- Cordillera Autonomous Region
- CARAGA
- Bicol Region
- Ang mga hot springs sa bansa ay mahalagang pinanggagalingan ng ________
- enerhiyang geothermal
- enerhiyang solar
- enerhiyang hydro electric
- Enerhiyang bio-gas
- Sa Timog, anong bansa ang kalapit ng Pilipinas?
- Indonesia
- Japan
- Taiwan
- Vietnam
- Ang mga sumusunod ay suliraning naidulot ng pagkakahiwa-hiwalay ng mga pulo ng Pilipinas MALIBAN sa:
- mabagal na transportasyon at komunikasyon
- pagkakahati-hati sa mga grupong etniko
- pagkakaroon ng mababang antas ng edukasyon
- pagkakaiba-iba ng mga wikang ginagamit
- Ano ang kahalagahan ng Tubbataka reef sa Pilipinas?
- Ito ang ikaapat na pinakamalaki sa buong mundo
- Ito ang pinakilalang "coral reef" sa mundo
- Dito nagmumula ang pinakamalaking perlas na ikinakalakal sa mundo
- Ito ang tahanan ng iba't ibang uri ng isda, kabibe, perlas at koral
- Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa pangkalahatang katangian ng klima ng Pilipinas?
- May kainitan na pinahuhupa ng simoy ng hangin galing sa Dagat Tsina at Karagatang Pasipiko.
- Dalawang panahon ng tag-araw at tag-ulan
- May pagkakaiba sa klima ang iba't ibang rehiyon batay sa altitude ng mga lugar
- Lahat ng pamimilian
- Ang mga isla sa kalayaan ay bahagi ng _____________
- MarinduquE
- Palawan
- Romblon
- Zamboanga
- Ang mga sumusunod na bansa ang umangkin sa mga isla sa Kalayaan maliban sa ________
- Brunei
- Malaysia
- Thailand
- Tsina
- Ang mga sumusunod ay mga kadahilanan kung bakit kinakailangang hatiin sa mga rehiyon ang bansang Pilipinas MALIBAN sa:
- upang higit na maging mahusay ang pamamalakad ng pamahalaan
- upang matiyak na natutugunan ang mga pangangailangan ng bawat mamamayan.
- upang madaling matukoy ang eksaktong lokasyon ng isang particular na lugar o munisipalidad.
- upang matiyak na nararating ang lahat ng mga lugar sa bansa ng mga serbisyong pampubliko
- Ang mga sumusunod ay pagkakahalintulad ng mga rehiyon sa Pilipinas MALIBAN sa:
- salik pang-heograpiko
- angking likas na yaman
- klima
- uri ng pamahalaan
- Ito ang kabisera ng Pilipinas mula noong taong 1948 hanggang taong 1976
- Makati
- Mandaluyong
- Pasay
- Quezon City
- Sa ginanap na Pandaigdigang Kubensyon sa Doktrinang Pangkapuluan sa Geneva noong 1958 pinalawak mula 3 milya hanggang 12 milya ang tinatawag na ______
- baseline
- economic zone
- milya notikal
- shared international zone
- Aling ekspedisyon na pinadala ng Espanya ang nakarating sa Pilipinas?
- Ekspedisyon Villalobos
- Ekspedisyong Cabot
- Ekspedisyong Loarca
- Ekspedisyong Saavedra
- Siya ang kauna-unahang gobernador-heneral ng malaking Pilipinas na Itinalaga ng Espanya.
- Ferdinand Magellan
- Miguel Lopez de Legazpi
- Martin de Goiti
- Ruy Lopez de Villalobos
- Alin sa mga sumusunod ang hindi tungkuling ginagampanan ng Audencia?
- Magsumite ng taunang ulat sa Consejo de Indias
- Nagsilbing korteng nakatalagang susuri sa naging serbisyo ng lahat ng papalitang opisyal
- Kataas-taasang hukuman
- Pansamantalang humahawak sa puwesto ng gobernador-heneral sakaling di nito magampanan ang kanyang tungkulin
- Ito ang pinakamataas na posisyong maaring ipagkaloob sa mga Pilipino sa panahon ng kolonisasyon ng mga Kastila?
- Alcalde Mayor
- Cabeza de Barangay
- Gobernadorcillo
- Gobernador-heneral
- Ito ang tawag sa mga probinsyang hindi pa lubusang nasasakop ng mga Kastila o di kaya'y posible pang magkaroon ng digmaan.
- Alcadia
- Corregimento
- Pueblo
- Provincia
- Alin sa mga sumusunod ang hindi tinutukoy ni Otley Beyer na mga grupo ng taong nakarating sa Pilipinas sa kanyang teorya ng migrasyon?
- Negritos
- Austronesians
- Indones
- Malay
- Siya ang pinuno ng Tondo nang marating ito ni Martin de Goiti.
- Lakandula
- Rajah Matanda
- Rajah Sulayman
- Lahat ng pamimilian
- Ang gobernador-heneral sa panahon ng pananakop ng Espanya ay may mga sumusunod na katungkulan o gawain MALIBAN sa_____________
- gumawa ng batas
- maglabas ng mga dekreto
- pagpapalit ng opisyal
- punong komandante ng hukbong pandagat
- Alin sa mga sumusunod ang totoo tungkol sa isang enconmienda?
- Ito ay isang personal na pagmamay-aring ibinibigay sa mga encomiendero
- Ito ang isa pang katawagan sa hacienda.
- Ang mga pangunahing lungsod at bayan ay mga itinalagang encomienda para sa Hari ng Espanya.
- Lahat ng pamimilian
- Ito ang pangalan ng opisyal na pahayagan (dyaryo) ng Katipunan.
- Kalayaan
- Katipunan
- La Liga Filipina
- La Solidaridad
- Ang Sigaw sa Pugadlawin ay naghudyat upang maganap ang __________
- Cavite Mutiny
- paggarote sa GOMBURZA
- pagdakip kay Jose Rizal
- Pagsisimula ng himagsikang Pilipino
- Ito ang pagpupulong ng Katipunan na ginanap upang resolbahin ang gusot na namagitan sa Magdalo at Magdiwang noong ika-22 ng Marso 1897.
- Kumbensyon ng Tejeros
- Kumbensyon ng Kawit
- Pagpupulong ng Balintawak
- Pagpupulong ng Katagalugan
- Siya ang miyembro ng Katipunan na tumutol sa pagkakahalal ni Andres Bonifacio bilang Direktor ng Interyor.
- Artemio Ricarte
- Daniel Tirona
- Emilio Aguinaldo
- Jose del Rosario
- Sino ang nagtatag ng Iglesia Filipina Independente?
- Emilio Aguinaldo
- Gregorio Aglipay
- Isabelo delos Reyes
- Teodoro Sandico
- Siya ang pangulo ng Estados na nagdeklara ng Proklamasyong Asimilasyon.
- Arthur MacArthur
- Theodore Roosevelt
- William Mckinley
- William Howard Taft
- Ito ang pangyayaring naghutyat upang tuluyang magsimula ang digmaan sa pagitan ng mga Pilipino at mga Amerikano.
- Pagdakip ni Heneral Emilio Aguinaldo
- Pagkakabaril ng sundalong Amerikanong si William Grayson sa isang kawal sa tulay
- Labanan sa maynila
- Proklamasyong Asimilasyon
- Ang Komisyong Schurman ay may tungkulin na ____________
- Iparating sa mga Pilipino ang kagandahang loob ng mga Amerikano
- Siyasatin ang tunay na kalagayan ng Pilipinas
- Matukoy ang uri ng pamahalaang dapat maitatag sa Pilipinas.
- Lahat ng pamimilian
- Ito ang nagsaad na ang pangulo ng Estados Unidos ang may buong kapangyarihan upang tuluyang pamahalaan ang pilipinas.
- Cooper Act
- Filipinization
- Municipal Code
- Spooner Amendment
- Sino ang unang pangulo ng Pilipinas?
- Emillio Aguinaldo
- Manuel L. Quezon
- Manuel A. Roxas
- Ramon Magsaysay
No comments:
Post a Comment