UNANG
MARKAHANG PAGSUSULIT SA GMRC 4
Pangalan:
____________________________________ Iskor:___________________________
Baitang
at Seksyon: _______________________ Petsa:
___________________________
Panuto: Piliin ang titik ng
tamang sagot.
1.
Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga
sa iyong kakayahang makiramdam sa damdamin ng iba sa isang sitwasyon kung saan
nag-aaway ang iyong mga kaibigan?
a)
Mananahimik na lang upang walang masabi
ang iba.
b)
Sasali sa pagtatalo upang ipagtanggol
ang isang kaibigan.
c)
Makikinig sa magkabilang panig at
tutulungan silang magkaintindihan.
d)
Hihintayin na lamang na matapos ang
kanilang pag-aaway.
2. Isang
kaklase mo ang palaging nahihiya kapag pinapatawag siya sa harap ng klase.
Bilang isang kaibigan, paano mo siya matutulungan?
a)
Pagtatawanan siya para masanay.
b)
Mag-aalok ng tulong at pagsasanay kasama
siya bago ang presentasyon.
c)
Pababayaan siya upang matuto ng mag-isa.
d)
Sasabihin sa iba na huwag siyang tawagin
sa harap.
3. Kapag
nakatagpo ka ng problema sa isang proyekto sa paaralan, ano ang pinakamainam na
gawin upang ipakita ang iyong kakayahang magpasiya?
a)
Hahayaan na lang ang problema at aasa sa
tulong ng iba.
b)
Dadamayan ang mga kaklase at maghahanap
ng solusyon kasama sila.
c)
Titigil sa paggawa ng proyekto.
d)
Mag-aantay na lamang sa mga gagawing
hakbang ng guro.
4. Ano
ang tamang gawin kung nakita mong hindi tama ang ginagawa ng isang kaklase na
may kinalaman sa kanilang sarili o sa ibang tao?
a)
Hindi papansinin ang kanilang ginagawa.
b)
Aaksyunan ito at magbibigay ng payo kung
paano ito iwasto.
c)
Sasali sa ginagawa ng kaklase kahit mali
ito.
d)
Ipapaalam sa iba ang maling gawain ng
kaklase.
5. Kapag
mayroon kang bagong natutunan na kasanayan, ano ang pinakamahusay na paraan upang
magamit ito?
a)
Itago ang kaalaman para lamang sa
sarili.
b)
Ibahagi ito sa iba upang sila rin ay
matuto.
c)
Gamitin ito sa pansariling pakinabang
lamang.
d)
Kalimutan ito dahil hindi ito mahalaga.
6. Paano
mo magagamit ang iyong kakayahang umunawa ng damdamin ng iba upang mapabuti ang
inyong pagkakaibigan?
a)
Palaging sabihin kung ano ang mali sa
kanila.
b)
Magsalita lamang kapag ikaw ang tama.
c)
Unawain ang kanilang damdamin at
magbigay ng suporta.
d)
Pabayaan ang kanilang nararamdaman.
7. Kapag
pinuna ka ng ibang tao, paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa sarili?
a)
Magagalit at sasalungat sa kanilang
puna.
b)
Makikinig at titingnan kung paano mo
magagamit ang kanilang puna upang mapabuti ang sarili.
c)
Hihintayin na lang na mawala ang isyu.
d)
Magdadamot ng impormasyon at kaalaman sa
iba.
8. Ano
ang tamang hakbang kung naramdaman mong hindi mo kayang magdesisyon nang
mag-isa?
a)
Maghintay ng iba na magdesisyon para
sa'yo.
b)
Humingi ng payo mula sa mga taong
pinagkakatiwalaan mo.
c)
Gawin na lang ang unang pumasok sa isip.
d)
Iwasan ang paggawa ng desisyon.
9.
Kung ikaw ay inaasahang mamuno sa isang
grupo, paano mo magagamit ang iyong kakayahang magpasiya?
a)
Aasahan ang grupo na gumawa ng desisyon
para sa'yo.
b)
Makikinig sa mga suhestiyon ng grupo
bago magdesisyon.
c)
Gagawa ng desisyon nang hindi kinokonsulta
ang iba.
d)
Hahayaan na lang ang ibang tao ang
mamuno.
10. Kapag
may kinakaharap na problema ang iyong pamilya, paano mo magagamit ang iyong
kakayahang magpasiya upang makatulong?
a)
Hahayaan na lamang ang mga matatanda na
magdesisyon.
b)
Magbibigay ng iyong opinyon nang may
paggalang at kaalaman.
c)
Magpapasiya ng mag-isa at ipipilit ito
sa lahat.
d)
Hindi makikialam at magpapanggap na
walang alam.
11. Paano
mo maipapakita ang pagiging matapat kung hindi ka sang-ayon sa isang desisyon
ng iyong mga magulang?
a)
Sasang-ayon ka na lang kahit hindi mo
talaga gusto.
b)
Tahimik na susunod sa desisyon kahit may
alinlangan.
c)
Magpapahayag ng iyong saloobin nang may
paggalang at magbigay ng alternatibong suhestiyon.
d)
Magrereklamo sa ibang tao tungkol sa
desisyon ng mga magulang.
12. Kapag
tinanong ka ng iyong mga magulang tungkol sa dahilan ng iyong mababang grado,
ano ang tamang gawin?
a)
Sisihin ang iyong guro para hindi
mapagalitan.
b)
Sabihin ang totoo tungkol sa iyong
pagkukulang at maghanap ng solusyon.
c)
Hindi magsasabi ng kahit ano at
magtatago ng report card.
d)
Gagawa ng kwento upang ma-justify ang
iyong grado.
13. Ano
ang dapat mong gawin kung nakakita ka ng pera sa loob ng bahay na hindi sa'yo?
a)
Itago ito at gamitin para sa sarili.
b)
Isoli ito sa nakatatanda at sabihin ang
totoo kung saan mo ito nakita.
c)
Ibahagi ito sa mga kapatid nang walang
paalam.
d)
Iwanan na lang ito sa lugar kung saan mo
nakita.
14. Kung
tinanong ka ng kapatid mo kung nasaktan ka sa sinabi niya, paano mo maipapakita
ang pagiging matapat?
a)
Magkukunwaring hindi nasaktan kahit sa
loob-loob mo ay masama ang loob.
b)
Sabihin ang totoo nang may kalmado at
maayos na tono.
c)
Magagalit at maghihiganti.
d)
Hindi na lang magpapakita ng emosyon.
15. Ano
ang tamang gawin kung hindi mo nagawa ang inutos sa'yo ng iyong magulang?
a)
Sisihin ang ibang tao para hindi
mapagalitan.
b)
Aminin ang pagkakamali at humingi ng
tawad.
c)
Magtago para maiwasan ang mga magulang.
d)
Maghahanap ng ibang bagay na magagawa
para hindi mapansin.
16. Paano
mo mapapanatili ang tiwala ng iyong mga magulang sa'yo?
a)
Sasabihin ang totoo kahit alam mong
mapapagalitan ka.
b)
Magsisinungaling upang maiwasan ang
problema.
c)
Magdadahilan kapag nahuhuli sa
gawaing-bahay.
d)
Hindi magsasabi ng buong katotohanan
para magmukhang mabuti sa kanila.
17. Kung
may nagawa kang pagkakamali sa iyong kapatid, paano mo ipapakita ang pagiging
matapat?
a)
Magpapanggap na wala kang alam.
b)
Sisihin ang iba upang hindi mapagalitan.
c)
Iiwasan ang kapatid upang hindi na ito
pag-usapan.
d)
Aaminin ang pagkakamali at hihingi ng
tawad.
18. Ano
ang tamang gawin kung nahuli ka ng iyong magulang na hindi nagsasabi ng totoo?
a)
Magagalit at hindi aaminin ang ginawa.
b)
Magdadahilan upang ipaliwanag ang iyong
ginawa.
c)
Tatakas at iiwasan ang usapan.
d)
Aaminin ang kasalanan at humingi ng
tawad.
19. Paano
mo ipapahayag ang iyong saloobin kapag hindi ka sang-ayon sa isang desisyon ng
pamilya?
a)
Mananatiling tahimik upang iwasan ang
hindi pagkakaunawaan.
b)
Magrereklamo sa ibang miyembro ng
pamilya.
c)
Iiwasan ang pag-uusap tungkol dito.
d)
Maghihintay ng tamang pagkakataon upang
sabihin ang iyong opinyon nang may paggalang.
20. Ano ang
tamang gawin kung napansin mong may nasirang gamit sa bahay na ikaw ang
nakagawa?
a)
Itago ito at umasa na walang
makakapansin.
b)
Sisihin ang ibang kapatid para hindi
mapagalitan.
c)
Iwanan na lang ito at magpapanggap na
walang alam.
d)
Aaminin ang nagawa at humingi ng tawad
sa pamilya.
21. Paano
mo maipapakita ang iyong paggalang sa karapatan ng kapuwa-bata sa inyong
barangay?
a)
Pagsali sa mga laro na may kinalaman sa
diskriminasyon
b)
Pagmamaltrato sa mga batang may
kapansanan
c)
Pagsuporta sa mga aktibidad na
nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay
d)
Pagtuturo sa kapwa bata ng hindi
makatarungang asal
22. Alin
sa mga sumusunod ang pinakamainam na gawin upang mapanatili ang paggalang sa
karapatan ng ibang bata sa paaralan?
a)
Pag-alipusta sa mga batang hindi
marunong magbasa
b)
Pagtulong sa mga kaklaseng may hirap sa
kanilang aralin
c)
Pag-iiwas sa mga aktibidad na nakabubuti
sa lahat ng bata
d)
Pagbalewala sa opinyon ng iba tungkol sa
grupo ng mga bata
23. Kung
makakita ka ng kaklase na inaapi ng iba, ano ang pinakamabuting aksyon na dapat
mong gawin?
a)
Makisali sa pang-aapi upang magpakitang
gilas
b)
Pagtatawanan ang inaaping kaklase
c)
Ipagtanggol ang kaklase at ipaalam ito
sa guro
d)
Walang gagawin at iiwas na lamang
24. Paano
mo maipapakita ang paggalang sa karapatan ng batang may ibang relihiyon o
kultura?
a)
Pag-iwas sa pakikipaglaro sa kanya
b)
Pagpapakita ng malasakit at pagtanggap
sa kanyang paniniwala
c)
Pagmamaliit sa kanyang tradisyon
d)
Pagpapakalat ng tsismis tungkol sa
kanyang relihiyon
25. Bakit
mahalaga ang pakikilahok sa mga gawain na kumikilala sa karapatan ng
kapuwa-bata?
a)
Upang magkaroon ng maraming kaibigan
b)
Upang masiguro na walang batang naiiba
sa grupo
c)
Upang mapanatili ang isang ligtas at
makatarungang kapaligiran para sa lahat
d)
Upang mas madaling manalo sa mga
paligsahan
26. Paano
mo maipapakita ang iyong pananalig sa Diyos sa pang-araw-araw na buhay?
a)
Pagdarasal bago kumain at pagtulong sa
kapwa
b)
Pagpapaliban ng pagsimba para maglaro
c)
Pag-aaway sa mga kaibigan na iba ang
paniniwala
d)
Pag-aalaga ng sariling interes higit sa
iba
27. Anong
gawain ang nagpapakita ng iyong pagsunod sa mga tagubilin ng iyong
pananampalataya?
a)
Pag-iwas sa pakikilahok sa mga gawaing
pang-relihiyon
b)
Pagkakaroon ng malasakit sa kapwa at
pagtulong sa nangangailangan
c)
Pagmumura sa mga hindi kaibigan
d)
Pagiging tamad sa pagsunod sa utos ng
mga magulang
28. Paano
mo magagampanan ang tungkulin bilang isang mabuting miyembro ng iyong
pananampalataya?
a)
Pagkakalat ng maling impormasyon tungkol
sa iba
b)
Paggalang at pagtulong sa mga
nakatatanda at nangangailangan
c)
Pagsuway sa mga alituntunin ng simbahan
d)
Pag-iwas sa pag-aaral ng relihiyon
29. Sa
anong paraan mo maipapakita ang iyong debosyon sa Diyos sa araw ng Linggo?
a)
Pananatili sa bahay para maglaro ng
video games
b)
Pagsali sa mga gawaing espiritwal at
pagsisimba
c)
Pagliban sa simbahan para mamasyal
d)
Pag-imbita ng mga kaibigan upang gumawa
ng kalokohan
30. Bakit
mahalaga ang pagsunod sa mga tagubilin ng pananampalataya?
a)
Upang ipakita ang pagiging mas mabuting
tao kaysa sa iba
b)
Upang makapag-ipon ng magagandang gawa
c)
Upang magkaroon ng kapayapaan sa loob at
labas ng sarili
d)
Upang hindi mapansin ng mga tao sa
paligid
31. Paano
mo maipapakita ang iyong pagiging mapanagutan sa kalikasan sa inyong barangay?
a)
Pagtapon ng basura sa ilog
b)
Pagsira sa mga halaman ng kapitbahay
c)
Pagpuputol ng mga puno para sa
pansariling interes
d)
Pagtatanim ng puno sa bakanteng lote at
pangangalaga nito
32. Alin
sa mga sumusunod ang isang responsableng gawain para sa kalikasan?
a)
Pagsuporta sa illegal na pagputol ng
puno
b)
Pag-iwas sa mga proyektong pangkalikasan
c)
Pagwawalang-bahala sa mga kampanya para
sa kalikasan
d)
Pag-aalaga at pagtanim ng mga halaman sa
paligid
33. Paano
mo maipakikita ang pagiging mapanagutan sa kalikasan sa inyong paaralan?
a)
Pagbasura ng mga plastik na basura kung
saan-saan
b)
Pagwawasak ng mga halaman sa hardin ng
paaralan
c)
Pagsuway sa mga alituntunin tungkol sa
kalinisan
d)
Paglilinis ng bakuran at pagtanim ng mga
halaman
34. Bakit
mahalaga ang pagtatanim ng puno at halaman?
a)
Upang magpakitang-gilas sa mga kaklase
b)
Upang magkaroon ng libangan tuwing
walang pasok
c)
Upang magkaroon ng maganda at mamahaling
halaman
d)
Upang mapabuti ang kalusugan ng
kapaligiran at pamayanan
35. Anong
epekto ng hindi pagtatanim at pangangalaga sa mga puno at halaman?
a)
Paglaganap ng kalinisan sa kapaligiran
b)
Pagdami ng mga ligaw na hayop
c)
Pagbaba ng presyo ng gulay
d)
Pagkakaroon ng polusyon at pagbaha
36. Paano
mo maipapakita ang pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng pagsunod sa mga bayani
ng bansa?
a)
Pagtulad sa masamang gawain ng mga ibang
tao
b)
Pagsasabuhay ng mga aral at mabuting
kaugalian ng mga bayani
c)
Pagkakalat ng maling impormasyon tungkol
sa mga bayani
d)
Pag-aaway sa kapwa Pilipino dahil sa
relihiyon
37. Anong
gawain ang nagpapakita ng paggalang at pagmamahal sa mga Pilipinong bayani?
a)
Pagliban sa mga paggunita ng Araw ng mga
Bayani
b)
Pag-aaral ng kasaysayan at pagsasabuhay
ng mga mabuting aral
c)
Pagpapakita ng kawalang interes sa mga
seremonya
d)
Pagsuway sa mga alituntunin ng
pamahalaan
38. Alin
sa mga sumusunod ang pinakamahusay na paraan upang ipakita ang iyong pagmamahal
sa bayan?
a)
Pagiging tamad sa pagsali sa mga
pambansang pagdiriwang
b)
Pagtangkilik sa mga produktong lokal at
pagpapanatili ng kultura
c)
Pag-iwas sa mga gawaing pambansa
d)
Pagkakalat ng negatibong balita tungkol
sa bansa
39. Paano
mo maipapakita ang pagmamahal sa bayan sa araw ng kalayaan?
a)
Pagsunod sa batas at pagpapakita ng
disiplina
b)
Pagkakalat ng basura sa mga pampublikong
lugar
c)
Pagsira sa mga pambansang simbolo tulad
ng watawat
d)
Pag-iwas sa mga seremonya at pagtitipon
para sa kalayaan
40. Bakit
mahalagang ipakita ang pagmamahal sa bayan sa pang-araw-araw na buhay?
a)
Upang magpakitang-gilas sa ibang bansa
b)
Upang mapanatili ang pagkakaisa at
kaunlaran ng bayan
c)
Upang hindi mapansin ng mga turista
d) Upang maiwasan ang mga parusa mula sa gobyerno
<<<Answer Key>>>
TABLE OF SPECIFICATIONS
UNANG
MARKAHANG PAGSUSULIT SA GMRC 4
|
Learning Competencies |
No. of Days |
Percentage |
No. of Items |
Item Placement Under Each Cognitive Domains |
|||||
|
Remembering |
Understanding |
Applying |
Analyzing |
Evaluating |
Creating |
||||
|
1. Naisasabuhay ang agpapahalaga sa
sarili sa pamamagitan ng pagbibigay-halaga sa mga sariling kakayahan na wala
sa ibang nilalang (hal. kakayahang magpasiya, umunawa ng damdamin ng iba) |
10 |
25% |
10 |
|
|
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 |
|
|
|
|
2.
Nakapagsasanay sa pagiging matapat sa pamamagitan ng angkop na paglalahad ng
tunay na saloobin sa mga kasapi ng pamilya |
10 |
25% |
10 |
|
|
|
11 12 13 14 15 |
16 17 18 19 20 |
|
|
3.
Naisasabuhay ang pagiging magalang sa pamamagitan ng pakikilahok
sa mga gawain na kumikilala sa karapatan ng kapuwa-bata |
5 |
12.5% |
5 |
|
|
21 22 23 24 25 |
|
|
|
|
4.
Naipakikita ang pananalig sa Diyos sa pamamagitan ng mga paraan
ng pagsamba at pagsunod sa mga tagubilin ng kinabibilangang pananampalataya |
5 |
12.5% |
5 |
|
|
|
|
26 27 28 29 30 |
|
|
5.
Naipakikita ang pagiging mapanagutan sa pamamagitan ng
paglahok sa mga gawaing pangangalaga at pagpaparami ng mga puno at halaman |
5 |
12.5% |
5 |
|
|
|
|
31 32 33 34 35 |
|
|
6.
Nakapagsasanay ng pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng mga gawain na
nagtatampok sa mga Pilipinong
nagsasabuhay ng mabuting kaugalian |
5 |
12.5% |
5 |
|
|
|
36 37 38 39 40 |
|
|
|
TOTAL |
40 |
100% |
40 |
0 |
0 |
15 |
10 |
15 |
0 |
Prepared by:
YOUR NAME
Teacher III
Contents Checked:
NAME PRINCIPAL’S NAME
Master Teacher I Principal
Contents Noted: NAME
Public Schools District Supervisor
Contents Checked/Verified: NAME
Education Program Supervisor
No comments:
Post a Comment
Thank you for your feedback.