GMRC 2 First Periodical Test Reviewer(MS Matatag)

UNANG MARKAHAN sa

GMRC 2

 

PANGALAN:                                         MARKA: ________________

BAITANG AT SEKSYON:                           PETSA:

PANUTO: Basahin ng mabuti ang bawat tanong, at piliin ang tamang sagot.Isulat sa malinis na papel.

1. Sino ang itinuturing na HALIGI ng pamilya?  


A. Kaibigan             B. Kapitbahay         C. Tatay        D. Guro

2. Ano ang tawag sa ina ng iyong ina?  

A. Tita                     B. Lola                    C. Ate           D. Lolo

3. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng batayang impormasyon tungkol sa sariling pamilya?
A. Paboritong pagkain ng kaklase                     B. Pangalan ng paboritong artista
C. Tirahan ng iyong pamilya                            D. Lugar na gusto mong puntahan

4. Anong impormasyon ang makikita sa isang family portrait?
A. Paboritong laro ng mga bata                        B. Mga miyembro ng pamilya
C. Gamit sa paaralan                                       D. Hayop sa zoo

5. Bakit mahalagang malaman ang impormasyon tungkol sa iyong pamilya?
A. Para makakuha ng mataas na grado            B. Para makalimot sa problema
C. Para makilala ang sarili at pamilya              D. Para maging sikat sa klase

6. Bakit mahalaga ang pagsunod sa mga alituntuning pangkalusugan na itinuturo ng pamilya?
A. Para hindi mapansin ng ibang tao
B. Para maging masaya ang kaibigan
C. Para mapanatili ang malusog na katawan at isipan
D. Para mapagalitan ng guro

7. Ano ang ipinapakita mo kapag sumusunod ka sa tamang pagkain, sapat na tulog, at pagligo araw-araw?
A. Pagkainip            B. Pagpapahalaga sa sarili           C. Pagtatampo         D. Pagkakasakit

8. Ano ang ibig sabihin ng "gabay ang pamilya" sa pangangalaga sa kalusugan?
A. Sumusunod sa utos ng kapitbahay                        B. Gumagaya sa nakikita sa TV
C. Natututo mula sa mga payo at asal ng pamilya      D. Hindi nakikinig sa mga matatanda

9. Paano nakatutulong ang simpleng paghuhugas ng kamay bago kumain?
A. Upang hindi mahulog ang pagkain               B. Upang hindi mapagalitan
C. Upang maiwasan ang sakit                          D. Upang mabilis kumain

10. Paano mo maipapakita na mahalaga sa iyo ang kalusugan mo at ng iyong pamilya?
A. Pagsuot ng maruming damit              B. Pag-iwas sa pagkain ng gulay
C. Pagtulog nang huli gabi-gabi              D. Pagsunod sa payo ng magulang tungkol sa kalusugan

11. Ano ang nararamdaman ng isang bata kapag siya ay masaya?  

A. Umiiyak              B. Nagtatampo        C. Ngingiti               D. Sumisigaw

12. Anong damdamin ang nararamdaman kapag may nawawala o nasirang laruan? 

A. Lungkot              B. Galit                   C. Saya                   D. Gulat

13. Alin sa mga sumusunod ang damdamin?

A. Araw                   B. Gabi                   C. Takot                  D. Lapis

14. Ano ang nararamdaman ng isang bata kapag siya ay pinuri ng kanyang magulang? 

A. Galit                   B. Takot                  C. Inis                     D. Saya 

15. Paano mo malalaman kung ang isang tao ay nalulungkot?
A. Siya ay tumatawa                    B. Siya ay tahimik at malungkot ang mukha
C. Siya ay masigla                       D. Siya ay sumasayaw

16. Bakit mahalaga ang pansariling panalangin sa isang bata?
A. Para hindi mainip
B. Para magpakitang-gilas sa iba
C. Para makausap ang Diyos at maipahayag ang pasasalamat at pagmamahal
D. Para makaiwas sa gawaing-bahay

17. Ano ang ipinapakita mo kapag nagdarasal ka para sa kapakanan ng ibang tao?
A. Pagiging makasarili                  B. Pagiging mapagbigay at may malasakit
C. Pagiging matigas ang ulo         D. Pagiging pabaya

18. Paano makatutulong ang iyong panalangin sa iyo at sa iba?
A. Nagiging masaya lang ang sarili
B. Napipilitan ang iba na magbago
C. Nakapagpapalakas ng loob at nakapagpapakita ng pagmamalasakit
D. Nagiging tahimik ang paligid

19. Alin sa mga panalangin ang nagpapakita ng tunay na pagmamalasakit sa kapuwa?
A. "Panginoon, bigyan Mo po ako ng maraming laruan."
B. "Diyos ko, sana po ay gumaling agad ang aking kaibigang may sakit."
C. "Sana po ay hindi ako pagalitan ni Nanay dahil hindi ako nag-aral."
D. "Panginoon, sana po ay ako lang ang mapansin ng guro."

20. Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na panalangin upang ipakita ang pasasalamat sa Diyos?
A. "Sana po ay manalo ako sa larong video."
B. "Sana po ay hindi ako utusan sa bahay ngayon."

C. "Panginoon, sana po ay matalo ang kalaban sa laro."
D. "Salamat po, Panginoon, sa pagkain, pamilya, at pagmamahal na natatanggap ko araw-araw."

21. Nakatapos ka nang uminom ng tubig mula sa bote. Ano ang dapat mong gawin sa bote?
A. Itapon agad sa basurahan                 B. Sirain para hindi mapakinabangan
C. Hugasan at gamitin muli                   D. Iwanan sa sahig

22. Nakita mong naka-on pa ang ilaw sa silid kahit walang tao. Ano ang dapat mong gawin?
A. Pabayaan na lang                                        B. Buksan pa ang ibang ilaw
C. Patayin ito upang makatipid sa kuryente     D. Tawagin ang kapitbahay

23. Anong dapat gawin sa papel na may kaunting sulat pa lamang?
A. Gamitin pa sa pagsulat o pagguhit               B. Sunugin agad
C. Itapon kahit hindi pa ubos                          D. Gupitin at ipamigay

24. Gamit mo ang iyong lumang bag na maayos pa. Ano ang ipinapakita mo?
A. Pagiging maarte                      B. Pagpapakita ng pagtitipid at kasinupan
C. Pagiging pabaya                      D. Pagtatago ng gamit

25. May nakita kang lata sa bakuran na puwedeng gawing paso. Ano ang dapat mong gawin? 

A. Itapon ito agad                                 

B. Ibenta sa junk shop agad
C. I-recycle at gawing paso ng halaman           

D. Iwanan lang ito sa kalsada

26. Si Ana ay naglalaro sa parke at napansin niyang may batang nagkalat ng balat ng kendi sa damuhan. Ano ang tamang gawin ni Ana bilang batang masunurin sa pamayanan?
A. Sabihin sa bantay at hayaang nakakalat ang basura
B. Lumapit sa bata at magalit sa kanya
C. Pulutin ang balat ng kendi at itapon sa tamang basurahan
D. Umuwi na lang at huwag pansinin

27. Tuwing Sabado ay mayroong “clean-up drive” sa barangay. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tamang gampanin ng batang Pilipino sa pamayanan?  

A. Manood ng TV habang nagtatrabaho ang iba
B. Makilahok sa paglilinis ng paligid kasama ang pamilya
C. Magtago sa loob ng bahay
D. Maglaro sa labas at iwasang madumihan

28. Nakita ni Carlo na may matandang nahihirapan tumawid sa kalsada. Ano ang nararapat niyang gawin bilang batang may tungkulin sa pamayanan?
A. Tawanan ang matanda
B. Tawagin ang pulis o nakatatanda upang tumulong
C. Iwasan ang matanda at dumaan sa ibang daan
D. Manood na lang habang tumatawid ito

29. Kung hindi sumusunod ang isang bata sa mga tuntunin sa pamayanan tulad ng pagtapon ng basura sa tamang lalagyan, ano ang maaaring mangyari?
A. Lalong lilinis ang paligid
B. Magiging masaya ang lahat
C. Magkakaroon ng maduming kapaligiran at sakit
D. Mawawala ang mga alituntunin sa pamayanan

30. Kung ikaw ay gagawa ng isang paalala sa mga bata tungkol sa tamang pagtatapon ng basura sa barangay, alin ang pinakamainam mong gawin?
A. Gumuhit ng mga sikat na artista
B. Gumawa ng poster na may larawan at paalala tungkol sa tamang pagtatapon ng basura
C. Maglaro ng video games

D. Manood ng TV habang may naglilinis 

<<<Answer Key>>>

TABLE OF SPECIFICATIONS

(TALAAN NG ISPESIPIKASYON)

FIRST QUARTER IN

(UNANG MARKAHAN SA)

SUBJECT

GMRC

MATATAG CURRICULUM

 

ACADEMIC YEAR

2025-2026

GRADE

2

1ST PERIODICAL TEST

QUARTER 1
ACADEMIC YEAR 2025-2026

CODES

LEARNING COMPETENCIES

(INCLUDE CODES IF AVAILABLE)

ACTUAL INSTRUCTIONS (DAYS)

WEIGHT (%)

REVISED BLOOM’S TAXONOMY LEVEL OF COGNITIVE DIMENSION

 

TOTAL NUMBER OF TEST ITEMS

REMEMBERING

UNDERSTANDING

APPLYING

ANALYZING

EVALUATING

CREATING

NOI

POI

NOI

POI

NOI

POI

NOI

POI

NOI

POI

NOI

POI

ACTUAL

ADJUSTED

NC

1. Naipakikita ang pagpapahalaga sa sarili sa pamamagitan ng paggamit ng batayang impormasyon sa mga angkop na situwasyon a. Natutukoy ang mga batayang impormasyon tungkol sa sariling pamilya b. Napatutunayan na ang mga batayang impormasyon tungkol sa sariling pamilya ay mahalaga sa pagkakaroon ng kamalayan sa sariling pagkakakilanlan c. Naipahahayag ang mga batayang impormasyon tungkol sa sariling pamilya (hal. pagguhit ng family portrait at pagkuwento tungkol sa pamilya)

10

16.67%

5

1,2,3,4,5

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

5

5

NC

2. Nakapagsasanay sa pagpapahalaga sa sarili sa pamamagitan ng pagtupad sa mga alituntuning pangkalusugan at pangkaligtasan a. Natutukoy ang mga paraan ng pangangalaga sa kalusugan na natutuhan sa pamilya b. Naipaliliwanag na ang pangangalaga sa kalusugan gabay ang pamilya ay mahalaga sa pagpapanatili ng malusog na isip at katawan c. Naisasakilos ang wastong pangangalaga sa kalusugan na gabay ang pamilya

16.67%

 

 

5

6,7,8,9,10

 

 

 

 

 

 

 

 

5

5

NC

3. Nakapagsasanay sa pagiging totoo sa pamamagitan ng wastong pagpapahayag ng tunay na damdamin sa mga pangyayari o situwasyon a. Naiisa-isa ang iba't ibang damdamin b. Naiuugnay ang pag-unawa sa sariling damdamin sa paglinang ng pansariling disiplina na makikita sa kaniyang mga kilos at pakikipag-ugnayan c. Nailalapat ang mga wastong pagtugon sa iba’t ibang nararanasang damdamin

5

16.67%

5

11,12,13,14,15

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

5

5

NC

4. Naipakikita ang pagiging madasalin sa pamamagitan ng pagbabahagi ng sariling panalangin a. Nakapagbibigay ng mga mabuting dulot ng pansariling panalangin b. Napatutunayan na ang pansariling panalangin ay paraan ng pakikipag-ugnayan upang maipahayag ang pagkilala, pasasalamat, at pagmamahal sa Diyos c. Nakabubuo ng sariling panalangin para sa ikabubuti ng sarili at kapuwa

5

16.67%

 

 

3

16,17,18

 

 

 

 

2

19,20

 

 

5

5

NC

5. Nakapagsasanay sa pagiging masinop sa pamamagitan ng pagtitiyak na walang naaaksaya at nasasayang na gamit o mga bagay sa kapaligiran na maaaring mapakinabangan a. Nakakikilala ng mga wastong paraan ng pagtitipid na nakabubuti sa kapaligiran b. Napatutunayan na ang pagtitipid na nakabubuti sa kapaligiran ay pagganap sa tungkuling gamitin nang wasto at sulitin ang mga bagay c. Naisasakilos ang mga wastong paraan ng pagtitipid na nakabubuti sa kapaligiran

10

16.67%

 

 

 

 

5

21,22,23,24,25

 

 

 

 

 

 

5

5

NC

6. Naipakikita ang pagiging masunurin sa pamamagitan ng pagsunod sa iba’t ibang alituntunin sa pamayanan a. Natutukoy ang mga tungkulin ng batang Pilipino sa pamayanan b. Napatutunayan na ang mga sariling tungkulin ng batang Pilipino sa pamayanan ay makatutulong upang hubugin ang pagmamahal sa kaniyang bayan c. Nailalapat ang mga tungkulin sa pamayanan ng batang Pilipino sa iba’t ibang situwasyon

16.67%

 

 

 

 

 

 

4

26,27,28,29

 

 

1

30

5

5

 

 

30

100

10

8

5

4

2

1

30

30

 

______________________________

Prepared by

 

 

______________________________

Initial Content Validation

 

____________________________

Final Validation

 

 

 

 

 


No comments:

Post a Comment

Thank you for your feedback.

System of the Human Body