Republic of the Philippines
Department of Education
Region _____________
Division of ________________
____________________ ELEMENTARY SCHOOL
TABLE OF SPECIFICATIONS
First Periodical Test in FILIPINO 6
2025-2026
COMPETENCY |
CODE |
ITEM
PLACEMENT |
No.
of Items |
|||||
EASY |
AVERAGE |
DIFFICULT |
||||||
Remember / Knowledge |
Understand/ Comprehension |
Apply/ Application |
Analyze / Analysis |
Evaluate / Synthesize |
Create / Evaluation |
|||
1. Nasasagot ang mga tanong, bakit at paano tungkol sa napakinggang/
nabasang: pabula; kuwento; tekstong pang-impormasyon (procedure), usapan,
talaarawan; anekdota; ulat - Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan sa pakikipag-usap sa iba’t
ibang sitwasyon: - 1. kongreto at di kongreto 2. bagong salitang natutuhan |
F6PN-Ia-g3.1, F6PN-Ia-g-3.1,
F6PB-Ic-e-3.1.2, F6PN-Ia-g-3.1) |
1-7 |
8-10 |
|
|
|
|
10 |
2. Nabibigyang kahulugan sa pamamagitan ng gamit sa pangungusap ang
salitang napakinggan: hiram/ pamilyar at di kilalang salita, pahayag ng
tauhan, sawikain, tambalang salita, matalinghagang salita, pananalita ng
tauhan sa napakinggang usapan, idyoma, kilos ng mga tauhan sa napakinggang
kuwento, |
|
|
|
|
23-27 |
|
|
5 |
3. Napagsunod-sunod o naisasalaysay muli /kronolohikal ang mga
pangyayari sa napakinggan/nabasang kuwento sa tulong ng nakalarawang
balangkas/ pamamagitan ng pamatnubay na tanong gamit ang sariling salita: 1.
tekstong pang-impormasyon 2. kasaysayan |
|
|
28-37 |
|
|
|
|
10 |
4. Nakapagbibigay ng hinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari sa
kuwentong/alamat napakinggan/nabasa; bago, habang at matapos ang pagbasa. - Nagagamit ang magagalang na pananalita sa iba’t ibang sitwasyon:
120 1. sa pagpapahayag ng saloobin/damdamin, 2. pagbabahagi ng obserbasyon sa
paligid 3. pagpapahayag ng ideya 4. pagsali sa isang usapan 5. pagbibigay ng
reaksiyon |
11,12 |
|
|
|
|
|
|
2 |
5. Nagagamit nang wasto ang mga panghalip na panao, paari, pananong,
pamatlig, pamaklaw sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon |
|
|
13-22 |
|
|
|
|
10 |
6. Nasusuri ang mga kaisipan/tema/layunin/tauhan/tagpuan at
pagpapahalagang nakapaloob sa napanood na maikling pelikula |
|
38-42 |
|
|
|
|
|
5 |
7. Nakapagbibigay ng sarili at maaring solusyon sa isang suliraning
naobserbahan sa paligid |
|
|
43-50 |
|
|
|
|
8 |
8. Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa binasang/napakinggang
talata |
|
|
|
|
|
|
|
|
TOTAL
NUMBER OF ITEMS |
|
5 |
18 |
|
23 |
|
3 |
50 |
dEPARTMENT
OF eDUCATION
dIVISION
OF _________
District of _____________
First
Periodical Test in FILIPINO 6
2025-2026
Pangalan:____________________________________Baitang:
________________Score:_____
Panuto: Basahin mo ang isang pabula at sagutin ang sumusunod na mga
tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ito sa sagutang papel.
Si Manoka Sa
isang liblib na pook ay may nakatirang pamilya ng mga manok. Simple, masaya
at puno ng pagmamahal ang kanilang maliit na tirahan. Mapagmahal na ama si
Tandang Diro at responsableng asawa si Inahing Nika. May lima silang anak,
si Manoka ang panganay na kapag wala ang mga magulang, siya ang
napag-iiwanan ng mga kapatid. Isang araw maagang umalis ang mag-asawa upang
dumayo sa anihan ng mais sa karatig bayan. Pinagbilinan ng ama na bantayan
at pakainin ang mga kapatid. Nagluto na si Manoka. Inisa-isa niyang
ginising ang mga kapatid, laking pagtataka niya wala ang bunso niyang
kapatid. Iniwan ang iba pang mga kapatid habang kumakain. Tanong dito,
tanong doon ang ginawa niya ngunit ni isa man ay walang makakapagturo dito
hanggang siya’y makarinig ng isang boses na tumatawa at malakas na
nagsasalita, “Diyan ka nababagay munting sisiw, sa kumunoy, hanggang sa
ika’y malunod, ha! ha! ha!,” malakas na tawa ni Asong Malupit. Lumapit si
Manoka, nakita niya si Mikmik, ang bunso nilang kapatid umiiyak at parang
takot na takot. Naghanap si Manoka ng mahabang kahoy at inihampas niya ito
sa nakabungisngis na aso. “Malupit ka!, buong lakas na hinampas niya ang
aso hanggang kumaripas ito ng takbo. “Yeheey! Ligtas na ako, iniligtas ako
ng Ate Manoka ko,” buong kasiyahang niyakap ni Mikmik ang ateng
tagapagligtas niya.
Sariling Katha ni Marijo Panuncio |
1.
Ano ang pamagat ng nabasang pabula?
A. Si Manoka B. Ang Tandang C. Ang Asong Malupit D.Ang Magkapatid na Manok
2.
Sino ang mapagmahal at masunurin na tagapag-alaga ng kaniyang mga kapatid?
A. Si Daga B. Si Mikmik C. Si Manoka D. Si Asong Malupit
3.
Sino-sino ang naghahanap ng pagkain para sa pamilya ni Manoka?
A. Si Asong Malupit B.
Sina Manoka at Mikmik
C. Si Manoka at mga kapatid D. Sina
Tandang Diro at Inahing Nika
4. Ano ang gawain ni Manoka kapag wala ang mga
magulang sa bahay?
A. Naglalaro sa labas ng bahay.
B. Hinahayaan ang mga kapatid sa
kalsada.
C. Hindi binibigyan ng pagkain ang
mga kapatid.
D. Nagluluto, nagbabantay at
nagpapakain sa mga kapatid.
5.
Kailan nalaman ni Manoka na nawawala ang kaniyang bunsong kapatid?
A. Nakita niya na lumabas si Mikmik.
B. Pagkatapos na siya ay naglalaro sa
labas ng bahay.
C. Gigisingin na niya ang mga kapatid
para sa kumain.
D. Pagkagising nakita niya wala na sa
higaan ang kapatid.
6.
Kaninong malakas na boses ang narinig ni Manoka habang siya’y papalapit
kumunoy?
A. Boses ni Pusang Malupit. B. Boses
ni Asong Malupit.
C. Tinig ng Maamong Kambing D. Tinig ng
Maamong Kalabaw.
7.
Ano ang sinabi ni Asong Malupit sa kapatid ni Manoka na nagpasidhi ng galit
niya sa aso?
A. “Halika! Kumapit ka ng
mabuti iaahon kita sa putikan.”
B. “Tanggalin mo ang tinik sa
likod ko, parang awa mo.”
C. “Naku! Nahulog ang Sisiw
,kawawa naman tulungan ninyo.”
D. “Diyan ka nababagay
munting sisiw, sa kumunoy, hanggang sa ika’y malunod, ha!ha!ha!.”
8.
Bakit umiyak nang sobra at takot na takot si Mikmik ng nadatnan ni Manoka?
A. Pinapalo ng Asong Malupit
si Mikmik ng kahoy.
B. Inilublob sa kumunoy ng
Asong Malupit si Mikmik.
C. Kinakagatkagat ng Asong
Malupit ang paa ni Mikmik.
D. Napilayan ang paa ni Mikmik
sa katatakbo nang hinabol ni Asong Malupit.
9.
Paano nakaligtas si Mikmik sa ginawa ng Asong Malupit sa kaniya?
A. Mabilis na nakadampot ng
mahabang kahoy at hinampas sa Asong Malupit na kumaripas ng takbo.
B. Tinulungan ni Manoka na
makaahon sa kumunoy si Mikmik.
C. Niyakap ng mahigpit ni
Manoka ang kapatid para mawala na ang takot nito.
D. Lahat na binanggit ay
wasto.
10.Ano
ang aral na makukuha sa nabasang pabula?
A. Dapat na paniwalaan ang
sinasabi ng karamihan.
B. Tanggapin ang katotohanan
nang walang alinlangan.
C. Nasa huli ang pagsisisi
kaya’t pag-isipang mabuti ang bawat desisyon.
D. Maging masunurin sa habilin
ng magulang para maiwasan ang sakunang kahihinatnan.
11.
Nais mong hiramin ang aklat ng iyong kaklase. Paano mo ito sasabihin sa kanya?
A. Akin na muna ang iyong
aklat.
B.Ipahiram mo sa akin ang
aklat mo.
C.Maaari ko bang gamitin ang aklat mo?
D.Ibigay mo sa akin ang aklat
mo, bilis!
12.
Ang kaibigan ng nanay ni Belen ay dumalaw sa kanilang bahay. Ano ang dapat
niyang sabihin?
A. Naku, hindi ko kayo kilala.
B. Nay, nandito ang kaibigan
ninyo.
C. Wala po dito si Nanay,
umalis na kayo.
D.Pasok po kayo, tatawagin ko
lang si Nanay.
Basahin ang ulat tungkol sa Coronavirus. Punan ang puwang ng angkop na
pangangalan o panghalip. Piliin ang tamang sagot na nasa loob ng kahon. Isulat
ito sa iyong sagutang papel.
Ang ___________13. o CORONA VIRUS Disease 2019 ay
malaking grupo ng mga virus na nagdudulot ng respiratory disease. Tulad ng
SARS Cov na nadiskubre noong 2003, at MERS Cov noong 2012. Pinaniniwalaan,
na ang mga sakit na ito ay galing sa________________ 14. Ngunit ang Covid
19 ay hindi pa _____________________15. matukoy. Nagmula
ang__________________ 16. na ito sa ____________17. wet market kung saan
ang mga mabibili ____________________18. ay mga exotic foods. Tinatawag na
rin itong pandemic dahil ito ay naging pangunahing suliranin ng mga
____________________19 . Saanman ngayon problema talaga ang lahat ng ito.
______________________20. sa ating___________________21. , paano
kaya______________________ 22. malulunasan ang suliraning napapanahon?
Halaw sa ulat ng DOH |
Covid-19
sakit
hayop nila natin Wuhan, China doon eksperto dito bansa |
A. Tukuyin ang
sawikain sa loob ng pangungusap. Isulat sa sagutang papel.
23. Ang napangasawa ng aking pinsan ay alog na ang
baba sa kaniya.
24. Iniiwasan kong makasama ang mga
balat-sibuyas na kaibigan.
25. Magkabungguang balikat sina Pedro at Jose
mula noong bata pa sila.
26. Bagamat anak pawis si Lyka, siya’y
nagsusumikap sa kaniyang pag-aaral.
27. Ang nanay ay parang sirang-plaka sa aming
magkakapatid, upang kami ay maturuan.
Panuto: Lagyan ng bilang 1 hanggang 10 ang linya
upang mapagsunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwento. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
________A. May mag-asawang nagngangalang Mang Nilo at Aling Mildred.
________B. Nagbubungkal at nagtatanim sila ng mga gulay.
________C. Nagdadamo rin sila ng kanilang mga tanim
________D. Ibinebenta nila ang mga gulay upang kumita ng pera.
_______ E. Nakapagtrabaho ang
anak ng mag-asawa sa bangko sa kanilang bayan.
________F. Ipinababaon nila sa anak ang kinitang pera
________G. Nakapagtapos din ng pag-aaral ang kanilang anak.
________H. Nagkakape muna ang mag-asawa bago umalis ng bahay.
________I. Naghahanda rin sila
ng almusal na babaunin sa bukid.
________ J. Pinipitas nila ang mga tanim na gulay.
Panuto: Basahin ang mga lipon ng
mga salita sa Hanay A at hanapin sa Hanay B ang maaaring kalalabasan ng mga
pangyayari. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
Hanay A
Hanay B
38. nakipagsuntukan si Aldrin
A. sumakit ang kaniyang ngipin
39. kumain ng maraming tsokolate si Pam B. nasugatan siya sa noo
40. nahuli sa klase si Anthony C.
bumaha sa kalsada
41. nakakuha ng mababang marka D.
wala siyang masakyan
42. umulan nang malakas E.
hindi siya nag-aral nang mabuti
Panuto: Basahin ang mga
sumusunod na pahayag.
Isulat ang salitang Tama kung ang
pahayag ay wasto at Mali kung hindi.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
_______43. Hindi mabisa ang isang pelikula
kung iba’t ibang mensahe ang nakuha
ng manonood sa kanilang
napanood.
_______44. Ang wastong pagkasusunod-sunod ng
mga pangyayari sa pelikula ay
nagpapatunay lamang na maayos
ang pagkakabuo nito.
_______45. Mahalagang maging detalyado mula
sa kaliit-liitang bagay ang lahat ng
mga pangyayari upang maunawaan
ng mga manonood ang takbo ng
pelikula.
_______46. Sa pamagat pa lamang ay
nagkakaroon ka na ng ideya kung ano ang
paksa ng pelikula na siyang
humihikayat sa manonood.
_______47. Maituturing na pinakapundasyon sa
pagsusuri ng isang pelikula ang
tema. Ito ang nagsasaad ng pinakapaksa
ng pelikula.
_______48. Ang mga gumaganap ng iba’t ibang
katauhan o karakter sa pelikula ay
dapat tao lamang.
_______49. Masasabing maganda ang takbo ng
pelikula kung angkop ang
pagkasusunod-sunod ng mga eksena.
______50. Ang pelikulang kailanma’y hindi
maaaring lapatan ng musika upang
ito ay higit na makabuluhan.
<<<Answer Key>>>
No comments:
Post a Comment
Thank you for your feedback.