UNANG
MARKAHAN sa
FILIPINO 5
PANGALAN:
_____________________________________________ MARKA:
_______________________
BAITANG
AT SEKSYON: ____________________________________ PETSA: ________________________
PANUTO:
Basahin ng mabuti ang bawat tanong, at piliin ang tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng tauhang
may katangiang pantasya?
A. Isang matapang na sundalong lumaban sa digmaan
B. Isang diwata na lumilipad sa alapaap
C. Isang ina na naglalaba sa ilog
D. Isang magsasakang nagtatanim ng palay
2. Ano ang angkop na pamagat para sa kuwentong
tungkol sa isang batang bayani na tumulong sa kanyang bayan sa panahon ng
sakuna?
A. Ang Matapang na Mandirigma B.
Si Haring Araw
C. Bayanihan sa Panahon ng Baha D.
Ang Alamat ng Bahaghari
3. Ano ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa
isang epikong nagsimula sa kapanganakan ng bayani, sumabak sa labanan, at
nagtapos sa kanyang tagumpay?
A. Tagumpay → Labanan → Kapanganakan B.
Labanan → Kapanganakan → Tagumpay
C. Kapanganakan → Labanan → Tagumpay D.
Tagumpay → Kapanganakan → Labanan
4. "Ang kanyang puso ay yelo sa lamig at walang
pakiramdam." Ano ang layunin ng paggamit ng metaporang ito sa pangungusap?
A. Upang ipakita ang damdamin ng tao
sa literal na paraan
B. Upang ihambing ang ugali ng tao sa isang bagay na malamig gamit ang tuwirang
pagtutulad
C. Upang ipahiwatig na ang tao ay hindi marunong magpatawad gamit ang isang
simbolikong imahe
D. Upang tukuyin ang pisikal na temperatura ng kanyang katawan
5. Basahin ang pangungusap: “Si Rosa ay bituing
nagniningning sa entablado.” Anong ugnayan ang ipinakikita ng metaporang ito?
A. Pisikal na anyo ni Rosa at ang
kanyang damit
B. Talento ni Rosa at ang ningning ng isang bituin*
C. Lugar kung saan nakita si Rosa at ang langit*
D. Damdamin ni Rosa sa entablado at ang kanyang pamilya*
6.
Sa isang tulang pambata, inilarawan ang kasiyahan ng mga bata habang naglalaro
sa ulan. Alin sa mga sumusunod ang kaugnay mong karanasan?
A.
Nang bumili kayo ng payong dahil maulan
B. Nang naglaro kayo ng habulan habang umuulan at nagtawanan kayo ng iyong mga
kaibigan
C. Nang natulog ka habang umuulan
D. Nang sumama ka sa grocery para mamili ng pagkain
7.
Nabasa mo ang isang alamat tungkol sa pinagmulan ng isang bundok. Sa dulo,
ipinakita ang aral ng pagtitiyaga at sakripisyo. Alin sa iyong karanasan ang
maihahambing dito?
A.
Nang hindi ka pumayag na maghugas ng pinggan sa bahay
B. Nang tinulungan mong ayusin ang gamit kahit pagod ka na
C. Nang sumali ka sa sayawan dahil sa ayaw ng kaklase mo
D. Nang pinuntahan mo ang mall kasama ang iyong pinsan
8. Alin sa mga sumusunod ang unang hakbang sa
paggawa ng isang sandwich?
A. Lagyan ng palaman ang tinapay
B. Ihanda ang mga sangkap tulad ng
tinapay, palaman, at kutsilyo
C. Balutin ang sandwich sa malinis na
papel
D. Gupitin ang sandwich sa gitna
9. Alin sa mga ito ang halimbawa ng tekstong
nagbibigay ng panuto?
A. Talambuhay ng isang bayani B. Tula tungkol sa
kalikasan
C. Resipi ng paggawa ng biko D. Alamat ng Pinya
10. Ano ang layunin ng tekstong nagpapakita ng
hakbang at proseso?
A. Maglahad ng damdamin ng isang
tauhan
B. Magbigay ng impormasyon tungkol sa
buhay ng hayop
C. Magbigay ng tiyak na gabay kung
paano isagawa ang isang bagay
D. Maglarawan ng isang pangyayari sa
nakaraan
11. Nabasa mo ang isang kuwentong kababalaghan
tungkol sa isang batang nawawala tuwing hatinggabi. Ano ang layon ng ganitong
uri ng teksto?
A. Mag-ulat ng balita sa pamayanan
B. Maglahad ng mga hakbang sa paggawa ng proyekto
C. Magsalaysay upang aliwin o pukawin ang imahinasyon ng mambabasa
D. Magbigay ng opinyon tungkol sa isang isyu
12. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng layon
ng tekstong impormatibo?
A. Inilalarawan ang damdamin ng isang tauhan sa isang tula
B. Ipinapaliwanag kung paano gumawa ng simpleng tsokolateng inumin
C. Kinukuwento ang pakikipagsapalaran ng isang bayani
D. Isinalaysay ang karanasan ng isang estudyante sa field trip
13. Ano ang layon ng isang epiko na naglalahad ng
pakikipaglaban ng bayani para sa kanyang bayan?
A. Mag-aliw at magturo ng aral mula sa mga karanasan ng tauhan
B. Magbigay ng gabay sa paggawa ng bagay
C. Magturo ng wastong pag-uugali sa tahanan
D. Magpaliwanag ng siyentipikong proseso
14. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng
denotasyon ng salitang “ilaw”?
A. Ina ng tahanan B.
Liwanag na nanggagaling sa kuryente o apoy
C. Gabay sa desisyon D.
Simbolo ng pag-asa
15. Ano ang konotatibong kahulugan ng salitang
“ahas” sa pangungusap na “Si Marco ay isang ahas sa grupo”?
A. Isang hayop na gumagapang B.
Isang mabangis na nilalang
C. Isang traydor o taksil D.
Isang matalino at mabilis
16.
Alin sa pangungusap ang gumagamit ng pagwawangis
(metapora)?
A. Ang kanyang tinig ay tila musika sa aking pandinig.
B. Parang ibon kung lumipad si Ana sa entablado.
C. Si Miguel ay isang leon sa tapang.
D. Kasingliwanag ng araw ang ngiti niya.
17. Alin sa mga pahayag ang may angkop na tono at
damdamin para sa isang liham na pasasalamat sa guro?
A. “Ginawa ko naman ang aking makakaya. Salamat na lang siguro.”
B. “Lubos po akong nagpapasalamat sa inyong paggabay at pagtuturo sa amin.”
C. “Kung hindi lang po sa inyo, wala po akong interes mag-aral.”
D. “Medyo masaya ako, pero sana mas konti ang takdang-aralin.”
18. Pumili ng angkop na diksiyon para sa isang
pormal na talumpati sa isang pambansang pista: “__________ ay isang mahalagang
bahagi ng ating kasaysayan, na dapat ipagdiwang ng bawat Pilipino.”
A. 'Yung araw na 'yun B.
Ang araw na 'to
C. Itong okasyon na parang masaya lang D.
Ang makasaysayang araw na ito
19. Alin sa mga pahayag ang angkop para sa unang panauhan
(perspektibo ng tagapagsalita)?
A. “Tinutulungan niya ang kanyang kapatid araw-araw.”
B. “Tayo ay magkaisa para sa kalikasan.”
C. “Ako’y nangakong tutulong sa aming barangay.”
D. “Kailangan nilang magsimula sa oras.”
20. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng langkapang
pangungusap?
A. Uminom siya ng gamot upang gumaling.
B. Malakas ang ulan kaya hindi na kami tumuloy, at ang mga bata ay nalungkot.
C. Nagsikap siya sa pag-aaral.
D. Naligo si Anna at si Lara habang nagluluto ang kanilang ina.
21. Pumili ng tamang langkapang pangungusap na
tumutukoy sa iyong karanasan sa pagpunta sa isang picnic kasama ang iyong
pamilya.
A.
Pumunta kami sa parke upang mag-picnic, at nagdala kami ng pagkain.
B. Nagdala kami ng mga pagkain, at ang mga bata ay naglaro sa damuhan habang
ang mga matatanda ay nag-uusap.
C. Nagtanghalian kami sa bahay, at pagkatapos ay naglinis kami ng aming mga
gamit.
D. Ibinahagi namin ang pagkain at nagpasalamat kami sa magkasunod na kaganapan.
22. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang
gumagamit ng pang-uring pamilang na palansak?
A.
Tatlong beses na siyang nag-aral
upang makamit ang kanyang pangarap.
B. Kadalasan, ako ay gumigising
ng maaga upang mag-aral.
C. Ang mga batang mag-aaral ay
nagsanay para sa paligsahan.
D. Bawat mag-aaral ay may
kanya-kanyang proyekto na gagawin.
23.
Alin sa mga sumusunod ang kaantasan ng
pang-uri sa pangungusap na ito: "Mas mabilis tumakbo ang batang si Juan kaysa kay Marco"?
A.
Pasukdol B.
Pahambing C. Lantay D. Walang kaantasan
24. Ano ang pokus ng pandiwa sa pangungusap na
"Nagluto si Lola ng masarap na pagkain para sa amin"?
A.
Tagaganap/Aktor B. Layon C. Tagatanggap D. Pook
25. Sa pagsasalaysay ng isang mito, alin sa mga
sumusunod na hakbang ang hindi kailangang isama?
A.
Pagsisimula ng kwento sa pagpapakilala ng mga tauhan at lugar
B. Paglalarawan ng mga aksyon ng mga tauhan
C. Pagbibigay ng mga hakbang kung paano magluto ng isang pagkain
D. Pagwawakas ng kwento sa isang mahalagang aral o mensahe
26. Pumili ng wastong pagkakasunod-sunod ng mga
hakbang sa paggawa ng isang simpleng proyekto sa sining.
(Magbigay ng isang proseso sa paggawa ng paper mache mask)
A.
Pumili ng disenyo → Gumawa ng molde → Ilagay ang pahayang papel → I-assemble
ang mask → Kulayan
B. Gumawa ng molde → Ilagay ang pahayang papel → Kulayan → Pumili ng disenyo →
I-assemble ang mask
C. Ilagay ang pahayang papel → Kulayan → Pumili ng disenyo → I-assemble ang
mask → Gumawa ng molde
D. Pumili ng disenyo → Ilagay ang pahayang papel → I-assemble ang mask →
Kulayan → Gumawa ng molde
27. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang
gumagamit ng tamang pananda upang mag-ugnay ng mga ideya sa isang mito?
A.
Ang kwento ng bayan ni Mariang Makiling ay hindi lang nakakatawa, kundi ito rin ay naglalaman ng mga
aral sa buhay.
B. Si Bathala ang nagbigay ng buhay sa mundo subalit siya rin ang nagtakda ng mga hamon sa bawat isa.
C. Si Malakas at si Maganda ay ipinanganak mula sa isang kahon kung kaya’t nagsimula ang kwento ng
ating pinagmulan.
D. Ang bawat kwento ay may kasamang mga aral, dahil ang mga ito ay magagamit sa ating pang-araw-araw na buhay.
28. Pumili ng tamang pananda na mag-uugnay sa ideya
sa isang tekstong impormatibo tungkol sa proseso ng paglilinis ng kamay.
A.
Una, hugasan ang iyong mga kamay gamit ang sabon, pagkatapos ay banlawan ng maigi.
B. Una, hugasan ang iyong mga kamay gamit ang sabon, dahil ito ay makatutulong upang matanggal ang mga mikrobyo.
C. Hugasan ang iyong mga kamay ng mabuti, tulad ng paggamit ng sabon upang matanggal ang dumi.
D. Una, maghugas ng kamay at dahil
dito, magiging malinis ito.
29. Sa pagbuo ng isang kwentong kababalaghan, aling
pananda ang nararapat gamitin upang mag-ugnay ng mga ideya na may kinalaman sa
tono ng takot?
A.
Sa gitna ng dilim, may narinig siyang tunog mula sa likod ng puno, kaya siya'y napaatras.
B. Habang naglalakad siya sa kagubatan, kung
kaya’t natagpuan niyang buo pa ang katawan ng nilalang na dati’y
nawawala.
C. Gayunpaman, kahit na siya'y
natatakot, pinili niyang magpatuloy at maghanap ng mga sagot.
D. Bawat hakbang ay nararamdaman niyang papalapit na siya sa isang lihim, subalit patuloy pa rin siya sa
paglakad.
30. Ano ang tamang wika na gagamitin kapag
nakikipagkilala sa isang tao na hindi mo pa kilala?
A.
Kumusta na! Ako pala si Juan.
B. Huwag mong gawing biro ang bagay na 'yan!
C. Magandang araw, ako po si Juan, ikinalulugod kong makilala kayo.
D. Hoy, gusto mo bang magpunta sa bahay namin?
31. Anong halimbawa ng wika ang angkop gamitin kapag
ikaw ay mag-aanyaya sa isang kaibigan na kumain sa inyong bahay?
A.
Halina, kumain tayo, tara na!
B. Kumain ka sa bahay namin kung gusto mong sumama.
C. Huwag kang magdala ng kahit anong pagkain, kami na lang ang mag-aasikaso.
D. Pwede ba kayong dumaan at magtanghalian sa amin?
32. Ano ang pinakamainam na wika na gagamitin kapag
ikaw ay nakikibiro sa isang kaibigan nang may paggalang at hindi sobra?
A.
Huwag mong gawing biro ang mga bagay na ganito!
B. Magbiro tayo nang hindi naman nakakainsulto.
C. O, baka mamaya ikaw naman ang magbiro sa akin.
D. Parang ikaw naman ang biktima ng biru ko ngayon!
33.
Si Juan ay may kausap na kaibigan at hindi niya ito pinapansin, kaya't tinutok
niya ang kanyang mata sa kanya at itinuro ang kanyang labi. Ano ang ibig
sabihin nito?
A.
Hindi interesado si Juan sa kanyang kausap.
B. May gustong sabihin si Juan ngunit nahihiya.
C. Si Juan ay nagsasalita ng walang tunog.
D. Si Juan ay nagpapakita ng interes at gustong makipag-usap.
34.
Kapag ikaw ay nagpapaliwanag sa klase at ang iyong mga kamay ay patuloy na
gumagalaw, ano ang ibig sabihin nito sa iyong komunikasyon?
A.
Ang mga kamay ay hindi mahalaga sa pagpapahayag ng ideya.
B. Ang mga kamay ay nagpapakita ng dagdag na ekspresyon o paglalarawan ng iyong
ideya.
C. Ang paggamit ng kamay ay nagpapakita ng kalituhan.
D. Ang paggamit ng kamay ay hindi katanggap-tanggap sa klase.
35. Ano ang ibig sabihin ng "pambansang pistang
opisyal"?
A.
Isang kasiyahan o selebrasyon na idinaraos sa mga paaralan.
B. Isang selebrasyon o okasyon na itinatakda ng gobyerno para sa buong bansa.
C. Isang kaganapan na ginaganap sa isang barangay.
D. Isang pagdiriwang na ginagawa sa mga kumpanya.
36. Bakit mahalaga ang paggamit ng angkop na wika sa
isang pambansang pistang opisyal?
A.
Para magbigay ng mga suhestiyon sa pamahalaan.
B. Para magpakita ng respeto at pagkakaisa sa mga kalahok.
C. Para magpatawa at magsaya ang mga tao.
D. Para makipag-usap ng hindi pormal sa ibang tao.
37. Anong uri ng wika ang nararapat gamitin sa mga
pambansang pistang opisyal?
A.
Pormal at magalang na wika. B.
Malalim at teknikal na wika.
C. Pambansang wika na hindi pormal. D.
Magaan at hindi seryosong wika.
38. Ano ang layunin ng isang liham pangkaibigan?
A.
Magbigay ng impormasyon tungkol sa isang pangyayari.
B. Magmungkahi ng mga hakbang para sa isang proyekto.
C. Magtanong tungkol sa kalagayan ng kaibigan at magpakita ng malasakit.
D. Magbigay ng reklamo sa isang tao.
39. Ano ang isang mahalagang bahagi ng liham
pangkaibigan?
A.
Pangungumusta at pagbibigay ng mga suhestiyon.
B. Pagsusuri ng isang sitwasyon.
C. Pagpapahayag ng emosyon at pagpapakita ng malasakit sa kaibigan.
D. Paghahanda ng mga hakbang na kailangan sundin.
40. Paano mo dapat ayusin ang tono at estilo ng
iyong liham pangkaibigan?
A.
Gamitin ang pormal at seryosong tono.
B. Gamitin ang magaan at maayos na tono na angkop sa kaibigan.
C. Gamitin ang teknikal na wika para maging detalyado.
D. Gamitin ang hindi pormal na wika na hindi maayos.
41. Kung ikaw ay magsusulat ng enrollment form, alin
sa mga sumusunod ang pinakamahalagang bahagi na kailangang isama?
A.
Petsa ng kapanganakan, pangalan ng magulang, at address.
B. Pangalan ng guro, mga paboritong aktibidad, at libangan.
C. Pangalan ng paaralan, klase ng kurso, at mga paboritong asignatura.
D. Lahat ng nabanggit ay kailangang isama sa enrollment form.
42. Sa pagsusuri ng pormularyo ng pagpaparehistro,
paano mo malalaman kung ito ay kumpleto at tama?
A.
Kung lahat ng patlang ay napunan ng tamang impormasyon at walang mali sa
pagsulat ng mga detalye.
B. Kung ang mga pangalan at edad lamang ang nakasulat.
C. Kung may mga bahagi ng pormularyo na hindi nasagutan, ngunit nakasaad sa
instructions.
D. Kung walang mga tanong na walang kasagutan, kahit mali ang mga sagot.
43. Paano mo matutukoy kung tama ang ibig sabihin ng
isang salita sa isang pangungusap gamit ang diksiyonaryo?
A.
Tingnan ang pagkakasulat ng salita sa pangungusap at alamin kung paano ito
ginagamit.
B. Hanapin ang salitang nasa diksiyonaryo at basahin ang mga kahulugan nito
upang matukoy ang pinakatamang ibig sabihin.
C. Isipin ang ibig sabihin ng salita batay sa itsura nito at kung paano ito
naririnig.
D. Alamin kung may kasamang larawan o halimbawa ng paggamit ng salita sa
diksiyonaryo.
44. Pumili ng tamang paraan kung paano mo magagamit
ang isang diksiyonaryo at ensayklopidya sa paggawa ng isang akdang
nagsasalaysay, tulad ng isang kuwento tungkol sa mga mito at kababalaghan.
A.
Gamitin ang diksiyonaryo upang alamin ang kahulugan ng mahihirap na salita at
gamitin ang ensayklopidya para sa mga detalye ng mga tauhan at pook sa iyong
kuwento.
B. Hanapin ang lahat ng salitang ginamit sa kuwento sa diksiyonaryo at isama
ang mga halimbawa mula sa ensayklopidya.
C. Gumamit ng ensayklopidya upang magbigay ng mga tala tungkol sa pagkakatulad
ng mitolohiya sa ibang bansa, at gamitin ang diksiyonaryo upang tuklasin ang
bawat karakter ng iyong kuwento.
D. Gumamit ng diksiyonaryo upang ipaliwanag ang mga aral mula sa kuwento at
ensayklopidya upang magbigay ng mga katulad na kuwento sa ibang kultura.
45. Kung ikaw ay gagawa ng isang poster na may
kasamang larawan at teksto para sa isang pambansang kaganapan, aling elemento
ng multimedia ang pinakamahalagang gamitin upang malinaw na maiparating ang
mensahe sa madla?
A.
Mga slogan at mga subtitle na makikita sa poster.
B. Graphics tulad ng mga larawan at icons na makikita sa poster.
C. Paggamit ng makukulay na font para sa headline ng poster.
D. Paggamit ng mga descriptive na pangungusap sa ilalim ng larawan.
46. Kung ikaw ay gagawa ng isang kuwento tungkol sa isang
mito at nais mong gawing mas kawili-wili ito para sa mga kabataan, alin sa mga
sumusunod na elemento ng multimedia ang makatutulong sa pagpapahayag ng iyong
mensahe?
A.
Pagtukoy sa mga emosyonal na tono ng mga pangungusap sa loob ng kuwento.
B. Paggamit ng mga graphics tulad ng mga larawan ng mga tauhan at mga simbolo
ng kababalaghan.
C. Paggamit ng mga complex na pangungusap at mahahabang parirala.
D. Pagtukoy sa mga tema at moral ng kuwento sa huling bahagi.
47. Sa paggawa ng isang video na naglalarawan ng
isang pambansang kaganapan, alin sa mga sumusunod na elemento ng multimedia ang
dapat mong gamitin upang makuha ang atensyon ng mga manonood?
A.
Paggamit ng mga larawan na may mga malilinaw na detalye at mga maikling pahayag
bilang caption.
B. Paggamit ng mga mahahabang teksto na nagpapaliwanag ng buong kaganapan.
C. Paggamit ng maikling video clip na walang tunog upang hindi magulo.
D. Paggamit ng mga makukulay na graphics at tunog upang magbigay-impresyon ng
saya at kasiyahan.
48. Kapag ikaw ay gumagawa ng isang digital
presentation na tungkol sa isang lokal na kultura, paano mo magagamit ang mga
elementong multimedia upang ipaliwanag ang kasaysayan ng inyong lugar?
A.
Paggamit ng mga larawan ng mga makasaysayang lugar at maikling teksto upang
magbigay ng impormasyon.
B. Pagtutok lamang sa pagsulat ng mahahabang deskripsyon ng kasaysayan nang
walang mga visual aids.
C. Paggamit ng mga text-heavy slides na walang graphics o larawan.
D. Pagtatalakay lamang ng mga teksto at hindi paglalagay ng mga multimedia
elemento.
49. Ang isang guro ay gumawa ng presentasyon tungkol
sa pangangalaga sa kalikasan at gumamit siya ng mga video ng mga kagubatan, mga
larawan ng mga hayop, at mga tunog ng kalikasan. Kung ang layunin ng
presentasyon ay mapukaw ang damdamin ng mga bata at ipakita ang kahalagahan ng
kalikasan, anong aspeto ng multimedia ang pinaka-angkop sa layuning ito?
A.
Ang paggamit ng mga tunog ng kalikasan at mga larawan ng mga hayop upang
magbigay-diin sa mensahe.
B. Pagtutok lamang sa mga teknikal na aspeto ng kalikasan at mga siyentipikong
termino.
C. Paggamit ng mahahabang teksto na nagpapaliwanag ng mga impormasyon tungkol
sa kalikasan.
D. Paggamit ng mga graphics ng mga problema sa kalikasan nang walang tunog.
50. Ang isang kampanya ng gobyerno tungkol sa tamang
paraan ng paghugas ng kamay ay gumagamit ng mga animated na karakter, maikling
video, at simpleng mga teksto. Paano nakakatulong ang mga elementong ito sa
pagpapadali ng pag-unawa ng mga bata tungkol sa mensahe ng kampanya?
A.
Ang mga animated na karakter at simpleng teksto ay makakatulong sa
pagpapaliwanag ng mga hakbang sa paghugas ng kamay sa isang paraang magaan at
kaakit-akit para sa mga bata.
B. Ang paggamit ng mga komplikadong graphics at detalyadong mga teksto ay
makakatulong sa pagpapaliwanag ng kampanya sa mga bata.
C. Ang mga animated na karakter ay magbibigay lamang ng aliw sa mga bata ngunit
hindi makakatulong sa pagpapaliwanag ng mensahe.
D. Ang mga video at teksto ay hindi makakatulong sa pagpapadali ng pag-unawa ng
mga bata.
<<<Answer Key>>>
TABLE OF SPECIFICATIONS
(TALAAN
NG ISPESIPIKASYON)
FIRST QUARTER IN
(UNANG
MARKAHAN SA)
|
SUBJECT |
FILIPINO |
MATATAG CURRICULUM |
ACADEMIC YEAR 2025-2026 |
|
GRADE |
5 |
1ST PERIODICAL TEST |
QUARTER 1
ACADEMIC
YEAR 2025-2026
|
CODES |
LEARNING COMPETENCIES (INCLUDE CODES IF
AVAILABLE) |
ACTUAL INSTRUCTIONS (DAYS) |
WEIGHT (%) |
REVISED BLOOM’S TAXONOMY LEVEL OF COGNITIVE DIMENSION |
TOTAL NUMBER OF TEST ITEMS |
|||||||||||||
|
REMEMBERING |
UNDERSTANDING |
APPLYING |
ANALYZING |
EVALUATING |
CREATING |
|||||||||||||
|
NOI |
POI |
NOI |
POI |
NOI |
POI |
NOI |
POI |
NOI |
POI |
NOI |
POI |
ACTUAL |
ADJUSTED |
|||||
|
NC |
1.Nauunawaan
ang tekstong naratibo (mito, epiko, kuwentong kababalaghan, tulang pambata)
a. Napagsusunod- sunod ang mga pangyayaring hindi bababa sa pito b.
Nailalarawan ang tauhan batay sa kilos, gawi at pananalita c. Nakikilala ang
realidad at pantasya d. Naibibigay ang natuklasang kaalaman sa teksto e.
Nakapagbibigay ng angkop na pamagat ng teksto |
4 |
6% |
3 |
1,2,3 |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
3 |
3 |
|
|
NC |
2.Natutukoy
ang tayutay (pagwawangis o metapora) sa pagbibigay-kahulugan ng pahayag sa
binasa o napakinggang teksto |
2 |
4% |
|
|
|
|
|
|
2 |
4,5 |
|
|
|
|
2 |
2 |
|
|
NC |
3.Naiuugnay
ang mga pangyayari sa teksto sa sariling karanasan |
4% |
|
|
|
|
2 |
6,7 |
|
|
|
|
|
|
2 |
2 |
||
|
NC |
4.Nauunawaan
ang tekstong impormatibo (pagsusunod-sunod sa panuto, hakbang at proseso) a.
Napagsusunod-sunod ang mga panuto/hakbang/proseso b. Naisasaayos ang mga
hakbang/proseso c. Naipaliliwanag ang panuto |
2 |
6% |
3 |
8,9,10 |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
3 |
3 |
|
|
NC |
5.Nasusuri
ang layon ng teksto ● magsalaysay (mito, epiko, kuwentong kababalaghan,
tulang pambata) • maglahad (pagsusunod-sunod sa panuto, hakbang at proseso) |
2 |
6% |
|
|
3 |
11,12,13 |
|
|
|
|
|
|
|
|
3 |
3 |
|
|
NC |
6.Nagagamit
ang mga salitang may denotasyon at konotasyong kahulugan sa pagbuo ng
pangungusap a. panandang konteksto • pagbibigay-kahulugan • pormal na
depinisyon • batay sa sitwasyong pinaggamitan ng salita (analohiya) b.
tayutay • pagwawangis/metapora |
2 |
6% |
3 |
14,15,16 |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
3 |
3 |
|
|
NC |
7.Nagagamit
ang angkop na diksiyon (kaangkupan ng salita/retorika at estilo) sa
pagpapahayag ayon sa: a. layon (magsalaysay at maglahad) b. kahulugan c.
tagapakinig/tagapanood/mambabasa d. konteksto (pambansang pistang opisyal) e.
tono at damdamin f. pananaw ng tagapagsalita/manunulat (una at ikalawang panauhan) |
4 |
6% |
|
|
3 |
17,18,19 |
|
|
|
|
|
|
|
|
3 |
3 |
|
|
NC |
8.Nakabubuo ng
pahayag gamit ang langkapang pangungusap |
4% |
|
|
|
|
|
|
1 |
20 |
|
|
1 |
21 |
2 |
2 |
||
|
NC |
9.Nagagamit
ang mga bahagi ng panalita sa pagpapahayag a. Pang-uring Pamilang ● palansak
b. Kaantasan ng Pang-uri ● pahambing c. Pang-abay ● panang-ayon ● panalungat
d. Pokus ng Pandiwa ● tagaganap/aktor |
4 |
6% |
|
|
3 |
22,23,24 |
|
|
|
|
|
|
|
|
3 |
3 |
|
|
NC |
10.Nagagamit
ang pangkalahatang kayarian ng teksto sa pagbuo ng diskurso a. nagsasalaysay
(mito, epiko, kuwentong kababalaghan, tulang pambata) b. naglalahad
(pagsusunod-sunod sa panuto, hakbang, at proseso) |
4% |
|
|
|
|
2 |
25,26 |
|
|
|
|
|
|
2 |
2 |
||
|
NC |
11.Nakabubuo
ng tekstong may mga panandang nag-uugnay ng mga ideya ayon sa layon,
kahulugan, tagapakinig/mambabasa, at konteksto a. tekstong naratibo (mito,
epiko, kuwentong kababalaghan, tulang pambata) b. tekstong impormatibo
(pagsusunod-sunod sa panuto, hakbang, at proseso) |
4 |
6% |
|
|
3 |
27,28,29 |
|
|
|
|
|
|
|
|
3 |
3 |
|
|
NC |
12.Nagagamit
ang angkop na wika sa pagpapahayag na isinasaalang-alang ang edad, kasarian,
paksa, at kultura sa iba’t ibang sitwasyon: • pakikihalubilo sa ibang tao
(pagpapakilala, pangungumusta, pag-anyaya sa pagkain, pagpapatuloy sa bahay,
pakikisangkot sa biruan sa positibong paraan, pagtatanong) |
2 |
6% |
3 |
30,31,32 |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
3 |
3 |
|
|
NC |
13.Nagagamit
ang angkop na mga nakagawiang di-berbal na hudyat sa pagpapahayag • pagtoonan
ng tingin • pandama o paghawak |
2 |
4% |
|
|
|
|
2 |
33,34 |
|
|
|
|
|
|
2 |
2 |
|
|
NC |
14.Nagagamit
ang angkop na wika sa pagpapahayag na isinasaalang-alang ang edad, kasarian,
paksa, at kultura sa pambansang pistang opisyal |
2 |
6% |
3 |
35,36,37 |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
3 |
3 |
|
|
NC |
15.Nakabubuo
ng teksto batay sa iba’t ibang layong akademik at transaksiyonal na teksto •
liham pangkaibigan (pangungumusta) |
2 |
6% |
|
|
3 |
38,39,40 |
|
|
|
|
|
|
|
|
3 |
3 |
|
|
NC |
16.Nasasagutan
ang pormularyo batay sa iba’t ibang layon: • form (enrolment form) |
2 |
4% |
|
|
|
|
|
|
|
|
2 |
41,42 |
|
|
2 |
2 |
|
|
NC |
17.Nagagamit
ang mga pangkalahatang sanggunian ● diksiyonaryo ● ensayklopidya |
2 |
4% |
|
|
|
|
|
|
|
|
1 |
43 |
1 |
44 |
2 |
2 |
|
|
NC |
18.Natutukoy
ang mga elemento ng multimedia ● text (headlines, subtitles at slogans) ●
graphics (still images, drawings, graphs, illustrations, icons, atbp.) |
2 |
4% |
|
|
|
|
|
|
2 |
45,46 |
|
|
|
|
2 |
2 |
|
|
NC |
19.Nabibigyang-kahulugan
ang mga elemento ng tekstong multimedia |
2 |
4% |
|
|
|
|
2 |
47,48 |
|
|
|
|
|
|
2 |
2 |
|
|
NC |
20.Nasusuri
ang kaangkupan ng mga elementong multimedia sa target na manonood |
4% |
|
|
|
|
|
|
2 |
49,50 |
|
|
|
|
2 |
2 |
||
|
|
TOTAL |
40 |
100% |
15 |
15 |
8 |
7 |
3 |
2 |
50 |
50 |
|||||||
|
_______________ Prepared by |
______________________________ Initial
Content Validation |
____________________________ Final
Validation |
||||||||||||||||
No comments:
Post a Comment
Thank you for your feedback.