Filipino 3 First Periodical Test - Reviewer (MS Matatag)


UNANG MARKAHAN sa

FILIPINO 3 

PANGALAN:                                                                        MARKA: ________________

BAITANG AT SEKSYON:                                              PETSA:

PANUTO: Basahin ng mabuti ang bawat tanong, at piliin ang tamang sagot.Isulat sa malinis na papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang salitang madalas makita sa mga pangungusap at kadalasang hindi na binibigkas nang pasalita ang bawat titik?
A. Laruan                B. Maganda             C. Ako                    D. Kumain

2. Ano ang tawag sa mga salitang tulad ng “ikaw”, “ng”, at “siya” na kadalasang nakikita sa mga pangungusap at madaling matukoy?
A. Pangngalan         B. Panghalip            C. Sight words        D. Pantukoy

3. Alin sa mga salitang may salungguhit ang high frequency word sa pangungusap?
"Si Nanay ay nagluto ng masarap na ulam para sa aming lahat."
A. Nanay                 B. Nagluto               C. Lahat                  D. Ulam

4. Suriin ang sumusunod na pangungusap. Alin dito ang may tamang gamit ng isang high frequency word?
A. Kumain ako ng masarap na kanin.              B. Tinanghali ako kaya hindi pumasok.
C. Pagkatapos ay umuwi na kami.                   D. Dumating ang bagyo sa Linggo ng gabi.

5. Kumpletohin ang pangungusap: "___ ay isang batang Pilipino na nagmamahal sa bayan."
A. Ako                     B. Siya                    C. Kami                  D. Sila

6. Alin sa sumusunod na pangungusap ang tamang gamit ng salitang “ng”?
A. Ng kami ay nagpunta sa palengke.               B. Kumain ng mangga si Aling Rosa.
C. Ng maganda ang panahon ngayon.              D. Ng bata ay lumakad sa kalsada.

7. Pumili ng pangungusap na may wastong gamit ng high frequency words tungkol sa bansa:
A. Sila ang magtatanim sa aking bakuran.
B. Ako ay pupunta sa tindahan kasama si Lola.
C. Mahal ko ang aking bayan at ang bandila ng Pilipinas.
D. Tayo ay maglalaro sa ilalim ng puno.

8. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng paggalang sa nakatatanda?
A. Sumigaw ako sa aking lolo habang nanonood siya ng balita.
B. Inabot ko ang kanyang bag at sinabi kong, “Po at Opo.”
C. Nilagpasan ko lang si Lola sa kalsada.
D. Pinagtawanan ko ang boses ng aking guro.

9. Piliin ang tamang salita upang mabuo ang makabayang pangungusap:
"___ ko ang watawat ng Pilipinas tuwing Lunes."

A. Kumakain                     B. Nilalaro               C. Iginagalang                   D. Iniiwasan

10. Alin sa sumusunod ang salitang kilos?
A. Aso                     B. Tumakbo                      C. Lamesa               D. Paaralan

11. Alin sa mga salita ang pamatlig o ginagamit bilang pamalit sa ngalan ng bagay o lugar?
A. Ito                      B. Bola                              C. Juan                  D. Bahay

12. Si Lolo ay lumakad papunta sa parke tuwing umaga.
Ano ang kahulugan ng salitang “lumakad”?
A. Umupo               B. Naglakad                       C. Umiyak                         D. Tumakbo

13. Ang makulay na parol ay isinabit ni Itay sa aming bintana.
Ano ang ibig sabihin ng salitang “makulay”?
A. Walang kulay      B. Puti lamang                  C. Madilim                        D. Maraming kulay

14. Ang batang si Rico ay masayahin kahit may problema.
Ano ang salitang-ugat ng “masayahin”?
A. Saya                   B. Masaya                         C. Hindi                            D. Sayo

15. Suriin kung aling salita ang may tamang pagkakagamit ng salitang-ugat.
A. Tumutulong – salitang-ugat: tulong             B. Tinapay – salitang-ugat: kain
C. Kumakanta – salitang-ugat: kanta               D. Malinis – salitang-ugat: linis

A. A at B lamang
B. A at C lamang
C. A, C at D
D. Lahat ay tama

16. Alin sa mga salita ang magkasingkahulugan?
A. Maliit – Malaki                        B. Masaya – Malungkot
C. Maganda – Marikit                  D. Mababa – Mataas

17. Ano ang kasalungat ng salitang “mabilis”?
A. Maganda             B. Mabagal              C. Malawak             D. Maliit

18. Si Carlo ay naglilinis ng silid-aralan.
Ano ang simuno sa pangungusap?
A. ay naglilinis                   B. ng silid-aralan               C. Si Carlo              D. silid-aralan

19. Ang mga bata ay masayang naglalaro sa parke tuwing hapon.
Ano ang panaguri sa pangungusap?
A. Ang mga bata                                              B. Sa parke tuwing hapon
C. Ay masayang naglalaro sa parke                  D. Ay naglalaro

20. Piliin ang pangungusap na may wastong pagkakabuo ng simuno at panaguri.
A. Tumutulong sa kapwa.                      B. Si Ana ay masipag na bata.
C. Sa paaralan sila.                               D. Masarap ang pagkain at masaya.

21. Alin sa mga sumusunod ang hudyat ng pag-iisa-isa o paglalarawan?
A. Una, Pangalawa, Panghuli                 B. Pagkatapos, Bago, Una
C. Kaya, Samakatuwid, Dahil                D. Bukod dito, Halimbawa, Isa pa

22. Ano ang hudyat ng pagsusunod-sunod sa isang teksto?
A. Kaya, Dahil                                       B. Una, Pangalawa, Panghuli
C. Isa pa, Halimbawa                             D. Bukod dito, Gayundin

23. Alin sa mga sumusunod ang elemento ng teksto na tumutukoy sa mga tauhan, tagpuan, at pangyayari?
A. Mensahe ng kwento                                     B. Katangian ng tauhan
C. Suliranin at solusyon                                  D. Elemento ng teksto

24. Anong damdamin ang naramdaman ng tauhan sa kwentong “Si Pagong at Si Matsing” nang sila ay magtulungan?
A. Pagkagalit           B. Pagkabalisa                   C. Kasiyahan           D. Panghihinayang

25. Sa kwentong “Ang Pagong at ang Matsing,” ano ang solusyon sa problema ng mga tauhan?
A. Naghanap ng ibang pagkain                         B. Nagtulungan sila upang makaligtas
C. Nagtago sa puno                                         D. Nag-away sila

26. Sa isang kuwento, paano mo matutukoy ang nagsasalaysay?
A. Sa pamamagitan ng mga damdamin ng tauhan
B. Sa pamamagitan ng pangalan ng tauhan
C. Sa pamamagitan ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
D. Sa pamamagitan ng mga pahayag ng tagapagsalaysay

27. Sa isang teksto impormatibo, ano ang mahahalagang impormasyon na madalas binibigyang pansin?
A. Paksa, pangunahing ideya, at mga sumusuportang detalye
B. Emosyon ng tauhan at mga pangyayari
C. Suliranin at solusyon
D. Mga pangalan ng tauhan at tagpuan

28. Pagkatapos mong magbasa ng isang ulat-panahon, paano mo gagamitin ang impormasyong ibinigay ukol sa kalikasan?

A. Lilikha ka ng sariling ulat-panahon gamit ang parehong ideya
B. Gagamitin mo ang impormasyon upang magplano ng isang aktibidad ayon sa lagay ng panahon
C. Isusulat mo ang ulat-panahon sa ibang wika
D. Ibabahagi mo ang impormasyon sa mga kaibigan kahit hindi ito mahalaga

29. Sa isang balita tungkol sa isang kalamidad, nabanggit na may mga nasalanta at nagbigay ng solusyon ang gobyerno tulad ng pagbibigay ng mga ayuda. Anong bahagi ng balita ang tumutukoy sa solusyon?

A. Ang bahagi ng balita na nagsasabing may mga nasalanta
B. Ang bahagi ng balita na nagsasaad ng pangalan ng mga apektadong lugar
C. Ang bahagi ng balita na naglalarawan ng epekto ng kalamidad
D. Ang bahagi ng balita na nagsasabi kung paano tinutulungan ng gobyerno ang mga biktima

30. Kung ikaw ay magbibigay ng ulat-panahon para sa iyong komunidad, alin sa mga sumusunod ang pinakamahalaga upang maisama sa iyong ulat?

A. Ibigay ang pangalan ng mga tao sa komunidad
B. Isama ang mga impormasyon tungkol sa lagay ng panahon at mga epekto nito
C. Ibigay ang mga paboritong pagkain ng mga tao sa komunidad
D. Ipaliwanag ang mga libangan ng mga tao sa iyong komunidad

<<<Answer Key>>> 

TABLE OF SPECIFICATIONS

(TALAAN NG ISPESIPIKASYON)

FIRST QUARTER IN

(UNANG MARKAHAN SA)

SUBJECT

FILIPINO

MATATAG CURRICULUM

 

ACADEMIC YEAR

2025-2026

GRADE

3

1ST PERIODICAL TEST

QUARTER 1
ACADEMIC YEAR 2025-2026

CODES

LEARNING COMPETENCIES

(INCLUDE CODES IF AVAILABLE)

ACTUAL INSTRUCTIONS (DAYS)

WEIGHT (%)

REVISED BLOOM’S TAXONOMY LEVEL OF COGNITIVE DIMENSION

 

TOTAL NUMBER OF TEST ITEMS

REMEMBERING

UNDERSTANDING

APPLYING

ANALYZING

EVALUATING

CREATING

NOI

POI

NOI

POI

NOI

POI

NOI

POI

NOI

POI

NOI

POI

ACTUAL

ADJUSTED

NC

Natutukoy ang sight words na kabilang sa Filipino

2

6.7%

2

1,2

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

2.01

2

NC

Natutukoy nang wasto ang mga salitang madalas gamitin o high frequency words

4

6.7%

 

 

 

 

 

 

2

3,4

 

 

 

 

2.01

2

NC

Nagagamit ang mga salita na high frequency tungkol sa: a. sarili at bansa b. tiyak na paksang may tuon sa nilalaman (hal. sitwasyong pambansa)

10%

 

 

 

 

3

5,6,7

 

 

 

 

 

 

3

3

NC

Nagagamit ang mga salitang may tiyak na tuong pangnilalaman (GMRC at MAKABANSA)

2

6.7%

 

 

 

 

2

8,9

 

 

 

 

 

 

2.01

2

NC

Natutukoy ang kahulugan ng mga salita ayon sa konteksto a. salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, at pangyayari ● salitang dinaglat 

b. salitang pamalit sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, at pangyayari ● pamatlig

 c. salitang naglalarawan ● ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, at pangyayari

 d. salitang kilos

e. salitang pangkayarian ● pangatnig ● pang-angkop

4

13.26%

2

10,11

2

12,13

 

 

 

 

 

 

 

 

3.97

4

NC

Natutukoy ang salitang-ugat ng mga natutuhang salita na high frequency o madalas gamitin

2

6.7%

 

 

 

 

 

 

 

 

2

14,15

 

 

2.01

2

NC

Nakikilala ang kahulugan ng mga salita a. magkasingkahulugan b. magkasalungat

4

6.7%

2

16,17

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

2.01

2

NC

Natutukoy ang mga bahagi ng payak na pangungusap

a. simuno

b. panaguri

2

10%

 

 

3

18,19,20

 

 

 

 

 

 

 

 

3

3

NC

Natutukoy ang mga pananda sa teksto

a. hudyat ng pag-iisa -isa- paglalarawan

b. hudyat ng pagsusunod-sunod

2

6.7%

2

21,22

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

2.01

2

NC

Nauunawaan ang pinakinggan o binasang tekstong naratibo (kuwentong pambata, kuwentong-bayan, pabula, alamat, at parabula mula sa Banal na Aklat)

a. Naibibigay ang elemento ng teksto

b. Natutukoy ang damdamin ng tauhan sa mga pangyayari  c. Nakikilala ang katangian ng tauhan

d. Naibibigay ang suliranin at solusyon

e. Naisasaayos ang pagkasusunod-sunod ng limang pangyayari

f. Naibibigay ang sanhi at bunga 

g. Naibibigay ang posibleng wakas

h. Nakabubuod ng teksto

i. Naiuugnay ang sariling karanasan sa kuwento

j. Natutukoy ang nagsasalaysay sa teksto 

k. Naibibigay ang mensahe ng teksto

4

13.26%

 

 

4

23,24,25,26

 

 

 

 

 

 

 

 

3.97

4

NC

Nauunawaan ang pinakinggan o binasang tekstong impormatibo (patalastas, babala, balita, ulat-panahon/ pangyayaring pangkalikasan sa bansa)

a. Naibibigay ang limang mahahalagang detalye

b. Natutukoy ang suliranin at solusyon

c. Natutukoy ang naglalahad sa teksto

d. Naibibigay ang nais ipabatid ng awtor

e. Naibibigay ang mahahalagang impormasyon (paksa, pangunahing ideya, sumusuportang detalye)

f. Natutukoy ang huwaran ng organisasyon ng tekstong impormatibo ● pag- iisa-isa-paglalarawan ● pagsusunod- sunod

g. Naibibigay ang kongklusyon

h. Naibibigay ang mensahe ng teksto

4

13.26%

1

27

 

 

1

28

1

29

 

 

1

30

3.97

4

 

TOTAL

30

100%

9

9

6

3

2

1

30

30

 

______________________________

Prepared by

 

 

______________________________

Initial Content Validation

 

____________________________

Final Validation

 

No comments:

Post a Comment

Thank you for your feedback.

System of the Human Body