ESP Summative Test #2.Q1
Quiz
- Si Mang Andoy ay matagal nang nagta-trabaho sa Munisipyo. Siya ay kinagigiliwan ng lahat sapagkat taos-puso niyang ginagampanan ang kanyang tungkulin. Dahil dito, hinihingi ng Mayor ang pangalan ng kanyang anak upang gawing scholar ng bayan. Isinulat niya ang palayaw ng anak sa kontratang papel.
- Wasto
- Hindi
- Nasa ika-anim na baitang si Nilo. Handa na siyang pumasok sa mataas na paaralan sa susunod na pasukan. Maagang nanghihingi ng lista ng mga magaaral ang Mataas na Paaralan ng San Jose. Hinihingi ang mga impormasyong nauukol sa kanyang sariling pamilya. Nasagot niya lahat ang mga ito.
- Wasto
- Hindi
- Ang Munisipyo ay naglalaan ng pundo para sa mga kabataan. Sa bakasyon, may dalawampung araw na pagtatrabaho ang ilalaan sa paglilinis ng kalsada, mga parke at iba pang pampublikong lugar. Tinatawag itong summer job. Gusto mong mag-apply. Hinihingi sa aplikasyon ang petsa ng kapanganakan ng inyong mga magulang. Hindi mo alam ang tamang petsa. Sinagutan mo ng mga petsang hula mo lang.
- Wasto
- Hindi
- Nakatanggap ka ng mensahe mula sa kaibigan mo. Gusto niyang lumabas ka ng bahay upang makita ang tatay mo at ang kinakatagpo niya na sinasabing babae daw ng tatay mo. Hindi ka naniwala sa kaniya dahil wala kang sapat na basihan nito.
- Wasto
- Hindi
- Nabalitaan mo sa iyong facebook account na may isang matandang babae na palaboy-laboy. Nalaman mo na ang nasabing matanda ay ang ina ng tatay mo. Pinuntahan mo kaagad ang matanda at pinagalitan siya.
- Wasto
- Hindi
- Si Mang Ernie ay may mga kaibigan. Ilan sa kanila ay nagtatrabaho sa ibang bansa. Ibinibigay niya sa mga ito ang cellphone number at email address niya.
- Wasto
- Mali
- Nagkasakit ang siyamnapung taong gulang na lola ni Efren. Tinatanong ng nars ng hospital ang PhilHealth number ng nanay niya. Ibinibigay niya ito.
- Wasto
- Hindi
- Nagbakasyon ang buong pamilya sa Baguio. May nakilala kang isang mestiso. Tinulungan ka niyang maghanap ng bangko na pagkukunan mo ng pera. Ibinigay mo ang PIN ng ATM mo para mapadali ang pag-withdraw.
- Wasto
- Hindi
- Gusto mong magkaroon ng bagong gadget. Kumuha ka ng hulugang
laptop. Sa application form isinulat mo ang buong direksiyon ng tirahan mo.- Wasto
- Hindi
- Nabasa mo sa iyong facebook account na may isang babaeng nanawagan kung sino ang nakakilala sa matandang palaboy-laboy sa kanilang lugar at hinahanap ang kanyang pamilya. Nakita mo ang mukha ng matanda. Pinaalam mo sa kapitbahay mo na ang lola nila ay nakita sa facebook na matagal na nilang hinahanap.
- Wasto
- Hindi
- May meeting ang inyong samahan sa EsP at napagpasyahan ng marami na sasama sa Clean up drive ng paaralan. Hindi ka sumama dahil tinatamad ka.
- Tama
- Mali
- Hindi ka sumunod sa iminungkahi ng iyong lider sa pangkat na magdala ng matulis na bagay para madaling pumutok ang lobo sa inyong laro sa paaralan.
- Tama
- Mali
- Napagpasyahan ng SPG na maglunsad ng isang proyekto na makatutulong sa paaralan. Isa ka sa napili ng nakararami na maging lider. Labag sa kalooban mo na tinangap ang iyong pagkalider.
- Tama
- Mali
- May nabasa kang isang private message mula sa isang kaibigan na nagsasabi ng masama laban sa iyo. Nagalit ka kaagad kahit hindi mo alam ano ang pinagmulan nito.
- Tama
- Mali
- Napansin mo na ang iyong kaibigan na nakaupo sa harapan mo ay nangongopya ng sagot sa katabi nya ngunit ito ay binalewala mo at ikaw ay nagbulagbulagan lamang.
- Tama
- Mali
- Nagkasundo kayong magkaibigan na magsaliksik sa aklatan. Sa araw na napagkasunduan, tumanggi ka at nanood ng sine.
- Tama
- Mali
- May usapan kayong dadalo sa pulong ng kampanyang “No to Drugs” sa Barangay Hall. Hindi ka sumama dahil natapat ito sa sinusubaybayan mong Telenovela.
- Tama
- Mali
- Ang buong klase ay nagkasundong magsagawa ng pag-aaral sa Laguna Ecocentrum. Nakarating kana roon, subalit sumama ka pa rin.
- Tama
- Mali
- Galing sa mahirap na pamilya si Nicholas. Matalino siya kaya pinapag-aral siya ng pamahalaan. Nang makatapos bilang iskolar sa pagiging doctor nagdesisyon siya na magtatrabaho sa America dahil mas malaki ang sweldo doon.
- Tama
- Mali
- Si Luisa ay isang dalagang hindi nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa barkada. Lagi siyang pinagsasabihan at pinagagalitan ng kanyang mga magulang. Gusto na lang ni Luisa na mag-asawa kahit walang trabaho ang lalaki para lang siya makaalis sa kanila.
- Tama
- Mali
No comments:
Post a Comment