dEPARTMENT
OF eDUCATION
dIVISION
OF _________
District of _____________
First
Periodical Test in ESP 6
2025-2026
Pangalan:____________________________________Baitang:
________________Score:_____
Panuto: Basahin nang
mabuti ang sumusunod. Piliin ang katangian na ipinahihiwatig sa bawat
sitwasyon. Isulat ang titik ng napiling sagot sa iyong kuwaderno.
1. Alam ni Edgar na hindi na
siya kayang pag-aralin ng kaniyang mga magulang dahil sa mas marami
Ng gastusin simula Junior High School.
Ipinaintindi ito sa kaniya ng kaniyang mga magulang kaya hindi
siya nagalit o nagtanim ng sama ng loob.
A. pagkamatiyaga B.
pagmamahal sa katotohanan
C. pagkabukas ng isipan D.
pagkamahinahon
2. Maraming basura ang
nakita ni Myrna sa likuran ng kanilang paaralan. Hindi pala nakuha ang mga ito
ng
basurero at ngayon ay nakakalat na.
Dali-daling kumuha ng walis at dustpan si Myrna upang linisin ang
basura upang hindi makaperwisyo ang amoy nito
sa ibang mag-aaral.
A. pagiging malinis B.
may paninindigan
C. mapanuring kaisipan D.
pagiging mahinahon
3. Inimbita ka ng iyong
kaklase na magpunta pagkatapos ng klase sa kanilang bahay. Ngunit nagbilin ang
nanay mo na umuwi ka ng maaga dahil babantayan
mo ang nakababata mong kapatid. Ipinaliwanang mo
sa
iyong kaklase kung bakit kailangan mong umuwi ng maaga.
A. lakas ng loob B.
kaalaman
C. pagiging responsible D. may paninindigan
4. Sa kabila ng kahirapan sa
buhay, hindi nawalan ng pag-asa si Julia na balang araw magiging maayos din
ang buhay ng kaniyang pamilya. Araw araw
niyang ipinagdarasal ito sa Panginoon.
A. pagmamahal sa katotohanan B. may paninindigan
C. may pananampalataya D. katatagan
ng loob
5. Bawat buwan ay nagpapadala si Marta ng
sahod na natatanggap niya upang ipambili ng pagkain para sa
magulang at mga kapatid. Anong katangian ang
ipinapakita ni Marta?
A. kaalaman B. pagmamahal sa pamilya
C. bukas na isipan D. lakas ng loob
6.
Sinabi ng kapitbahay mo na ang iyong
kapatid ay palaging lumiliban sa klase. Ano ang gagawin mo?
A. Pagagalitan ko ang aking
kapatid.
B. Pagagalitan ko ang aking
kapitbahay.
C. Isusumbong ko ang aking
kapatid sa aming mga magulang.
D. Kakausapin ko ang aking
kapatid tungkol dito, tatanungin ko siya kung bakit siya lumiliban sa klase at
ipaliliwanag ang kahalagahan ng pag-aaral at
ang hindi magandang kahihinatnan ng kaniyang madalas na
pagliban sa klase.
7.
Pumapangalawa ka sa klase ninyo sa mathematics. Mayroong paligsahan sa inyong
paaralan at ang kasali sa
contest ay absent. Ikaw ang napiling ihalili.
Ano ang iyong gagawin?
A. Sasali sa paligsahan.
B. Hindi ka sasali sa
paligsahan.
C. Sasabihin mo sa titser na
iba na lang ang isali sa paligsahan.
D. Sasabihin sa titser mo na
hintayin na lang pumasok ang iyong kaklase na lumiban.
8.
Niyaya ka ng kaibigan mong maligo sa ilog. May pasok kayo sa araw na iyon at
mahigpit na ipinagbabawal ng iyong
magulang ang maligo sa ilog. Ano ang iyong
gagawin?
A. Sasama kang maligo sa ilog.
B. Hindi ka sasamang maligo sa
ilog.
C. Sasama ka ngunit hindi
maliligo.
D. Uuwi ka muna ng bahay at
magpapaalam sa iyong mga magulang.
9.
Nakita mong umiiyak ang kapatid mo habang nakikipaglaro sa batang kapitbahay
ninyo. Ano ang gagawin mo?
A. Pagagalitan ko ang aking
kapatid.
B. Pagagalitan ko ang batang
kapitbahay namin.
C. Tatanungin ko ang aking
kapatid kung bakit siya umiiyak at pauuwiin.
D. Sasali ako sa kanilang laro
at aawayin ko ang batang kapitbahay namin.
10.
Inutusan ka ng nanay mo na bumili ng toyo at suka sa tindahan. Pagkatapos mong
bumili, nalaman mong sobra
ang isinukli sa’yo ng tindera. Ano ang
gagawin mo?
A. Ipambibili ko ng kendi ang
sobrang sukli para sa aking nakababatang kapatid.
B. Tatanungin ko muna si nanay
kung ano ang gagawin sa sobrang sukli.
C. Uuwi ako sa bahay at
hihingin kay nanay ang sobrang sukli.
D. Isasauli ko agad-agad sa
tindera ang sobrang sukli
11.
Ang pagpapahalaga at ang pagsang-ayon sa pasya ng nakararami ayisangkatangian
na kaaya-aya bilang isang
kasapi ng pamilya. Paano mo
itomaipapakita?
A. Magsasawalang kibo na lamang
kung sila ay nakapagpasyana.
B. Magbibigay ng iyong sariling
pananaw at hindi susunod sakanila.
C. Bigyang halaga, respetuhin at
tumulong upang maisakatuparanang desisyon ng nakararami.
D. Hayaan silang magdesisyon
dahil wala ka namang maitutulong.
12.
Alin sa sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayansapaghubog ng isang
maayos at matatag na
pamilya?
A. Pagkakaroon ng responsableng
ama at mapagmahal na inananagsasama nang matiwasay at payapa.
B. Pagpadami ng mga anak.
C. Balewalain ang karapatan ng bawat
kasapi pamilya.
D. Pagbibigay ng luho sa mga
anak.
13.
Ang pamilya Vergara ay sama-samang nagsisimba kung Linggo at sama- sama ring
nananalangin sa araw-araw.
Anong katangian ang ipinapakitang pamilyang
ito na dapat tularan?
A. Pamilyang may malasakit sa
karapatan ng bawat isa.
B. Pamilyang may pagmamahal at
respeto sa isa’t isa.
C. Pamilyang nagkakaisa sa
pananampalataya.
D. Pamilyang nagkakaunawan at
nagbibigayan suporta sa bawat kasapi
14.
Ang pagsang-ayon ay pagtanggap, pagpayag at pakikiisa sa ipinyonngiba. Alin sa
sumusunod ang
Nagpapahayag ng pagsang ayon sa
nakararami?
A. “Bakit hindi ninyo naisipang
ibahin ang plano?”
B. “Kaisa mo ako sa bahaging iyan,
lubos akong nananalig.”
C. “Sana sa susunod hindi lang
parati kayo ang masusunod.”
D. “Wala na ba kayong maisip na
paraan?”
15.
Bakit natin pinahahalagahan ang makakabuti para sa nakakarami?
A. Upang mapangalagaan ang
kapakanan ng bawat kasapi.
B. Upang maiwasan ang hindi
pagkakaunawaan.
C. Upang maiwasan ang
pagkamakasarili.
D. Lahat ng sagot ay tama.
16.
Pumunta ka sa isang aklatang-bayan. Hinihingi ang impormasyon ng iyong tirahan.
A. Ibibigay mo ang address ng
iyong paaralan.
B. Ibibigay mo ang kumpletong
address ayon sa hinihingi.
C. Ibibigay mo ang buong pangalan
ng tatay at nanay mo.
D. Alamin muna bakit hinihingi.
17.
May dumating sa bahay ninyo na bagong katulong o kasambahay. Gabi na at bukas
pa uuwi ang mga magulang
ninyo.Ano ang gagawin mo?
A. Patuluyin mo siya at
patulugin sa gabi.
B. Hayaan mo siyang
maghintay sa labas ng bahay.
C. Ipagbibigay alam sa
kaniya na ang mga magulang mo ay umalis pa at uuwi ang mga ito kinabukasan.
D. Pabalikin siya
kinabukasan.
18.
May dumating, nagpapakilalang kolektor ng appliances. Wala sa bahay ang nanay
at tatay mo. Hinihingi niya ang
cellphone number ng mga magulang mo. Ano ang
gagawin mo?
A. Hindi papasukin ang tao
at tawagan ang iyong ina sa cellphone.
B. Papasukin ang tao sa
bahay at papaghintayin sa tawag ng iyong ina.
C. Humingi ng opinyon ng kapitbahay kung
papasukin ang tao.
D. Isara ang pinto at hayaang
maghintay ang tao sa labas.
19.
May isang van na huminto sa tapat ng bahay ninyo. Lumabas ang isang lalaki at
nagbalitang naaksidente ang
kapatid
mo at kasalukuyang nasa ospital. Nasa trabaho pa ang mga magulang mo. Ano ang
gagawin mo?
A. Ipagbibigay alam at
hihikayatin ang mga kaibigan na sumama ospital.
B. Ikaw na lang ang sasama sa ospital.
C. Ipaaalam sa mga magulang
ang nangyari at hintayin ang kanilang desisyon.
D. Magtatanong sa
kapitbahay ano ang gagawin.
20.
Lilipat ka ng papasukang paaralan. Kakailanganin ang mga impormasyon ng pamilya
mo sa iyong mga sasagutin.
Alin sa sumusunod ang hindi kasama?
A. Buong pangalan ng tatay
at pinagta-trabahuhan niya.
B. Pangalan ng nanay mo sa
pagkadalaga.
C. Iyong mga kaibigan at
nakaraang mga kaklase.
D. Edad at pangalan ng
iyong mga kapatid.
21.
Nakita mo sa facebook na kinansila ang pasok dahil sa malakas na hangin at
pabugso-bugsong ulan.
A. Maniwala at huwag ng
pumasok.
B. Sasabihin sa ina na
walang pasok dahil sinabi ito ng iyong kaklase.
C. Itanong sa guro kung
totoo ang impormasyong iyong nabasa.
D. Alamin sa mga kaibigan
kung totoo na walang pasok.
22.
Nag-chat ang kaibigan mo tungkol sa programa para sa Buwan ng Wika. Nagtatanong
siya kung ano ang isusuot sa
palatuntunan. Ano ang gagawin mo?
A. Isusumbong siya sa guro
dahil hindi siya nakinig.
B. Hayaan na makadalo sa
palatuntunan ng paaralan na walang dala.
C. Ipagbigay alam sa
kaibigan ang mga palabas at kung ano ang dapat.
D. Ibigay agad sa kaniya
ang lahat ng impormasyong nalalaman tungkol sa programa sa Buwan ng Wika.
23.
May umugong na balita na may naganap na nakawan sa Barangay. Isang araw,
kumatok sa pinto ang isang lalaki
at
sinasabing kaibigan siya ng kaniyang mga magulang. Pinapasok naman siya ng bata
sa kanilang bahay kaya
malayang nakapagnakaw ang kawatan. Kung
ikaw ang bata, ano ang iyong gagawin?
A. Hindi papasukin ang
tao at tatawagan ang iyong ina upang itanong kung totoong kaibigan siya.
B. Papasukin ang tao sa
bahay at pahihintayin sa iyong ina.
C. Humingi ng opinyon ng
kapitbahay kung papasukin ang tao.
D. Isara ang pinto at
hayaang maghintay ang tao sa labas.
A.
Panuto: Lagyan ng tsek (ü)
ang bilang kung wastong hakbang ang ginagawa at ekis (û) kung hindi. Isulat ang iyong
sagot sa kuwaderno.
________24.
Si Mang Nicanor ay isang Barangay Opisyal. Nakatanggap siya ng e-mail na
magkakaroon ng
pagpupulong ang lahat ng opisyales ng
Barangay. Tiningnan niya ang pangalan ng nagpadala mula ito
sa kalihim.
________25.
Nasa ika-anim na baitang si Josie. Handa na siyang pumasok sa paaralan ngunit
napakalakas ng ulan.
Narinig niya sa radyo na kinansila ng kanilang
Mayor ang pasok sa elementarya at sekondarya dahil sa
masamang kalagayan ng panahon. Tinawagan ni
Josie ang kanilang paaralan upang eberipika ang
narinig.
______ 26. Nanonood ka ng telebisyon at nakita mo sa
kanilang palabas na may makapal na usok malapit sa inyong
lugar. Sinabi mo agad sa
iyong ina na mayroong sunog malapit sa inyo. Nabigla siya at hinimatay dahil sa
nerbiyos. Nalaman mo mula sa inyong kapitbahay
na nagpa-fogging lamang pala sa inyong Barangay.
_______27.
Nakatanggap ka ng mensahe mula sa kaibigan mo na naiinis ang isa mong kaklase
sa iyo dahil sa palagi
mong pagkuha ng matataas
na marka. Hindi ka naniwala sa kaniya dahil wala kang basihan nito.
_______28.
Nakita mo sa iyong facebook account na may isang babaeng nanawagan kung sino
ang nakakikilala sa
matandang palaboy-laboy sa kanilang lugar at
hinahanap ang kaniyang pamilya. Nagkataon na kilala mo
ang matanda at malapit
lamang ang tirahan nila sa inyo kaya pinuntahan mo agad ang kaniyang pamilya
at ipinaalam ang
kinaroronan ng matanda.
A. Panuto: Sagutin ng TAMA o MALI ang pangungusap.
Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.
_______29. Kaakibat ng pagbuo ng pasya ang responsibilidad na maaaring
makaapekto sa iyong saril
_______30. Mahirap ang pagbuo ng isang pasya.
_______31. Dapat isaalang-alang ang kapakanan ng iba sa pagbuo ng
pasya.
_______32. Nararapat na suriing mabuti ang sitwasyon bago bumuo ng
pasya.
_______33. Siguraduhing makalalamang ang iyong sarili bago ka bumuo ng
pasya.
_______34. Agad gumawa ng isang pasya kung nahaharap sa isang mahirap
na sitwasyon sa buhay.
_______35. Isang mabuting katangian ang paghingi ng gabay sa Panginoon
sa tuwing gagawa ng desisyon sa buhay.
_______36. Dapat isaalang-alang ang sariling kakayahan sa pagbuo ng
desisyon.
_______37. Padalos-dalos na pagpapasya ng nakararami ay laging
nakabubuti sa akin.
_______38. Ang pagbibigay ng pasya o paggawa ng desisyon ay dapat
makabubuti sa lahat upang walang
matapakan/masaktanomapinsala.
_______39. Ang desisyon ay dapat ayon sa ating konsensya.
_______40. Sinusuri at pinag-iisipan muna ang bawat pasya na
ginagawaoibibigay.
_______41. Tanggapin agad ang pasya ng iba nang walang pag-
aalinlangan.
_______42. Kumonsulta sa mga nakakatanda upang mas matulungankasa
pagpapasya.
_______43. Dapat ang desisyong gagawin ay ayon sa pananampalataya, osa
kinabibilangang relihiyon.
_______44. Pag-isipan at suriing mabuti ang maaaring kahinatnanomaging
bunga o resulta ng isang gagawing
desisyono bibitawang pasya.
_______45. Ipagwalang bahala ang mga ibinibigay na desisyong
tulongngiba.
_______46. Pag-aralan lahat ang posibleng desisyon bago gumawanghuling
pagpapasya.
B. Panuto: Batay sa iyong natutuhan. Ipaliwanag ang
iyong sagot. Isulat ito sa iyong kuwaderno.
47. Paano ka bumubuo ng pasya?
48. Isinasaalang-alang mo ba ang ibang tao sa pagbuo ng iyong pasya? Oo
o Hindi. Bakit?
49. Tinitimbang mo ba ang makabubuti at ang makasasama bago ka gumawa
ng isang pasya? Oo o Hindi. Bakit?
50. Mahalaga ba ang mapanuring pag-iisip sa pagbuo ng isang mabuting
pasya? Oo o Hindi. Bakit?
TABLE OF SPECIFICATIONS
First Periodical Test in ESP 6
2025-2026
COMPETENCY |
CODE |
ITEM
PLACEMENT |
No.
of Items |
|||||
EASY |
AVERAGE |
DIFFICULT |
||||||
Remember / Knowledge |
Understand/ Comprehension |
Apply/ Application |
Analyze / Analysis |
Evaluate / Synthesize |
Create / Evaluation |
|||
1. Pagsusuri nang mabuti sa mga bagay na may kinalaman sa sarili at
pangyayari |
|
1-5 |
|
|
|
|
|
5 |
2. Pagsang -ayon sa pasya ng nakararami kung nakabubuti ito |
|
|
6-10 |
|
24-36 |
|
47-50 |
22 |
3. Paggamit ng impormasyon |
|
|
11-23 |
|
37-46 |
|
|
23 |
TOTAL
NUMBER OF ITEMS |
|
5 |
18 |
|
23 |
|
3 |
50 |
<<<Answer Key>>>
No comments:
Post a Comment
Thank you for your feedback.