UNANG
MARKAHAN sa
ARALING PANLIPUNAN 5
PANGALAN:
_____________________________________________ MARKA:
_______________________
BAITANG
AT SEKSYON: ____________________________________ PETSA: ________________________
PANUTO:
Basahin ng mabuti ang bawat tanong, at piliin ang tamang sagot.
1.________________ ang pag-aaral ng mga mahahalagang
pangyayari sa nakaraan ng tao.
A. Agham Panlipunan B. Heograpiya C. Kasaysayan D. Ekonomiks
2.Alin sa mga sumusunod ang batayan sa pag-aaral ng
kasaysayan na nagbibigay impormasyon gamit ang mga bagay tulad ng kasangkapan
at mga labi ng sinaunang tao?
A. Sekondaryang Sanggunian B.
Primaryang Sanggunian C. Aklat D. Artikulo
3.Ano ang layunin ng pag-aaral ng kasaysayan?
A. Malaman ang uso sa kasalukuyan
B. Makapaglibang sa pagbabasa
C. Mabasa ang mga lumang kwento
D. Maunawaan ang pinagmulan at karanasan ng mga tao sa nakaraan
4.Ano ang tawag sa paraang ginagamit ng mga
historyador sa pagsuri ng mga tala at ebidensya mula sa nakaraan?
A. Pagkukuwento
B. Paglalakbay
C. Pananaliksik
D. Pagsulat ng tula
5.Bakit mahalagang pag-aralan ang kasaysayan ng
ating bansa?
A. Para makasunod sa uso
B. Para malaman kung sino ang may pinakamataas na ranggo
C. Para maunawaan ang pinagmulan at pag-unlad ng ating kultura
D. Para matutong gumawa ng mga sinaunang kasangkapan
6.Paano nakatutulong ang primaryang sanggunian sa
pag-unawa sa kasaysayan?
A. Nagsasalaysay ito ng mga kathang-isip
B. Nagbibigay ito ng direktang impormasyon mula sa mga nakasaksi o lumahok
C. Inimbento lamang ito ng mga guro
D. Ginagamit lamang ito sa mga alamat
7.Ano ang ipinapakita ng mga labi ng mga sinaunang
kasangkapan at gusali sa ating kasaysayan?
A. Ang mga paboritong kulay ng mga ninuno
B. Ang alamat ng mga diwata
C. Ang mga kasalukuyang gawain sa lipunan
D. Ang antas ng teknolohiya at pamumuhay noon
8.Paano nakaaapekto ang pananaw ng isang historyador
sa interpretasyon ng kasaysayan?
A. Wala itong epekto sa anumang paraan
B. Maaaring mabago nito ang kahulugan at pagbibigay-diin sa mga pangyayari
C. Nagpapakita lamang ito ng opinyon ng guro
D. Nakabatay lamang ito sa kasalukuyang isyu
9.Bakit mahalaga ang pag-alam sa pananaw ng iba’t
ibang historyador sa kasaysayan?
A. Para maging masaya ang pag-aaral
B. Para matandaan lahat ng petsa sa kasaysayan
C. Para makakopya ng mas maraming impormasyon
D. Para makabuo ng mas malawak na pang-unawa sa mga pangyayari
10.Paano naiiba ang primaryang sanggunian sa
sekondaryang sanggunian?
A. Ang primarya ay nagmula mismo sa karanasan o saksi ng isang tao
B. Ang sekondarya ay luma na at walang halaga
C. Ang primarya ay pawang opinyon lamang
D. Ang sekondarya ay hindi ginagamit sa paaralan
11.Paano nakatutulong ang arkeolohiya sa pag-unawa
ng kasaysayan?
A. Sa pamamagitan ng pagsasayaw
B. Sa pamamagitan ng paghahanap ng mga sinaunang bagay tulad ng kasangkapan at
buto
C. Sa paglikha ng mga alamat
D. Sa pagsulat ng mga kwentong bayan
12.Bakit mahalagang maunawaan ang iba’t ibang
pananaw sa kasaysayan?
A. Upang hindi malito sa mga kwento
B. Upang makita ang kabuuang larawan ng mga pangyayari mula sa iba’t ibang
pananaw
C. Upang malaman kung sino ang tama
D. Upang maipasa ang pagsusulit
13.Anong uri ng pananaw sa kasaysayan ang
nagbibigay-diin sa kababaihan bilang mahalagang bahagi ng kasaysayan?
A. Pangkabuhayan B.
Pampolitika C. Feministang Pananaw D. Pananaw ng Tagaloob
14.Ano ang tawag sa paraan ng pagsusuri sa
kasaysayan na inuuna ang pananaw mula sa loob ng kultura o lipunan?
A. Pananaw ng Tagalabas B.
Pananaw ng Tagaloob
C. Sekondaryang Pananaw D.
Heograpikal na Pananaw
15.Ano ang tawag sa teoryang nagsasaad na ang
Pilipinas ay nabuo mula sa mga pagsabog ng bulkan sa ilalim ng dagat?
A. Volcanic Theory B.
Plate Tectonic Theory
C. Relihiyosong Teorya D.
Alamat ng Bulkang Mayon
16.Ayon sa Plate Tectonic Theory, paano nabuo ang mga
isla ng Pilipinas?
A. Dahil sa alamat ng mga diwata
B. Dahil sa pagkabangga at paggalaw ng mga malalaking bahagi ng lupa sa ilalim
ng mundo
C. Dahil sa hangin at ulan
D. Dahil sa pagputok ng bulkan sa bawat rehiyon
17.Alin sa mga sumusunod ang isang halimbawa ng
kaalamang bayan na nagpapaliwanag sa pinagmulan ng Pilipinas?
A. Plate Tectonic Theory B.
Volcanic Theory
C. Alamat ng Malakas at Maganda D.
Aklat ng Agham
18.Ano ang layunin ng mga alamat at kuwentong bayan
tungkol sa pinagmulan ng Pilipinas?
A. Upang turuan ang mga tao ng agham
B. Upang bigyang-paliwanag ang mga kaganapan gamit ang paniniwala at
imahinasyon ng mga ninuno
C. Upang gumawa ng pelikula
D. Upang ituro ang kasalukuyang mga batas
19.Ano ang Volcanic Theory na nagpapaliwanag sa pinagmulan
ng Pilipinas?
A. Ang Pilipinas ay nabuo mula sa mga pagputok ng bulkan na nagdulot ng
pag-angat ng mga isla.
B. Ang Pilipinas ay isang kontinente na nahulog mula sa kalangitan.
C. Ang Pilipinas ay nabuo mula sa mga tectonic plates na naghiwalay.
D. Ang Pilipinas ay nagmula sa mga asteroid na bumangga sa Earth.
20.Ano ang Plate Tectonic Theory na nagpapaliwanag ng
pagbuo ng mga pulo ng Pilipinas?
A. Ang Pilipinas ay nahulog mula sa kalawakan at nanatili sa dagat.
B. Ang Pilipinas ay nabuo mula sa pag-alon ng mga tubig sa dagat.
C. Ang Pilipinas ay isang bahagi ng kontinente ng Asya na dumaan sa mga
pagyanig ng lupa.
D. Ang Pilipinas ay isang isla na ipinanganak mula sa pagsabog ng isang bulkan.
21.Ano ang Kaalamang Bayan o mga alamat at kuwento
na may kaugnayan sa pinagmulan ng Pilipinas?
A. Mga relihiyon na nagsasabi ng pinagmulan ng mga tao sa Pilipinas.
B. Mga kuwentong nagsasalaysay tungkol sa mga diyos at diyosa na lumikha ng mga
isla ng Pilipinas.
C. Mga teknolohiyang ginamit sa paggawa ng mga kagamitang yari sa bato.
D. Mga teoryang pang-agham tungkol sa mga halaman at hayop sa Pilipinas.
22.Kung ikaw ay isang arkeologo na nakatuklas ng mga
labi ng sinaunang kasangkapan sa isang kweba sa Pilipinas, anong teorya ang
maaari mong gamitin upang ipaliwanag ang pagdating ng mga sinaunang tao sa
bansa?
A. Teoryang Core Population B.
Teoryang Akomodasyon
C. Teoryang Rebolusyonaryo D.
Teoryang Ekonomiko
23.Sa paggawa ng isang presentasyon tungkol sa
pinagmulan ng sinaunang tao sa Pilipinas, anong paraan ang higit na angkop upang mailahad
ang Teoryang Austronesyano?
A. Pagsulat ng tula tungkol sa kasalukuyang kabataan
B. Paggawa ng diorama na nagpapakita ng migrasyon ng mga Austronesyano
C. Pag-awit ng isang kantang makabayan
D. Paggamit ng mapa ng modernong Pilipinas
24.Kung paghahambingin mo ang Teoryang Austronesyano
at Teorya ng Core Population, ano ang maaari mong gawin upang mailapat ang iyong kaalaman?
A. Gumuhit ng larawan ng mga tauhan sa alamat
B. Gumawa ng Venn Diagram upang ipakita ang pagkakatulad at pagkakaiba ng
dalawang teorya
C. Gumawa ng komiks tungkol sa kasalukuyang problema sa trapiko
D. Magbasa lamang ng aklat nang tahimik
25.Bilang mag-aaral, paano mo maipapakita ang paglalapat ng kaalamang bayan
tulad ng alamat sa pagsusuri ng pinagmulan ng sinaunang tao?
A. Pagkukuwento ng alamat na may kaugnayan sa paglikha ng tao at paghahambing
nito sa teoryang siyentipiko
B. Pagkakabisado ng buong alamat
C. Paggamit ng alamat bilang tanging batayan ng katotohanan
D. Pag-iwas sa agham dahil hindi ito bahagi ng alamat
26.Paghambingin ang Teoryang Austronesyano at Teorya ng Core
Population. Ano ang pangunahing pagkakaiba ng dalawang teoryang ito?
A. Pareho silang naniniwala na ang mga sinaunang Pilipino ay mula sa isang relihiyon
B. Ang Austronesyano ay nagsasabing may migrasyon, habang ang Core Population
ay nagsasabing umusbong ang lahi sa mismong lugar
C. Pareho silang nagmula sa mga alamat
D. Wala silang pagkakaiba
27.Anong sitwasyon ang nagpapakita ng mas malalim na
pagsusuri sa pagitan ng agham at kaalamang bayan bilang batayan ng pinagmulan
ng sinaunang tao sa Pilipinas?
A. Pagsulat ng tula tungkol sa alamat
B. Pagkakabisado ng pangalan ng mga Austronesyano
C. Pagsusuri ng ebidensyang arkeolohikal at paghahambing nito sa mga alamat
D. Pagdrowing ng larawan ng sinaunang tao
28.Bakit masasabing may limitasyon ang kaalamang bayan tulad
ng alamat sa pagpapaliwanag ng pinagmulan ng sinaunang tao?
A. Dahil wala itong sinusunod na estilo
B. Dahil ito ay hindi kinagigiliwan ng mga bata
C. Dahil mas mahaba ito kaysa sa mga teoryang agham
D. Dahil ito ay batay sa paniniwala at imahinasyon, hindi sa konkretong
ebidensya
29.Alin sa mga sumusunod na tanong ang makatutulong upang
masuri ang bisa ng Teoryang Austronesyano bilang paliwanag sa pinagmulan ng
sinaunang tao?
A. Ano ang paboritong pagkain ng mga sinaunang Pilipino?
B. Saan nagmula ang pangalan ng Pilipinas?
C. Ano ang mga ebidensya ng pagdating ng Austronesyano mula sa ibang bahagi ng
Asya?
D. Anong alamat ang pinakapopular sa inyong lugar?
30.Kung ikaw ay nakatira sa Ilaya noong sinaunang panahon,
anong uri ng pamumuhay ang malamang na iyong isasagawa?
A. Pangingisda at paggawa ng bangka
B. Pagbubukid at pangangaso sa kabundukan
C. Pagtitinda sa pamilihan sa lungsod
D. Pagsasayaw sa mga paligsahan
31.Sa paggawa ng presentasyon tungkol sa kasaysayan
ng Pilipinas bilang isang arkipelago, alin sa mga sumusunod ang mas makatutulong upang
maipakita ang epekto ng lokasyon sa pakikipagkalakalan?
A. Paggamit ng timeline ng mga presidente
B. Pagpapakita ng larawan ng mga bundok
C. Pag-awit ng kantang makabayan
D. Pagguhit ng mapa na nagpapakita ng ruta ng kalakalan sa karagatan
32.Paano mo mailalapat ang konsepto ng Ilawud at Ilaya upang maipaliwanag ang
pagkakaiba ng kanilang kabuhayan?
A. Pagsasabi na pareho silang nasa bundok
B. Pagsusulat ng kwento kung paano sila nagtutulungan sa palitan ng produkto
C. Pagpapakita ng larawan ng lungsod at baryo
D. Paglilista ng pangalan ng mga ilog sa Pilipinas
33.Paano nakaapekto ang pagiging isang arkipelago ng
Pilipinas sa ugnayan ng mga sinaunang pamayanan?
A. Naging madali ang pagbuo ng iisang wika
B. Naging hadlang ito sa pakikipagkalakalan
C. Nagkaroon ng iba’t ibang pamumuhay at kultura sa bawat isla
D. Lahat ng pamayanan ay naging pantay sa kabuhayan
34.Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kaugnayan ng lokasyon ng
sinaunang pamayanan sa kanilang uri ng kabuhayan?
A. Ang mga Ilawud ay kadalasang nangangaso sa bundok
B. Ang mga Ilaya ay nangingisda sa tabing-dagat
C. Ang mga Ilaya ay nagtatanim sa matataas na lupa, habang ang Ilawud ay
nakikipagkalakalan sa tabing-ilog
D. Ang parehong Ilaya at Ilawud ay umiiwas sa kalakalan
35.Kung ikaw ay mananaliksik tungkol sa kasaysayan
ng sinaunang pamayanan, bakit mahalagang isaalang-alang ang kanilang lokasyon?
A. Para malaman ang kasalukuyang populasyon
B. Para matukoy kung anong alamat ang pinaniniwalaan nila
C. Para maunawaan kung paano nakaapekto ang kapaligiran sa kanilang pamumuhay
at ugnayan sa isa’t isa
D. Para malaman kung sino ang kanilang pinuno
36.Ano ang epekto ng pagkakaroon ng kapuluan sa
pagkakaiba-iba ng wika at kultura sa sinaunang Pilipinas?
A. Lalong napadali ang pagkakaisa ng bansa
B. Nagkaroon ng mas maraming paglalakbay sa kalawakan
C. Lahat ay natutong magsalita ng iisang wika
D. Nagkaroon ng sari-saring wika at kultura sa bawat pamayanan
37.Ano ang tawag sa pinuno ng sinaunang pamayanan sa
Luzon, Visayas, at Mindanao?
A. Lakambini B. Rajah C. Datu D. Sultan
38.Alin sa mga sumusunod ang kabuhayan na karaniwang
isinasagawa sa mga pamayanang malapit sa dagat?
A. Pangangaso B.
Pangingisda C. Pagsasaka D. Pagpapanday
39.Ano ang tawag sa uri ng sistemang pangkalakalan
na ginagawa sa loob ng bansa?
A. Panlabas na Kalakalan B.
Kalakalang Galyon
C. Panloob na Kalakalan D.
Sistemang Tributo
40.Ano ang papel ng kababaihan sa sinaunang lipunan
sa Pilipinas?
A. Tagapangalaga lamang ng tahanan
B. Walang karapatang magmay-ari ng ari-arian
C. Maaaring maging pinuno, tagapamagitan, at tagapangalaga ng kayamanan
D. Hindi pinahihintulutang makilahok sa kalakalan
41.Kung ikaw ay gagawa ng isang presentasyon tungkol sa kabuhayan
ng sinaunang lipunan sa Visayas, alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na paraan upang
maipakita ito?
A. Gumawa ng komiks tungkol sa mga produktong ipinagbibili sa kalakalan
B. Gumawa ng tula tungkol sa mga tanawin ng Visayas
C. Gumawa ng timeline ng mga presidente ng Pilipinas
D. Gumuhit ng watawat ng bansa
42.Kung lilikha ka ng isang diorama ng sinaunang pamayanan,
alin sa mga elementong dapat
mong isama upang maipakita ang kabuuan ng kanilang pamumuhay?
A. Palengke, modernong gusali, at mga trak
B. Bahay-kubo, bangka, sakahan, at palitan ng produkto
C. Paaralan, paliparan, at telepono
D. Simbahan, mall, at billboard
43.Ano ang pangunahing papel na ginampanan ng
kababaihan sa sinaunang lipunang Pilipino?
A. Pagtatanim ng palay lamang
B. Pagtulong sa kalakalan at pag-aalaga sa pamilya
C. Pagtutok sa mga gawaing panrelihiyon
D. Pagiging pinuno ng mga pamayanan
44.Ano ang tawag sa mga sinaunang kababaihan sa
Luzon, Visayas, at Mindanao na may mataas na katungkulan sa lipunan?
A. Babaylan B. Lakambini C. Rajah D. Datu
45.Alin sa mga sumusunod ang mga gawain na karaniwang isinasagawa
ng kababaihan sa sinaunang lipunan?
A. Pagsasaka at pangangaso
B. Paghahabi, paggawa ng alahas, at pangangalaga ng pamilya
C. Pagmimina at paggawa ng galyon
D. Pagtuturo ng mga bata at pamamahala sa kalakalan
46.Sa sinaunang panahon, ano ang ginampanan ng kababaihan sa
kalakalan?
A. Sila ang nagmamay-ari ng lahat ng kalakal
B. Sila ang namamahala sa paghahati ng yaman
C. Sila ay nakikilahok sa mga palengke at nag-aalaga ng kalakal
D. Sila ang nangunguna sa mga pang-ekonomiyang proyekto
47.Paano nakatulong ang kababaihan sa pagpapaunlad ng kalinangan sa
sinaunang Pilipinas?
A. Pagtulong sa pagbuo ng mga batas at sistema ng pamamahala
B. Pag-aalaga at pagpapalaganap ng mga tradisyon at sining tulad ng paghahabi
at paggawa ng gamit
C. Pagpapanday ng mga armas para sa digmaan
D. Pag-aalaga sa mga hayop at pananim lamang
48.Sa iyong palagay, paano nakatulong ang mga
kababaihan sa pagbuo
ng kalinangan ng sinaunang Pilipino kumpara sa iba pang kultura
sa Asya?
A. Pinamahalaan nila ang mga malalaking negosyo at kalakalan
B. Sila ang nag-alaga sa mga hayop at nagsagawa ng pangangalakal
C. Sila ang naging tagapangalaga ng mga tradisyon at sining, na nagpapatatag sa
kultura ng mga sinaunang Pilipino
D. Sila ang nanguna sa pagpapanday at pagmimina ng mga yaman sa lupa
49.Kung ikaw ay gagawa ng isang presentasyon tungkol sa papel
ng kababaihan sa sinaunang lipunan, ano ang pinaka-angkop na gamitin na halimbawa upang
ipakita ang kanilang malaking kontribusyon sa kalinangan?
A. Pagpapakita ng mga larawan ng mga sinaunang kababaihan sa mga larangan ng
kalakalan at pamamahala
B. Pag-eksperimento ng mga sinaunang kagamitan na ginagamit lamang ng
kalalakihan
C. Pagtalakay ng mga pangyayari na may kaugnayan sa mga digmaan na
kinasangkutan ng mga kababaihan
D. Pagsusuri ng kasaysayan ng mga kababaihan na hindi nakikilahok sa pamumuhay
ng sinaunang lipunan
50.Batay sa iyong pagkaintindi, ano ang pinakamahalagang kontribusyon
ng kababaihan sa sinaunang lipunang Pilipino na dapat isama sa pag-aaral ng
kasaysayan?
A. Ang kanilang pagiging bahagi ng mga malalaking digmaan at pagkatalo sa mga
banyaga
B. Ang kanilang papel sa pag-aalaga ng pamilya at pagiging bahagi ng mga
tradisyon na nagpapatibay sa kultura
C. Ang pagiging eksperto nila sa larangan ng pagmimina at pagbuo ng mga
estruktura
D. Ang pagiging pinuno ng mga sinaunang pamayanan sa buong bansa
<<<Answer Key>>>
TABLE OF SPECIFICATIONS
(TALAAN
NG ISPESIPIKASYON)
FIRST QUARTER IN
(UNANG
MARKAHAN SA)
|
SUBJECT |
ARALING PANLIPUNAN |
MATATAG CURRICULUM |
ACADEMIC YEAR 2025-2026 |
|
GRADE |
5 |
1ST PERIODICAL TEST |
QUARTER 1
ACADEMIC
YEAR 2025-2026
|
CODES |
LEARNING COMPETENCIES (INCLUDE CODES IF
AVAILABLE) |
ACTUAL INSTRUCTIONS (DAYS) |
WEIGHT (%) |
REVISED BLOOM’S TAXONOMY LEVEL OF COGNITIVE DIMENSION |
TOTAL NUMBER OF TEST ITEMS |
||||||||||||
|
REMEMBERING |
UNDERSTANDING |
APPLYING |
ANALYZING |
EVALUATING |
CREATING |
||||||||||||
|
NOI |
POI |
NOI |
POI |
NOI |
POI |
NOI |
POI |
NOI |
POI |
NOI |
POI |
ACTUAL |
ADJUSTED |
||||
|
NC |
1.
Naipaliliwanag ang pag-aaral ng kasaysayan at mga batayan nito |
10 |
16% |
4 |
1,2,3,4 |
4 |
5,6,7,8 |
|
|
|
|
|
|
|
|
8 |
8 |
|
NC |
2. Natatalakay
ang mga pamamaraan at pananaw ng kasaysayan |
12% |
|
|
6 |
9,10,11,12,13,14 |
|
|
|
|
|
|
|
|
6 |
6 |
|
|
NC |
3.
Natutukoy ang pinagmulan ng Pilipinas batay sa agham, kaalamang bayan, at
relihiyon |
5 |
14% |
4 |
15,16,17,18 |
3 |
19,20,21 |
|
|
|
|
|
|
|
|
7 |
7 |
|
NC |
4. Nasusuri
ang pinagmulan ng sinaunang tao sa Pilipinas batay sa agham at kaalamang
bayan |
5 |
16% |
|
|
|
|
4 |
22,23,24,25 |
4 |
26,27,28,29 |
|
|
|
|
8 |
8 |
|
|
5.
Nasusuri ang kaugnayan ng lokasyon sa paghubog ng kasaysayan. |
5 |
14% |
|
|
|
|
3 |
30,31,32 |
4 |
33,34,35,36 |
|
|
|
|
7 |
7 |
|
NC |
6. Nasusuri
ang mga sinaunang bayang Pilipino batay sa organisasyong panlipunan,
pang-ekonomiya, at pampolitika |
5 |
12% |
4 |
37,38,39,40 |
|
|
|
|
|
|
|
|
2 |
41,42 |
6 |
6 |
|
NC |
7.
Napahahalagahan ang ginampanan ng kababaihan sa pagbuo ng kalinangan ng
sinaunang Pilipino |
10 |
16% |
|
|
5 |
43,44,45,46,47 |
|
|
|
|
3 |
48,49,50 |
|
|
8 |
8 |
|
|
TOTAL |
40 |
100% |
12 |
18 |
7 |
8 |
3 |
2 |
50 |
50 |
||||||
|
_______________ Prepared by |
______________________________ Initial
Content Validation |
____________________________ Final
Validation |
|||||||||||||||
No comments:
Post a Comment
Thank you for your feedback.