UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 4
Pangalan:
____________________________________ Iskor:___________________________
Baitang
at Seksyon: _______________________ Petsa:
___________________________
Panuto: Piliin ang titik ng
tamang sagot.
1.
Anong katangian ng lokasyon ng Pilipinas
ang nagdudulot ng mayamang yamang-dagat sa bansa?
a)
Ang pagiging bahagi ng Pacific Ring of
Fire
b)
Ang pagiging malapit sa ekwador
c)
Ang pagkakaroon ng maraming kabundukan
d)
Ang pagiging arkipelago na napapaligiran
ng karagatan
2. Paano
nakaaapekto ang lokasyon ng Pilipinas sa klima at panahon ng bansa?
a)
Palaging nakararanas ng tag-init dahil
malapit sa ekwador
b)
Hindi nakararanas ng bagyo dahil nasa
tropiko
c)
May dalawang uri ng panahon dahil sa
relatibong lokasyon
d)
Ang Pilipinas ay malamig buong taon
dahil sa kinalalagyan nito
3. Paano
makatutulong ang tiyak na lokasyon ng Pilipinas sa pagtukoy ng mga posibleng
panganib ng mga natural na kalamidad?
a)
Maaaring tukuyin ang mga lugar na prone
sa bagyo
b)
Natutukoy ang mga lugar na palaging
binabaha
c)
Mas madaling makita ang mga lugar na may
mataas na altitude
d)
Natutukoy ang mga lugar na prone sa
landslide
4. Bakit
mahalaga ang pagkakaroon ng kaalaman sa relatibong lokasyon ng Pilipinas sa mga
kapitbahay na bansa?
a)
Para sa madaling paglalakbay sa ibang
bansa
b)
Para sa kalakalan at diplomatikong
relasyon
c)
Para sa pag-aaral ng mga kultura ng
ibang bansa
d)
Para sa pagsasalin ng wika
5. Anong
aspeto ng tiyak na lokasyon ang may kinalaman sa pagkakaroon ng iba't ibang uri
ng hayop at halaman sa Pilipinas?
a)
Ang pag-iral ng iba't ibang anyong tubig
sa paligid ng bansa
b)
Ang pagkakaroon ng maraming bulkan
c)
Ang pagiging malapit sa mga tropikal na
bansa
d)
Ang pagkakakulong ng bansa sa tatlong
pangunahing anyong lupa
6. Paano
natutukoy ang isang lugar bilang isang bansa?
a)
Pagkakaroon ng sariling wika at kultura
b)
Pagkakaroon ng hangganan, pamahalaan, at
populasyon
c)
Pagiging bahagi ng United Nations
d)
Pagkakaroon ng mayamang likas na yaman
7. Ano ang
pangunahing papel ng pamahalaan sa isang bansa?
a)
Magpalaganap ng kaalaman tungkol sa mga
tradisyon
b)
Magbigay ng edukasyon at kalusugan sa
mamamayan
c)
Magpatupad ng batas at magbigay ng
proteksyon sa mga mamamayan
d)
Magsagawa ng mga programa para sa
kalikasan
8. Bakit
mahalaga ang pagkakaroon ng sariling wika sa isang bansa?
a)
Para makipagkalakalan sa ibang bansa
b)
Para sa pagkakaisa at pagkakakilanlan ng
mga mamamayan
c)
Para sa mas madaling pag-aaral ng ibang
mga wika
d)
Para sa mabilis na pag-unlad ng
ekonomiya
9. Paano
nakatutulong ang mga simbolo ng bansa, tulad ng watawat at pambansang awit, sa
paghubog ng pagkakakilanlan ng mga mamamayan?
a)
Nagsisilbi itong gabay sa mga batas ng
bansa
b)
Ipinapakita nito ang kasaysayan at
kultura ng bansa
c)
Nagpapalaganap ito ng turismo sa ibang
bansa
d)
Nagsisilbing inspirasyon sa mga
mamamayan na maglingkod sa pamahalaan
10.
Paano naipapakita ng mga mamamayan ang
kanilang pagmamahal at pagtangkilik sa kanilang bansa?
a)
Sa pamamagitan ng pagdiriwang ng mga
pistang bayan
b)
Sa pamamagitan ng pagbili ng mga lokal
na produkto
c)
Sa pamamagitan ng pagtangkilik sa
sariling wika at kultura
d)
Sa lahat ng nabanggi
11.
Paano maipapakita ng isang mag-aaral ang
kahalagahan ng pag-unawa sa Saligang Batas kaugnay sa teritoryo ng Pilipinas?
a)
Sa pamamagitan ng pagsasaulo ng mga
pangalan ng mga pulo
b)
Sa pamamagitan ng pagsulat ng isang
sanaysay tungkol sa mga karapatan ng bansa
c)
Sa pamamagitan ng paglalakbay sa mga
pulo ng Pilipinas
d)
Sa pamamagitan ng paggawa ng mapa ng
teritoryo ng Pilipinas
12.
Bakit mahalaga ang Archipelagic Doctrine
sa pagkilala ng hangganan ng Pilipinas?
a)
Dahil ito ang nagbibigay ng karapatan sa
Pilipinas na magpatupad ng mga batas sa kalapit bansa
b)
Dahil pinapaliit nito ang teritoryo ng
bansa
c)
Dahil ipinapakita nito ang pagiging
bahagi ng Pilipinas ng mga kalapit na isla
d)
Dahil nagbibigay ito ng kalayaan sa
bawat Pilipino na maglayag kahit saan
13.
Anong epekto ng kasaysayan sa pagtukoy
ng teritoryo ng Pilipinas?
a)
Pinapalawak nito ang mga hangganan ng
Pilipinas
b)
Pinagtitibay nito ang mga karapatan ng
mga katutubo sa kanilang lupa
c)
Binibigyang-diin nito ang mga nakaraan
ng Pilipinas bilang bahagi ng kalakalan
d)
Nagbibigay ito ng konteksto sa mga
kasunduan sa ibang bansa
14.
Paano nakakatulong ang Saligang Batas ng
Pilipinas sa pangangalaga ng teritoryo ng bansa?
a)
Sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa
pagpasok ng dayuhang mamumuhunan
b)
Sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga
detalye ng mga hangganan at karapatan sa dagat
c)
Sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa mga
dayuhan na magmay-ari ng lupa
d)
Sa pamamagitan ng pag-alis ng mga
kasunduan sa ibang bansa
15.
Ano ang pangunahing layunin ng UNCLOS
para sa Pilipinas?
a)
Palawigin ang teritoryo ng Pilipinas
hanggang sa iba pang kontinente
b)
Magbigay ng gabay sa paglinang ng yamang
dagat
c)
Pagtibayin ang karapatan ng Pilipinas sa
mga likas na yaman sa karagatan
d)
Palitan ang mga kasunduan ng Pilipinas
sa ibang bansa
16.
Paano nagagamit ang Archipelagic
Doctrine sa pagpapanatili ng kaayusan sa karagatan ng Pilipinas?
a)
Sa pamamagitan ng paglimita ng
pangingisda sa ibang bansa
b)
Sa pamamagitan ng pagtatakda ng mga
alituntunin para sa pag-aangkin ng mga isla
c)
Sa pamamagitan ng pagtuturo ng mga
tradisyonal na pamamaraan ng pangingisda
d)
Sa pamamagitan ng pagbibigay ng
karapatan sa mga Pilipino na makipag-ugnayan sa ibang bansa
17.
Ano ang papel ng Pangulo ng Pilipinas sa
pangangalaga ng teritoryo ng bansa ayon sa Saligang Batas?
a)
Ipinapasa ang mga bagong batas na may
kinalaman sa teritoryo
b)
Nagpapasiya sa mga hangganan ng bansa
c)
Pinoprotektahan ang mga likas na yaman
ng bansa
d)
Nagtatalaga ng mga opisyal sa mga
hangganang lugar
18.
Bakit mahalagang isaalang-alang ang
kasaysayan sa pagtukoy ng teritoryo ng Pilipinas?
a)
Dahil ito ay nagpapakita ng mga dahilan
kung bakit naging ganito ang kasalukuyang hangganan
b)
Dahil ito ay nagbibigay ng mga pangalan
ng mga pulo
c)
Dahil ito ay nagbibigay ng gabay sa
paglinang ng mga likas na yaman
d)
Dahil ito ay nagpapakita ng
pakikipag-ugnayan sa ibang bansa
19.
Ano ang maaaring maging epekto ng hindi
pagsunod sa mga probisyon ng UNCLOS para sa Pilipinas?
a)
Pagkalugi sa ekonomiya dahil sa mga
parusa
b)
Paglakas ng mga lokal na industriya
c)
Pagdami ng mga dayuhang turista
d)
Pagkakaroon ng mas malawak na teritoryo
20.
Paano maaaring magamit ng isang
mag-aaral ang kanyang kaalaman tungkol sa Saligang Batas at Archipelagic
Doctrine sa pang-araw-araw na buhay?
a)
Sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga
karagatan
b)
Sa pamamagitan ng pagsali sa mga
talakayan tungkol sa karapatan ng bansa
c)
Sa pamamagitan ng pagmamapa ng kanyang
sariling barangay
d)
Sa pamamagitan ng pagbuo ng sariling
batas
21.
Paano makakaapekto ang klima ng
Pilipinas sa mga gawaing pang-ekonomiya ng bansa?
a)
Napipilitan ang mga Pilipino na
magtrabaho sa ibang bansa
b)
Nakakaapekto sa uri ng mga pananim na
maaaring itanim
c)
Nagdudulot ng kakulangan sa mga likas na
yaman
d)
Nagiging dahilan ng pagdami ng
populasyon
22.
Anong aspeto ng heograpiyang pisikal ang
pinakamalaking impluwensya sa uri ng pamumuhay ng mga Pilipino?
a)
Ang pagkakaroon ng maraming pulo
b)
Ang klima at panahon
c)
Ang uri ng mga anyong lupa
d)
Ang dami ng populasyon
23.
Paano naiimpluwensyahan ng populasyon
ang pagkakakilanlang heograpikal ng Pilipinas?
a)
Sa pamamagitan ng pagtukoy ng mga
pangunahing wika sa bansa
b)
Sa pamamagitan ng pagbuo ng mga
tradisyonal na kaugalian
c)
Sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng
relihiyon
d)
Sa pamamagitan ng pagdami ng mga
dayuhang nagmamay-ari ng lupa
24.
Ano ang epekto ng heograpiyang pantao sa
pagbuo ng kultura sa Pilipinas?
a)
Nagpapalaganap ng iisang uri ng kultura
sa buong bansa
b)
Nagreresulta sa pagkakaroon ng iba't
ibang wika at kaugalian
c)
Nakakaapekto sa dami ng likas na yaman
sa bansa
d)
Nagdudulot ng kawalan ng pagkakaisa sa
bansa
25.
Paano nakakaapekto ang pagkakaroon ng
iba't ibang anyong lupa sa pamumuhay ng mga tao sa Pilipinas?
a)
Nakakabawas sa kakayahang magtanim ng
pagkain
b)
Nagbibigay ng iba't ibang hanapbuhay at
pamumuhay
c)
Nagdudulot ng limitadong espasyo para sa
mga bahay
d)
Nagpapalaganap ng pagkakaisa sa iba't
ibang rehiyon
26.
Anong aspeto ng heograpiyang pisikal ang
pangunahing dahilan ng pagkakaiba-iba ng wika sa Pilipinas?
a)
Ang pagkakaroon ng maraming pulo
b)
Ang klima
c)
Ang anyong tubig
d)
Ang anyong lupa
27.
Bakit mahalagang unawain ang
heograpiyang pantao ng Pilipinas?
a)
Upang mas mapabuti ang sistema ng
edukasyon
b)
Upang mapalawak ang kaalaman sa
pagkakakilanlan ng iba't ibang pangkat etniko
c)
Upang mapadali ang kalakalan sa ibang
bansa
d)
Upang matugunan ang mga suliraning
pangkapaligiran
28.
Paano nagiging bahagi ng heograpiyang
pantao ang mga Indigenous Peoples (IPs) sa Pilipinas?
a)
Sila ang pangunahing nagtataguyod ng
agrikultura sa bansa
b)
Sila ang nagdadala ng mga dayuhang
produkto sa bansa
c)
Sila ang nag-aambag ng mga natatanging
tradisyon at kaugalian
d)
Sila ang gumagawa ng batas sa kanilang
lugar
29.
Paano makakaapekto ang anyong tubig sa
transportasyon sa Pilipinas?
a)
Nagbibigay ng alternatibong ruta para sa
mga sasakyan
b)
Nagreresulta sa pagkakaroon ng mas
maraming tulay
c)
Nagiging hadlang sa pagbiyahe ng mga
produkto
d)
Nagpapabilis ng kalakalan sa iba't ibang
bahagi ng bansa
30.
Ano ang pinakamahalagang dahilan kung
bakit mahalaga ang pagkakaroon ng malalim na kaalaman sa heograpiyang pisikal
at pantao ng Pilipinas?
a)
Upang mapalawak ang teritoryo ng bansa
b)
Upang matutunan ang iba't ibang wikang
sinasalita sa bansa
c)
Upang makabuo ng mga desisyong
makakatulong sa pag-unlad ng bansa
d)
Upang magamit sa mga pakikipagkalakalan
sa ibang bansa
31.
Paano nakatutulong ang lokasyon ng Pilipinas
sa pagiging isang bansang maritimo?
a)
Nakapipigil ito sa pakikipagkalakalan ng
Pilipinas.
b)
Nakatutulong ito upang magkaroon ng
iba't ibang uri ng likas na yaman.
c)
Nagiging hadlang ito sa komunikasyon ng
mga rehiyon sa bansa.
d)
Nakatutulong ito sa pagkakaroon ng
matabang lupa sa buong kapuluan.
32.
Sa anong aspeto ng pamumuhay ng mga
Pilipino ang labis na naaapektuhan ng pagiging arkipelago ng Pilipinas?
a)
Uri ng pananamit
b)
Paraan ng pagsasaka
c)
Sistema ng transportasyon
d)
Istruktura ng edukasyon
33.
Ano ang pangunahing epekto ng lokasyon
ng Pilipinas sa pagkakaroon nito ng mayamang biodiversity?
a)
Nagiging dahilan ito ng pagkakaroon ng
maraming isla.
b)
Nakalilikha ito ng iba't ibang uri ng
klima.
c)
Nagbibigay ito ng sapat na ulan sa buong
bansa.
d)
Nagpapahintulot ito sa pag-usbong ng
maraming uri ng halaman at hayop.
34.
Paano nakaaapekto ang lokasyon ng
Pilipinas sa mga kalamidad na nararanasan ng bansa, tulad ng bagyo at lindol?
a)
Nagiging sanhi ito ng mahinang epekto ng
mga kalamidad.
b)
Ito ay dahilan ng pagdami ng mga
kalamidad na nararanasan.
c)
Pinipigil nito ang pagdating ng mga
bagyo sa bansa.
d)
Nagpapahina ito sa mga alon ng dagat na
dulot ng bagyo.
35.
Sa lokasyon ng Pilipinas sa Pacific Ring
of Fire, paano naaapektuhan ang pagkakaroon ng mga bulkan at lindol sa bansa?
a)
Nagdudulot ito ng matinding tag-init sa
bansa.
b)
Nagtutulak ito ng pag-aangkat ng pagkain
mula sa ibang bansa.
c)
Nagiging sanhi ito ng madalas na
pagputok ng bulkan at lindol.
d)
Nagiging dahilan ito ng pagtaas ng lebel
ng tubig sa dagat.
36.
Paano naaapektuhan ng mga kabundukan at
kagubatan ng Pilipinas ang pamumuhay ng mga katutubong Pilipino?
a)
Nagiging dahilan ito upang sila ay
maging urbanisado.
b)
Pinipilit silang maghanapbuhay sa
lungsod.
c)
Nagbibigay ito ng likas na yaman na kanilang
ikinabubuhay.
d)
Nagpapahirap ito sa kanilang
komunikasyon sa iba.
37.
Paano nagagamit ng mga Pilipino ang
katangiang heograpikal ng bansa sa pagpapaunlad ng turismo?
a)
Pinapayagan ang pagmimina sa mga lugar
na may turistang dumarayo.
b)
Pinaunlad ang mga imprastraktura na
magdadala ng mas maraming turista.
c)
Nananatili ang mga lugar na ito bilang
bahagi ng taniman at sakahan.
d)
Tinatamnan ng palay ang mga bundok upang
maging taniman.
38.
Paano nakaaapekto ang heograpikal na
katangian ng Pilipinas sa pagkakaroon ng iba't ibang uri ng agrikultura sa
bansa?
a)
Pinipilit ang mga magsasaka na magtanim
ng iisang uri ng pananim.
b)
Nagpapahintulot ito ng pagkakaroon ng
iba't ibang uri ng produktong agrikultural.
c)
Napipilitan ang mga Pilipino na umangkat
ng pagkain mula sa ibang bansa.
d)
Nagdudulot ito ng kakulangan sa suplay
ng tubig para sa sakahan.
39.
Paano nagiging bentahe para sa mga
Pilipino ang pagiging arkipelago ng Pilipinas sa pakikipagkalakalan sa ibang
bansa?
a)
Nagiging mahirap ang transportasyon ng
mga produkto.
b)
Napipilitang magtayo ng mga daungan sa
bawat isla.
c)
Nagpapadali ito sa kalakalan sa
pamamagitan ng maraming daungan.
d)
Nagiging dahilan ito ng pagkakaroon ng
limitadong produkto para sa eksport.
40.
Paano pinapahalagahan ng mga Pilipino
ang kagandahan ng likas na yaman ng bansa sa kabila ng modernisasyon?
a)
Pagpapaunlad ng mga imprastraktura sa
mga likas na yaman upang gawing pabrika.
b)
Pagpapatayo ng mga malalaking gusali sa
mga kagubatan.
c)
Pagsasagawa ng mga batas para sa
pangangalaga ng kalikasan.
d)
Pagpapaunlad ng mga kalsada sa gitna ng
mga kagubatan.
<<<Answer Key>>>
TABLE OF SPECIFICATIONS
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 4
|
Learning Competencies |
No. of Days |
Percentage |
No. of Items |
Item Placement Under Each Cognitive
Domains |
|||||
|
Remembering |
Understanding |
Applying |
Analyzing |
Evaluating |
Creating |
||||
|
Natutukoy
ang kinalalagyan ng Pilipinas gamit ang tiyak at relatibong
lokasyon |
5 |
12.5% |
5 |
|
|
1 2 3 4 5 |
|
|
|
|
Natatalakay ang konsepto ng bansa |
5 |
12.5% |
5 |
|
6 7 8 9 10 |
|
|
|
|
|
Naipaliliwanag ang mga saligan ng lawak at
hangganan ng teritoryo ng Pilipinas |
10 |
25% |
10 |
|
|
|
11 12 13 14 15 |
16 17 18 19 20 |
|
|
Nailalarawan ang pagkakakilanlang heograpikal ng Pilipinas: a. Heograpiyang Pisikal b. Heograpiyang Pantao |
10 |
25% |
10 |
|
|
|
26 27 28 29 30 |
21 22 23 24 25 |
|
|
Nasusuri ang ugnayan ng lokasyon ng Pilipinas sa heograpiya nito |
5 |
12.5% |
5 |
|
|
|
31 32 33 34 35 |
|
|
|
Napahahalagahan ang katangiang heograpikal ng bansa |
5 |
12.5% |
5 |
|
|
|
|
36 37 38 39 40 |
|
|
TOTAL |
40 |
100% |
40 |
0 |
5 |
5 |
15 |
15 |
0 |
Prepared
by:
YOUR
NAME
Teacher
III
Contents
Checked:
NAME PRINCIPAL’S
NAME
Master
Teacher I Principal
Contents
Noted: NAME
Public
Schools District Supervisor
Contents
Checked/Verified: NAME
Education
Program Supervisor
No comments:
Post a Comment
Thank you for your feedback.